24: Close

25 1 5
                                    

Precious's POV

"Precious," napalingon na lang ako nang may tumawag sa 'kin mula sa likuran. Laking gulat nang si senator Zeus iyon. Agad na dumapo ang kaba sa dibdib, at the same time sobra-sobra agad ang naramdamang kilig dahil napakagawapo niyaaaaa!

Pumasok siya ng room namin saka lumapit sa 'kin, "Ready ka na?"

"O-oo..." utal ko pang sagot. Sinong hindi mauutal kung kasing guwapo lang naman ni senator ang nasa harap ko at magtatanong ng gano'n, di ba?

Marahan siyang ngumiti at inilahad ang kamay. Nawala ang paki ko sa mga kaklaseng nakatingin na sa akin. Bahala sila dyan. Siyempre, papalagpasin ko ba, to? Hindi! Hinawakan ko agad! Chance na 'to, e!

"Ay grabe, ang lambot ng kamay mo, senator. Tapos ambango pa! Amoy baby," napapikit na lang sa sobrang kilig.

"Okay ka lang?" Rining kong tanong niya.

"Ha? Ako? Oo naman! Nandito ka, e!" Banat ko. As usual, tinawanan lang niya ako.

"Zeus! Nandito na ako!" Napatingin na lang sa harapan. Nanlaki ang mga mata dahil nakit ko lang naman si President Jepjep! Kumakaway pa ito habang papalapit sa amin. "Ano, tara na?"

"Sige," tumango si senator saka humarap sa 'kin. "Umm, Precious, sasama daw siya sa 'tin. Okay lang?"

Hindi ako sumagot agad. Tinaliman ko ang tingin kay President Jep, pero ito ay ngiting-ngiti at mapang-asar lang na tumitig sa 'kin. Tipaklong na SSG president 'to.

"Tara?" Yaya ni Senator Zeus. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang.

Sumakay kami sa kanyang kotse. Hindi ko na winala ang tingin ko kay senator, ang gwapo e. Baka ma-bwisiti pa ako kapag nilbot ko ang tingin at makita lang tong Jepjep na 'to.

"Baka matunaw ako," ha? Si senator.

"Hehe, pasensya na senator. Ang gwapo mo lang kasi talaga sa malapitan," umatras yata yung pagka-banatera ko. Hiya at kilig ang nararamdaman ko.

"Mahiya naman kayo sa single dito, 'no?" Epal talaga tong taong to. Pasalamat ka, presidente kang Jepjep ka. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Huminto ang sasakyan sa isang kainan, at gaya ng sabi ni senator, libre niya. Buti na lang sa ibang table uupo si president, maso-solo ko si senator Zeus, ehe.

"Two pieces regular burger, one large fries, one chicken bucket and two milkteas, please," pag o-order ni senator. "Pres, anong sayo?"

"Two pieces burger pero with cheese, one large fries, one chicken bucket at isang milktea. Gano'n din, pareho nung sa inyo," dumila pa't nang-asar si President. Kainis.

"Sige..."

Nang makuha ang mga order ay nagsi-upo na kami. Buti na lang talaga hindi siya umupo kasama namin sa isang table. Kundi, babatukan ko siya. Wala akong paki kung SSG president chuchu pa ang tipaklong na Jepjep na 'yon.

"Umm... kayong dalawa ni Jep," hmmm? Rinig ko kay Senator. "Close na close kayo, no?"

"Medyo, oo. Kasi, naging classmates din kami nung fourth year highschool, saka ngayon sa mga subjects," kuwento ko.

"A... kaya pala komportable ka sa kanya..." tumango ako. Peto kahit gano'n, alam ko pa rin naman ang posisyon niya sa school kaya kahit tipaklong ang tawag ko do'n, I respect him pa rin.

"Wag kang mag-alala, senator. Komportable naman din ako sayo. Crush nga kita, e," ngiting-ngiti kong sabi. Pero tinawanan lang niya ako. Hays. As usual.

HOTSPOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon