Three

4 1 0
                                    

I rolled my eyes and just picked my things up and walked away.

Kaninang tanghali ay sinundo ko lang si Gil dahil half day lang daw ang klase nila today since there will be a meeting for teachers in the afternoon. Hinatid ko lang siya sa house at bumalik na dito.

In the afternoon, we just had a normal class. Discussions lang ang ginawa namin. Buti nga wala pa silang binigay na gagawin namin. It's really weird of them.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko noong palabas na ako ng pintuan. "Saan punta mo? Sama nga ako" Sabi ni Kai habang nakahawak sa strap ng bag niya.

"Sa tindahan ng shake tsaka cheese sticks." Sagot ko. "Dadaanan ko lang si Aly diyan sa harap ng main building, doon na kasi siya dumiretso.

Sumama na lang sa akin siya dahil wala naman daw siyang gagawin. Naipasa niya na rin sa President namin 'yong mga plates na ginawa niya kaya pwede na raw siyang mag lakwatsa.

"Oh, ba't kasama mo 'yan?" Turo niya kay Kai na nasa gilid ko.

"Ewan ko dito. Sama ng sama, eh. Parang bata" Pang-aasar ko. "Tara na nga!" Hila ko sa kanila pareho.

"Idaan natin 'tong mga books ko sa car mo, ha. Wala kasi 'yung sasakyan ko" Tumango ako kay Aly dahil madadaanan din naman namin ang kotse ko.

"Kailan ka ba uuwi sa inyo? Miss ko na luto ni Tita" Sabi ko kay Kai habang hinihintay ko si Aly na mag ayos sa may trunk ng kotse.

"Ewan." Maikling sagot niya habang tinitignan ang sasakyan ko. "Gago, bagong tint tsaka mags?" Tumingin siya sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang sagot. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman. Bagong gawa rin yung akin, eh" Pagmamayabang niya. "Ikaw, Alyeanna?" Tanong niya nang matapos si Aly sa ginagawa niya.

"Sorry pero bagong bili 'yung akin" Binelatan niya kaming dalawa. "Oh, ano? Sino kayo ngayon" Sabi niya nang ipakita niya ang litrato niya kasama niya ang bagong biling sasakyan.

It's a Mercedes-Benz S-Class. What the fuck?! I know this cost millions!

Sa sobrang humble ni Aly hindi mo aakalain na milyon ang presyo ng mga sasakyan niya. Ayaw niya ipagmayabang sa marami. She brags about  in a way of joking. She doesn't do it just like how other people do it.

Pagdating namin sa tindahan ng shake ay nag order lang ako ng chocolate shake tsaks na ako bumili ng siomai sa katabing tindahan. Nagbago ang isip ko dahil nakita ko na bagong luto 'yung siomai nila.

Habang nakatayo kami sa gilid, umiinom ng shake biglang may nagsalita sa likod ko. "Aly?"

"Uy, Kly! Pumunta ka ng hospital?" Tanong ni Aly kaya napalingon ako.

"Yeah. Dumaan lang ako dito to buy some foods." Klyro answered.

"By the way, this is Kai–my friend, and this is Dev–the one you met last week sa dinner ni Papa" Pagpapakilala niya sa amin.

"Kai," Inabot ni Kai ang kamay niya kay Klyro at tinanggap niya naman 'yon.

He just gave me a glance and started talking to his cousin. It's not a big deal for me so I just continued eating. Umupo pa ako para hindi naman ako paharang-harang.

Pagkatapos niyang bumili ng pagkain ay umalis din siya dahil may tumawag sa kaniya ng biglaan.

"Pinsan mo 'yon?" Tanong ni Kai kay Aly habang katabi ko. Kumuha pa siya ng isang piraso ng siomai sa meal box ko.

Tumango lang si Aly dahil umiinom siya ng shake.

Hinintay lang nila akong matapos kumain dahil mabagal nga akong kumain. Para raw akong pusa dahil halos abutin ako ng isang oras sa tagal ng pagkain. Minsan kasi nilalasahan ko pa or inuunti-unti ko dahil busog na ako.

Stars Above Us (Galaxia Series #1)Where stories live. Discover now