Chapter 7: Rally, Dizzy, Rally

219 11 8
                                    

A/N: tw// mention of blood

I sighed for the nth time. 

Nagbaba ulit si Tine ng mga papeles sa harapan ko na pipirmahan. Mula kaninang pumasok ako ng opisina, ito nalang ang mukhang nahaharap ko. Endless and piled up documents that I need to scan and sign pero mag-alas dos na ng hapon. Alas-otso ako nagsimula magbasa nito at magpipirma. I even skipped lunch to finish all of this but heto na naman si Tine nagbagsak na naman sa akin ng babasahin.

I dropped my pen on the table and stretched my arms as I groaned in relief when I somehow lose the tension in my muscles.

I need to finish all of this para makasama ako sa rally ni Tita Leni. I somehow need to make up for her and show up to the event to show my support for her at sa mga kapartido niya. I knew I overacted that night and said some things I never meant but I hope to see her after the rally to talk to her would make up for it.

Nararamdaman kong nanginginig na ang kamay ko habang inaabot ang ballpen. I grabbed my right wrist with my left hand at iginiya ito para hablutin ang ballpen pero hindi ko ito magawa.

I grunted irritably bago tumayo upang kumuha ng tubig sa dispenser katapat 'yon ng table ni Tine. Nakatingin lang si Tine sa akin mula sa table niya habang umiinom ako ng tubig. We are sharing the office but we have separate tables since it is only temporary until the real branch is done constructing. Sa kaniya malapit sa pinto ang table while I occupy the rest of the room, ang table ko ay sa gawing dulo sa gitnang space ay may receiving area for the guest at pahingahan ko na rin.

When my hunger suffice, bumalik ako sa swivel chair ko at naupo but bago ako magbasa ng document ulit narinig kong nagsalita si Tine. 

"Bakit kasi ayaw mo munang kumain? Mamaya pa naman ang rally. Don't worry, makakaabot ka."

I told her kanina na I am going to the rally and I agreed na rin na sumabay siya papunta roon since inaya rin pala siya ni Jill. "That is just a waste of time and nagsasayang ka lang ng laway mo kakabanggit na kumain ako kaya tahimik ka nalang diyan. Madami pa akong yayariin." I said coldly.

"Fine. But don't blame me kapag may nangyari sa'yo." Narinig kong siyang pumalatak.

"I am fine, Tine. Just continue doing your work." Pagmamatigas ko sa kaniya at nagpatuloy ng magbasa saka magpipirma.

After 3 hours ay nakayari na rin ako. Napabuntong-hininga akong tumayo at ipinatong sa ibabaw na mga papel ang huling pinirmahan ko. Mula sa pagkakapatong nito sa table ay hanggang dibdib ko ang taas nito. Kadalasan hanggang kinabukasan ako nakakayari o minsan hindi lang, sometimes it took me one week to finish this but ni-rush ko ito. Kumakapit nalang ako sa panalangin na sana nasa tamang documents ang pinirmahan ko dahil iba ay nilagyan ko ng note upang irevise nila.

"Nayari mo lahat?" Sorpresang tanong ni Christine na nagliligpit na rin ng gamit.

Kaagad kong hinablot ang coat na nakapatong sa swivel chair at sinuot ito. Nagmamadali akong lumabas ng opisina at hindi ko pinansin ang tawag ni Tine.

"Hoy, Bossing! Hintayin mo ako!"

Abot ang sabi ng pagpapaalam ang narinig kong sambit ng mga empleyado ngunit hindi ko sila pinansin ng maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko.


Jilling-Jilling

Dito na ako sa event, Lulu. Where are you?
5:30 PM

Sa WakasWhere stories live. Discover now