Ang Simula

16 1 1
                                    

"Mr. Manalo !! Eto na ba ang pinagmamalaki mong presentation? Sa tingin mo karapat dapat yang ipresent ? I want you to change it and pass it tomorrow afternoon!!" Pasigaw na sabi ng boss ko sakin.

"Yes sir. I will :)" Nakangiting sabi ko sakanya.

Nainis ata siya sa ngiti ko kung kaya't ngiting aso ang ibinalik nya sakin at sabay talikod.

"Hayy buhay nga naman oh,parang life lang talaga -.-"

Nagmadali akong nag ayos ng gamit at umalis agad upang maabutan ang last trip ng tren.

Palabas na ako ng building ng sumalubong sa akin ang aking mga kaibigan sa trabaho.

"Oh pare. Na bad shot ka nanaman noh? Haha. Ok lang yan. Tara pagpag tayo ano? " Pagyayayang sabi ni Jan.

Pagpag ang tawag sa ginagawa ng mga nagtatrabahong ayaw dalhin sa bahay ang mga problema nila sa trabaho kung kaya't pumupunta muna sila sa ibang lugar tulad ng bar o karakeohan para magpagaan ng loob.

Katulad lang ito ng sa patay,magpapagpag ka muna pag ikaw ay galing sa burol para di ka masundan ng kaluluwa ng patay.

Si Jan ay matagal ko nang katrabaho sa opisina at dahil dun matagal ko na din syang kaibigan. Lagi ko syang kasama tuwing nagpapagpag kami.

Ngunit kahit na matagal ko na siyang kaibigan, hindi ko pa rin alam hanggang ngayon ang sagot sa tsismis ng iba naming katrabaho kung becks ba sya o hindi.

Sa tingin ko kase sa mga kilos at galaw nya becks sya pero ang tingin nya sa sarili nya o para sakanya normal lang un sakanya at isa syang tunay na lalaki.

"Pre kelangan ko pang ibahin tong presentation ko at ipasa bukas. Kakapusin ako sa oras kung sasama ako sa inyo. Kahit gusto ko man ay hindi maaari. " Sabi ko kay Jan.

"Ahhh ok lang pare. Wag ka mag alala di ka kawalan. Haha. Jk lang. Naiintindihan naman kita. Buti naman at alam mo ang priorities mo lalo na sa sitwasyon mo ngayon."

Naghiwalay na kami ng landas pagtapos nun,sila,pumunta na sa bar upang magpagpag,at ako, dumeretso na sa istasyon ng tren.

Malayo layo din ang pinakamalapit na istasyon ng tren sa building na aking pinagtatrabahuan kung kaya't malayo layo din ang aking lalakarin.

"Kung minamalas ka nga naman oh !! Hanggang ngayon sira padin tong elevator? Kelan ba nila balak ayusin ito?" Painis kong sabi. Ang layo na kaya ng nilakad ko. Pagod na nga ako sa trabaho tas mapapagod pa ako kung kelan uuwi nalamang ako?

Sa pintuan ng elevator,madami na ang nakasulat. Ginawa na itong freedom wall ng mga tao,ang ibang nakasulat ay tungkol sa pagmamakaawa ng mga tao na ayusin na ang elevator,ang iba,tungkol sa buhay nila, at ang iba ay mema. Memapost lang -.-

Habang naghihintay ng tren,may babaeng tumabi sakin.

Amoy alak ang hininga nya at parang wala na sa sarili.

Humakbang pa siya ng isa at kamuntikan nang mahulog sa riles ng tren.

Nagulat ako sa ginawa nyang nun,buti nalang ay mabilis ang kamay ko at nahawakan ko ang kanyang kamay at napigilan sya sa kamuntikang pagkahulog sa riles ng tren.

"Ang lambot ng kamay nya." Pangiti kong nasabi sa isip ko.

Pabalibag nyang binitawan ang akin kamay at sinabing.

"Hoy !! Anong ginagawa mo? Nananantsing ka noh? Bat mo hawak kamay ko?" Pagalit nyang sabi sabay sigaw ng :

"Tulong !! May manyak dito!! Tulungan nyo ko."

Walang naniniwala sakanya dahil nakita ng lahat ang ginawa nya at nahalata na din nilang lasing ito.

"Hoy miss. Anung tsansing sinasabi mo? Oo maganda ka pero wala akong interes sayo noh. Wala man lang thank you huh." Pabalik kong sigaw sakanya.

"Anong thank you sinasabi mo dyan? May ginawa ka ba para sakin na dapat kong pasalamatan?"

Hindi ko na sinagot ung tanong nyang iyon at hindi ko nalamang siya pinansin. Halata namang wala syang naalala sa nangyari dahil wala syang malay sa ginawa nyang iyon.

Parating na ang tren ngunit biglang tumumba sa gilid ang babae. Nakatulog na ata.

Dumating ang guard at sinabihan akong tulungan ko daw ang gf ko.

"Sir tulungan nyo na po ang girlfriend nyo. Iiwan nyo nalang po ba syang ganyan?"

"Uh? Kuya hindi ko po yan girlfriend. Hindi ko po yan kakilala."

"Wag mo na akong lokohin. Halata naman eh. Nakita ko kayong nagtatali kanina. Siguro may away kayo at nag break kayo kaya hahayaan mo nalang syang ganyan?"

Pilit nya akong sinasabihan na tulungan ko daw yung babae.

"Kuya hindi ko po alam yang sinasabi nyo,kelangan ko na pong umalis baka maiwan na ako ng tren."

"Maawa naman po kayo sa babae. Alam kong mayroon kayong di pagkakauwaan ngunit kung matino kayong lalaki ay di nyo sya iiwan ng ganyan. Huwag ko po mag alala may susunod pang tren na darating. Yun na po ang last trip"

Pilit akong pinapakonsensya nung guard. Kahit na naiinis na ako,nangibabaw ang awa ko sa babae kaya tinulungan ko na sya.

Iniwan na kami ng guard at pilit kong ginigising ang babae.

"Miss gumising ka! Nasa istasyon ka pa ng tren."

Halatang wala syang naririnig at parang feel at home pa sya sa pag higa sa sahig.

Kakatapik ko ay nagising sya.

"Asan ako? Sino ka?"

"Nasa istasyon pa ho ng tren at ako lang naman ang mabait na taong masyado mo nang naistorbo kaya bumangon ka na dyan at parating na ang tren."

Tumayo siya at sumakay na kami ng tren.

Wanted : Perfect GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon