"Haay! Ba't ba kasi late pa ko nagising. Yan tuloy. Tsk. Mamaya na makapag-suklay."
Nagmamadali akong nagbihis at kinuha ang mga gamit ko. Nalaglag pa ang bag ko habang pababa sa hagdan. Naman oh. Pag minamalas ka talaga. Dali-dali akong pumunta sa kusina.
"Mommy, mauna na po ako. Maaga ang klase ko. I love you".
Sabay halik sa pisngi nya.
"Di ka na ba magbebreakfast? Kumain ka muna."
"Hindi na po. Sa school na, late na po ako. Bye."
Halos patakbo kong labas sa bahay namin.
"Anak, magsuklay ka ha! Jusmiyong bata ito."
Narinig ko pang sigaw nya ng medyo malayo na ko. Kung bakit ba kasi nagpuyat pa ko kagabi. Dapat ay maaga akong nagising. Martes pa naman. Pag hindi ko sya nakasabay ngayon, magsisisi talaga ko. Isang linggo na naman ang hihintayin ko. Haay. Mabuti nalang at mabilis ang tricycle na nasakyan ko. Malapit ng mapuno ang jeep kaya agad na kong pumila. Luminga-linga ako para makita siya, pero bakit parang wala? Bumuntong-hininga ko. Siguro maaga syang pumasok. Bagsak balikat akong sumakay ng jeep. Nakakainis pa, ako na nga ang huling sumakay sa dulo pa ang bakanteng upuan. Ang malas talaga oh -_- Pagkaupo ko agad kong nilagay sa harap ang bag ko, sabay kuha sa suklay. Bwiset hindi pa pala ako nagsusuklay. Kakaisip sa tricycle kanina aya nakalimutan ko pa. Ano ba naman yan Anne. Haay.
Habang nagsusuklay ay nagulat ako ng biglang iabot ng lalaking katabi ko ang panyo ko. Hindi ko man lang namalayan na nalaglag iyon.
"Miss, panyo mo."
"Salam..." Nagulat ako ng mapatingin sa kanya. Bakit ba hindi ko rin namalayan na sya pala ang katabi ko. Feeling ko ay namula ang buong mukha ko. First time ko syang makatabi at sa hindi pa ako prepared. Madalas kasi ay kapag martes, todo ayos ako at halos hindi umalis sa harapan ng salamin namin para lang masigurong ayos ang itsura ko. Bakit? Bakit kung kelan ako haggard at hindi pa nagsusuklay ay tska ko sya makakatabi. What a day!
"Aah. Salamat po." Nahihiya ko pang sabi.
Nginitian niya lang ako. Bakit ba ang misteryoso nya? Siguro ay isa yon sa mga dahilan kung bakit ko sya nagustuhan. Bukod sa pagiging gwapo nya ay may maganda din syang ngiti. Ang swerte naman ng lalaking ito.
Buong byahe akong tahimik at paminsan-minsan syang tinitignan sa gilid ng mata ko. Moment ko na ito. Dapat sulitin. Nang malapit na kami ay sinulyapan ko sya. Nakatingin lang sya sa labas at ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay nginitian nya kong muli. My gahd! Pangalawa na yon ah.
Nang makababa na kami ng jeep ay nauna na sya. Pero alam ko naman kung san ang punta nya. Hindi ako stalker sadyang alam ko lang. Buong umaga akong masaya, kahit na may quiz kami ng araw na yon. Sino ba naman ang hindi magiging masaya pag ganon.
Si Raye. Siya ang first love ko. Oo. Mula high-school ay kilala ko na sya. Mula din noon ay crush ko na sya. Hindi nya yon alam. Nahihiya kasi ako sa kanya. Hindi ko sya naging kaklase noon dahil palagi kaming magkaiba ng section. Minsan ay naiinis ako kung bakit hindi ko siya naging kaklase, siguro ay kahit papano ay naging close kami. Noong mag college kami ay natuwa ako na sa parehong university kami papasok. Yun nga lang ay magkaiba kami ng course. Ayos lang, basta makikita ko sya. Nalaman ko sa isang malapit na kaibigan na kaklase nya ang schedule nila. Buong first year ko ay nakamasid lang ako s kanya. At ng mag second year sa ikalawang sem ay natuwa ako ng malaman kong pareho kami ng schedule tuwing martes. Sabay ang pasok at ang uwi. Doon lang masaya na ko. Dahil may pagkakataon na makasabay ko sya sa jeep.
BINABASA MO ANG
First Love
Short StoryHow on Earth are you ever going to explain in terms of chemistry and physics so important a biological phenomenon as FIRST LOVE?? -A.Einstein Story of Raye and Anne <3