Lakad dito lakad duon at hindi alam kung saan susuling, walang diresksyon ang kanyang mga paa kung saan patutungo. Hindi alam kung anung gagawin. Walang malinaw na maisip ang tulirong niyang pag-iisip sa biglaan pagkawala ng trabaho niya ng dahil sa kapabayaan ng iba, malaking pinsala ang nangyari. Hindi lang siya ang nawalan ng trabaho marami sila. At tanging siya lang ang walang mapupuntahan. Wala kamag-anak na mauuwian. Walang sariling bahay na masisilongan. Ubus narin ang konting perang naipon niya.
Ilang oras naba siyang palakad-lakad sa mga bangketa, umaga palang naglalakad na siya at bawat establisyementong madaanan niya sinusuri niyang mabuti nag-babakasakaling may makita siyang trabaho o nakapaskil na karatulang "WANTED BOY/HELPER" papatusin na niya kahit maliit lang ang sweldo basta legal ang importante lang naman ay may pambili siya ng makakain niya sa araw-araw, at kung stay-in naman mas pabor sa kanya may matutulogan siya at kung susuwertehin baka libre ang pagkain.
Kumakalam narin ang sikmura niya sa gutom isang tinapay lang kinain niya kagabi hindi parin siya nag aalmusal wala na din lamang tubig ang plastic bottle na hawak niya, naubus na niya yung tubig na hiningi niya sa nadaanan karenderya kanina. Dumukot siya sa bulsa ng kupasin pantalon na maong fifty pesos nalang pera niya kailangan na niya agad makakita ng kahit anong trabaho. Mabagal narin ang bawat hakba niya dahil sa pagod at gutom.
Dahil sa kultado niyang utak hindi na gumagana ito para makapag-isip kaya bigla siyang tumawid at hindi napansin na may parating na sasakyan. Dahil sa init ng panahon idagdag pa ang pag-aalburoto ng kanyang sikmura dahil sa gutom. Nahilo siya kasabay ng pagragasa ng isang kotse, saktong nahagip siya bago palang siya bumagsak sa sementandong kalsada. Kasunod ng mga tilian at sigawan ng mga taong nakasaksi sa insidente.
"Ambulancia!... Ambulancia!... tumawag kayu ng ambulacia.." Sigaw ng mga taong lumapit sa pinangyarihan ng aksidente.
Nagkagulo na ang mga tao sa kalsada at maging ilan mga motorista huminto rin at nakiisyuso na naging sanhi ng matinding trapiko sa kalsada.
"Naku patay na yata dali kayu isakay na niyo yun tao". sigaw naman ng ibang taong nakikiisyuso.
Samantalang tulala naman sa loob ng kanyan kotse ang isang babae, hindi niya alam ang gagawin, kung hindi pa may sunod-sunod na kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan hindi pa siya matatauhan. Ilang beses din niyang ipinilig ang ulo bago nataohan sa kaganapan.
"Naku babae pala ang driver." Wika ng isang matandang lalaking sumilip sa kanya.
"Miss buksan mo yun sasakyan mo dalin mo na sa pinakamalapit na ospital yun taong nabanga mo." Sigaw naman ng isang lalake.
"Bubuhatin nalang namin at ng madala mo na sa hospital" ani ng isa pang lalake.
"Oo nga miss kung mag-hihintay kapa ng rescuers baka maubusan na ng dugo yun tao, putok yun ulo eh." Sabad naman ng isa at itinuro pa ng isa nitong daliri ang taong nakahandusay sa semento.
Palakad-lakad naman si Paula sa waiting area ng hospital, kanina pa siya kinakabahan hindi niya alam ang gagawin, natatakot siya baka mamatay yun lalakeng nabundol niya, bakit kasi hindi niya napansin yung lalaki. Nangangamba siya baka idemanda siya ng lalaki o ng pamilya nito. Natatakot siyang makulong bata pa siya, ano na ang gagawin niya ngayon. Ayaw naman niyang ipaalam sa mga magulang niya baka mapagalitan pa siya lalo na ang kanya Papa, ayaw nito sa kanya, ayaw nito ng anak na babae kaya kahit kailan hindi niya naramdaman minahal siya nito bilang anak, hindi na daw kasi pwedeng mag-buntis ang Mama niya dahil may deprensya daw eto sa matris kaya nag-iisang anak lang siya. Lahat naman ginawa niya para paluguran ang ama pero wala parin. Kaya sa murang edad natoto na siya mabuhay mag-isa, nung tumuntong siya ng college nagpasya siyang bumukod na ng tirahan. At ipon nakakuha siya ng isang condominium unit.
BINABASA MO ANG
My Billionaire's Husband
RomanceIsang pagmamahalan walang kapantay, pamamahalang susuungin ang lahat makamit lang ang mga nilalayun nito... Dito masusubok ang katatagan ng pagmamahalan nila Nickulas at Paula sa kabila ng mga hadlang sa kanilang pagiibigan paano nila malalamp...