Dj's POV (same day)
"Pare! Dumating na siya ah?"
Nandito yung mga katropa ko. Si Seth, Kats, Les at Jc. Nambubulabog, bwisit nga eh. Na-miss nanaman siguro ako ng mga loko, krass ako ng mga to eh.
"Oh ano naman?" Sagot ko kay Kats.
1 week na simula nung nalaman kong bumalik na siya. Eh ano naman? Wala naman kaming nakaraan.... aish. Oo na! Meron, pero wala, wala lang talaga yun. Malandi siya eh, edi patulan.
"Anong ano naman?! Pare utak! Akala ko ba mahal mo pa?!" Sabi sakin ni les sabay batok. Aba, chumachansing tong kumag na to ah.
"Tanga ka ba? Hindi ko nga minahal yun eh!" Sabi ko sabay bato ng bola sakanila. Tama kayo, nagbabasketball kami.
"Arte mo brad! Ang ganda kayo nun! Sexy pa! Puntahan mo tas sabihin mo, Mahal parin kita--- Aray ano ba!" Sigaw ni Les. Binatukan kasi ni Jc, langya. Umaandar nanaman tong pare ko na to.
"Ang corny mo ugok! Manahimik ka na nga lang!" sabi sakanya ni Jc. Si Les naman inirapan lang siya. Bakla talaga to, forever.
Napatingin naman kami kay Seth, kasi lagi siyang may wow pagdating dito eh. Nakatayo lang siya dun, di kumikibo.
"Oh ano na? Kala ko ba malalaro tayo?" Sabay bato ng bola, di naman na shoot.
Panes.
Kath's POV
Halos 3 hours na kami dito sa MOA. Ang sakit na nga ng paa ko eh, grabe tong babaeng to adik na adik sa shopping. Syempre, dahil medyo matagal na kami dito nakaramdam na kami ng gutom.
"San tayo?" Tanong niya sakin.
"Ay bes, samahan mo muna ako mag withdraw, pero kung libre mo, tara sige deretso na tayo sa Shakey's." Maglalakad na sana ako ng bigla niya ako hinila pabalik.
"Tara, samahan na kita mag withdraw." Sabi niya sakin.
Pagkatapos kong kuhanin yung pera, pinahawak ko muna kay bes yung ibang shopping bags ko para ilagay ko sa bag ko yung wallet ko ng....
"OUCH!"
Sigaw ko habang pinupulot yung mga shopping bags na nahulog.
Kainis!
Tinulungan akong tumayo ng nakabunggo sakin, pagtingin ko sakanya nagulat ako.... pati si Jules. Actually kaming tatlo.
"KATH?!"
______________________________________________________
A/N
Gusto kong sabihin sainyo na first story ko po ito. Maiintindihan ko kung maiinis kayo sa ka-cornyhan ko. Lol
xoxo
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with a Player
Fanfiction"I'm Kathryn Cassandra M. Bernardo, and I accidentally fell in love with a Player..." "I'm Daniel James Ford, and I play every men dream girls heart..."