Nanginginig ang kamay ko at namumutil ang pawis sa noo ko. Kanina pa nagtatangkang umagos ang luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko ang pagtulo nito.
Matatag ako. Ano't anuman ang magiging resulta nito, magiging matatag ako. Kakayanin ko dahil una sa lahat desisyon ko to.
Dahan dahan kong binuksan ang kamay ko na may hawak ng parihabang bagay na alam kong magpapabago ng takbo ng buhay ko.
Alam ko na naman sa sarili ko ang sagot. Yun lang, kailangan ko ng confirmation. Di ko kasi matanggap ng basta lang.
Napahigpit ang hawak ko sa tiyan ko na para bang doon ako kumukuha ng lakas. Unti-unti nasilayan ko ang parihabang bagay.
Two lines. Two f-cking lines.
Pumikit ako. Parang hindi ako makahinga. Binasa ko ulit ang instructions sa box.
One line indicates negative hence, if two lines will appear the result is positive.
Positive. Baby. Pregnant.
Hindi ko na napigilan ang luha ko. Nqgsalimbayan na iyon ng pagtulo. Unti-unting pumasok sa isip ko ang mga imahe.
Si Mama, si Papa, ang mga kaibigan ko at si Aaron. Ni hindi ko alam kung anong estado ng relasyon namin ngayon. Simula kasi ng may mangyari samin eh unti-unti na syang nanlalamig. At sa ngayon, wala kaming constant communication.
Si Mama at Papa. Hindi ko sila kakayaning biguin. Ang taas ng expectation nila sa akin. Ako na lang ang inaasahan nilang makakatapos at mag-aabot ng inaasam nilang diploma pagkatapos magloko ni kuya.
Mag-aaral pa ako, magtatapos. Magtatrabaho sa TV Network bilang reporter at magiging batikang Journalist. Magpapatayo pa ako ng dream house namin at ipaparanas ko pa sa kanila ang masaganang buhay na matagal na naming pinapangarap.
Ang mga kaibigan ko. Ano na lang ang sasabihin nila? Ako na highschool valedictorian at napakaconscious pagdating sa mga usaping ganito eh mabubuntis bigla?
Paano na ang pag-aaral ko? 1st college na pa naman ako at expected deans lister ng batch namin.
Paano na ang nightlife ko? Kaya ko bang talikuran ang saya ng party? Kaya ko bang maging isang responsableng ina? Kaya ko bang alagaan siya?
Oo, matalino ako. Pero tamad din ako at iresponsable. Wala akong ibang alam kundi mag-aral sa araw at makipagparty sa gabi.
Ang daming tanong na namumuo sa utak ko. Para akong pangangapusan ng hininga at unti-unti akong nanghihina.
Ano na ngayon?
Napahawak ako sa tiyan ko at padausdos na umupo sa tiled floor ng banyo namin. Tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos ang luha sa mga mata ko.
Ano kaya kung ...?
Napailing ako sa naiisip ko. I maybe a reckless, carefree and stubborn teenager pero alam ko sa sarili kong mali iyon. Buhay ito. At hindi ako mamamatay-tao lalo pa at sariling dugo't laman ko ito.
Pero si Mama at Papa ...
Hindi ko na alam. Ayoko silang biguin pero at the same time, anak ko to.
Bahala na.
//.
TAHIMIK kaming kumakain isang umaga. Si Papa sa gitna ng may kahabaang lamesa; si Mama at ako ang magkatabi sa kabilang gilid; si kuya, na himalang umuwi kagabi, at si bunso ang magkatabi sa kabila.