Ang Pangalawa

18 4 0
                                    

"Whoo sarap naman !! Ang luwag dito!! "

Wala na kasing gaanong pasahero nun dahil masyadong nang gabi.

Pumuwesto ako sa isang mahabang upuan na tanging ako lamang ang nakaupo. Patagilid akong umupo at ang isa kong paa ay pinatong ko na din sa upuan.

Yung babae ay nakatayo at nakasandal sa dingding ng tren na malapit sa pintuan.

Napansin ko na nakatingin siya sa akin at panay ang ngiti. Ngunit ang kanyang mga mata ay inaantok na. Parang hirap na hirap na siya sa pagpigil ng antok.

Maya maya pa ay umalis sya sa pagkakasandal at pagewang gewang na lumapit sa akin.

"Hoy!! Sayo ba tong upuan na ito? Ayusin mo yang upo mo!!" Pasigaw nyang sabi sakin.

Nagulat ako sa sinabi nyang iyon.

"Hayyyyyy ! Gumagawa nanaman ng eskandalo tong babaeng to." Painis kong sabi sa isip ko.

Hindi na ako kumibo sa sinabi nyang iyon na inayo ko nalamang ang upo ko.

Umupo siya sa tabi ko at maya maya pa ay sumandal sa balikat ko at mukhang nakatulog na.

Nakita ko ang mga tao sa tren na nakatingin samin at tila nagbubulungan.

Parang nababasa ko ang nasa isip ng bawat taong nakatingin samin at sa palagay ko ay iisa lamang ang nasa isip nila.

Iniisip nilang may relasyon kami. Iniisip nilang girlfriend ko siya.
Pare pareho ang nasa isip nila at ng guwardya kanina.

"Mukhang nakatulog na to ah.. Miss gising !!" Habang tinatapik ko ang pisngi nya.

Napahinto ako nung hinawi ko ang kanyang buhok. Nung makita ko ang maamo nyang mukha.

Ang ganda ng mga mata at labi nya.

Habang pinagmamasdan sya ay bigla syang nagising.

"Hoy!! Baliw ka ba? Ano bang problema mo? Bakit mo ko sinasampal? Kala mo hindi ko nararamdaman yun ha!!"

Tuluyan na nga siyang gumawa ng eskandalo at di na naalis ang mga mata ng mga pasahero samin. Lumipat ako ng upuan kung saan may tatllong pasaherong nakaupo.

Sinundan niya ako dun at patuloy siyang gumawa ng eskandalo.

"Hoy sumagot ka!! Bakit di ka makapagsalita? Nakokonsenya ka noh?"

"Uh... Hindi ko po siya kakilala.. " Pagpapaliwanag ko sa mga pasaherong nakatingin sakin.

Sasampalin na sana ako ng babae ngunit bigla siyang nagsuka.

"Hoy !! Kanina pa ako nagtitimpi sayo ah. Kadiri.. Sinukahan mo ang bagong bili kong pantalon!! Alam mo bang hindi ko pa to nilalabhan mula nang binili ko to para lang maramdaman ko ang pagkabago nito? Tapos ngayon tinapos mo na ang pagkabago ng pantalon ko dahil sinukahan mo." Painis kong sabi sakanya.

Ako naman ang hindi nya pinansin ngayon. Paalis na sana sya ngunit nagsuka siya mula. Buti nalang hindi sakin.haha kamuntikan lang.

Nagsuka siya sa katabi kong matanda.

Sumigaw siya ng sumigaw at tumili. Doon namin napag alamang becks pala yung matandang iyon.

"Wahhhh !! Hoy babae anu ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Maglalasing lasing ka ng sobra tas hindi mo pala kaya!"

Nahihilo ung babae at nanghina na pagtapos sumuka kaya ito ay tumumba na sa sahig at nawalan na ng malay.

Ibinaling sa akin ng matanda ang galit niya.

"Hoy lalake! Bakit mo hinayaang maglasing ng ganyan ang kasintahan mo? Iresponsable kang boyfriend !! Hindi mo man lang maalagaan sa ganyang sitwasyon ang girlfriend mo !!" Galit na sigaw sa akin ng matanda.

"Hoy yung kasintahan mo tumumba na bakit di mo parin asikasuhin!"

"Hoy tulungan mo na yung babae. Wag kang tumunganga dyan"

Sunod sunod na ang mga pinagsasabi nila sa akin na asikasuhin ko na daw ung babae sa pag aakalang magkasintahan kami.

Hindi na ako maka laban at makasagot sakanila.

Hinubad ko ang jacket ko at sinuot sakanya.

Binuhat ko sya patayo at pinagpag ang mga suka nya sa katawan.

"Hayyy nako naman. Grabeng malas naman dala ng babaeng to sa akin." Painis na sabi ko sa isip ko.

Lumabas na kami ng tren. Buti nalang sa istasyon na binabaan namin ay may elevator kaya hindi na ako nahirapan sakanya.

"San ko naman dadalhin tong babaeng to ngayon?" Tanong ko sa aking sarili.

Namomroblema na ako ngayon kung sab ko to dadalhin.

Kung sa pulis naman ay malayo layo pa ang pinakamalapit na istasyon ng pulis dito at matatagalan pa ang proseso bago nila ako paalisin dahil baka interviewhin pa nila ako.

Hindi ko naman kayang iwan siya dito,sayang ganda nya baka pagsamantalahan ng mga masasamang loob.

Naglakad lakad ako habang sinusuporthan ko naman ang lakad ng babae. Bawat taong makasalubong namin ay iba ang tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wanted : Perfect GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon