Famous Last Words (One Shot Story)

1.8K 39 43
                                        

"Babe kiss me o, please" Nag puppy eyes pa ko para lang mapansin ako ng girlfriend ko.

"No baby, finished your reviewer first." Sagot niya.

"Ano ba yan babe, para namang bata ako niyan sa ginagawa mo e." 

"Okay lang yan, baby nga kita di ba? Ikaw nga kung maka-baby pag may kasalanan ka e. Tapusin mo na yan, para maka-pagreview tayo mamaya" 

"Hay Kath. I love you! Alam mo ba yon?"

"Yep I know, and i love you too DJ. So much."

"O kiss ko na dali!"

"Di mo ko mauuto, tapusin mo na yan. Magluluto lang ako." 

Tumayo na si Kath at dumeretso ng kusina para magluto. Magkasama kami sa bahay, dito sa condo niya. Afterall, 9 years na kaming magboyfriend/girlfriend. High School sweethearts kami. Sinong magsasabing bata pa kami para magkarelasyon non at hindi magtatagal? O di ba? We made it this far and we will make it forever. Si Kath ang first love ko, and I'm 100% sure that she would be the last. Si Kath ang dahilan ng pag-ngiti ko. Siya ang nagiging sandalan ko sa pinagdadaanan ko sa pamilya ko, simula bata pa lang kasi ako, hindi ko na nakita ang nanay ko. Though, nagtatanong ako sa Daddy ko at sa one and only brother ko, iniiba nila yung usapan at sinasabing tigilan ko na daw yung pagtatanong tungkol sa bagay na yon. Pero hanggang ngayon, hindi pa din ako sumusuko na makikita ko ang nanay ko. 

Kung nagtataka kayong magkasama kami sa bahay ni Kath, Oo. lumayas nga kasi ako. Ayoko kasing araw-araw na dumadaan na nagtatanong ako tungkol sa nanay ko e papagalitan ako ng Daddy ko at susumbatan, kaya naman nagsikap ako sa buhay at eto ako ngayon, nagrereview para makapasa sa pagiging engineer. Para pag nagkita kami ng nanay ko ay maipagmalaki niya ko. Hindi ako galit sa kanya, at hindi ako magagalit sa kanya hanggat hindi ko nalalaman yung totoo. 

Nagpapasalamat ako ng sobra kay Kath dahil pinatuloy niya ko dito sa condo niya. 3 yrs na kaming magkasama dito. 2nd year college ako nung nagpaalam akong dito na ko tutuloy, nung una ayaw pa kong payagan ng Daddy ko pero pinaliwanag ko sa kanila na hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral pag nasa bahay ako. 

*text message*

"Daniel, daan ka dito sa bahay? Birthday ko limot mo ba?"

Ow, birthday nga pala ni Kuya. Shit nakalimot ako. Busy kasi sa pagrereview e.

"Sorry kuya, busy sa pagrereview e. Magte-take nako ng Board next month, kelangan to. Hehe. Happy Birthday! Sige, daan kami ni Kath jan" Reply ko kay kuya Rommel.

*text message*

"Wow! Goodluck, I'm so proud of you. See you later. Ingat!" 

Di ko na nireplyan si Kuya. Pumunta ako ng kusina at sinabi kay Kath na dadaan kami ng bahay dahil birthday ni Kuya.

"Aw. Pano to babe? Nagluto pa man din ako ng kare-kare your favorite. Reward ko sana sayo after mo magreview" Nag-pout pa siya. Cute ng girlfriend ko! 

"Don't worry, dalin na lang natin yan sa bahay. Okay ba yon?" 

"Hmmm. Okay. Sige, maligo ka na. Bukas ka na lang ulit mag-review. For sure iinom ka e, tapusin ko lang tong pagluluto." 

"Okay babe." Then kiniss ko siya sa noo at dumeretso sa kwarto namin para maligo. 

After ko maligo at magbihis, binalikan ko si Kath sa kitchen pero wala na siya don at naka-prepare na din yung kare-kare na dadalin namin sa bahay. Siguro sa kabilang CR siya naligo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Famous Last Words (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon