Pagkahatid niya kay Paula sa may elevator pumasok na siya sa bahay, inumpisahan na niyang linisin ang boong bahay, nasanay na siyang ito ang ginagawa araw araw sa loob ng mahigit isang linggo. Kaunting pahinga pagkatapos niya gawin lahat na dapat niyang gawin sa bahay ni Paula naliligo na siya. Hindi naman kalakihan ang bahay ni Paula sakto lang ito para sa isang tao tulad ni Paula. Kaya hindi siya nahihirapan nilisin ito.
Pumasok siya sa library ni Paula at kumuha ng isang librong babasahin bago siya tumungo sa rooftop ng building na araw araw na niyang nakagawian. Dito siya nagbabasa upang malibang, mayroon din siyang dahilan kung bakit dito siya naglalagi. May natuklasan siyang isang abandonadong fitness gymnasium na may mga lumang equipment. Sa tingin niya magagamit pa yon kung maayus, gusto niyang makita at makilala ang may ari ng gym. Dahil may nabuong plano sa isipan niya. Kailangan niyang may pagkakitaan at hindi habang buhay aasa sa iba.
Pag-akyat niya sa rooftop ng building nakarinig na siya ng may kalakas sound na nagmumula sa gym. Maluwang din ang pagkakabukas ng pinto nito na dating nakaawang lang. Alam niya sira yun at hindi nasasara ang pinto kaya nga madalas niyang silipin ito tuwing aakyat siya dito. Kaya malalaki ang hakbang at may pagmamadali siyang lumapit doon at sumilip.
Nakita niya may apat na kabataan dun na nagtatawanan na sa tingin niya hindi nasay mag-workout ang mga ito. Naiiling nalang siya pinapanoud ang mga ginagawa ng apat na kabataan, hanggang nabaling ang paningin ng mga ito sa kanya, ngumiti ang isa sa kanya kaya tuluyan na siyang pumasok nilapitan niya ang mga ito na may ngiti rin sa mga labi.
"Sa inyo ba itong gym?" Pambungad niyang tanong sa mga ito na may nakapaskil parin ngiti sa mga labi.
"Kay kuya Drex po ito pinsan ko, lagi po ba kayung nagpupunta dito kuya?" ani ng isa.
"Oo halos araw araw nga andito ako, nagbabakasakaling makita yun may ari nito, sa tingin ko kasi parang napabayan na yan mga equipments, sayang lang kung masisira dahil mukhang bago pa ang karamihan." Saad niya.
"Busy na kasi si kuya Drex buhat noon siya na ang nag-manage ng negosyo nila, umalis nadin yun dating mga tao niya dito." Tugon nito.
"Sayang kasi itong mga ito ang mamahal pa naman niyan, hindi na ba siya nagagawi dito." Muli niyang tanong.
"Minsan minsan lang siya pumunta dito, pero kung interesado ka sasabihin ko sa kanya pagnagkita kami, ano nga pala pangalan mo kuya? Dito ka din ba sa building na ito nakatira?" Saad din nito.
"Oo diyang lang sa 15th floor ako nakatira pansamantala, Nickulas pangalan ko" aniya, sabay abot sa kamay niya upang makipagkamay sa mga ito. sunod sunod naman nagpakilala sa kanya ang mga kabataan, nagpag alam niyang magkakaibingan ang mga ito at kaya lang nagpunta ng gym dahil wala ng mga pasok ang mga ito dahil sem break na daw nila. Nanalaging siyang sana magkita sila kung sino man ang may ari ng gym, gusto niya makausap ito.
Tatlong araw na ang nakalipas buhat ng makita niya yun mga kabataan, simula nuon hindi na bumalik ang mga ito. Napabuntong hininga nalang siya bago naupo sa isang bench na malapit sa pinto ng gym para basahin ang dala niya libro pero hindi pa niya nababasa ang isang pahina nang may marining siyang ingay na nagmumula sa loob ng gym kaya napatayo siya at sumilip sa loob nakita niyang naka awang ng kunti ang isa sa pinto dun kaya dahan dahan siyang pumasok ng muli na naman siya nakarinig ng parang may nahulog na bagay sa loob ng silid kaya nagmadali na siyang naglakad patungo doon. Bago palang siya makalapit sa pinto ng bumukas ito at iniluwa dun ang isang taong may dala ng kung ano.
"Anung ginagawa mo diyan? ano yan dala mo?" Sikmat niya dito.
"Sino ka? Bakit ka andito?" magkasabay pa nila tanong sa isat isa.
"A-ah so- sorry akala ko kasi napasok ng magnanakaw." aniya sa nauutal na wika, napakamot pa siya ng kanyang batok sa hiya.
"Ako ang may ari nito. ikaw anong ginagawa mo dito?" Malumanay na nitong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Billionaire's Husband
RomanceIsang pagmamahalan walang kapantay, pamamahalang susuungin ang lahat makamit lang ang mga nilalayun nito... Dito masusubok ang katatagan ng pagmamahalan nila Nickulas at Paula sa kabila ng mga hadlang sa kanilang pagiibigan paano nila malalamp...