Him

130 12 2
                                    

Him


Nakapila na ko sa sakayan nang marealize na wala pa sya. Hindi kaya sya papasok? Lagi naman syang maaga pag ganto ah. At alam kong magkapareho lang kami ng oras ng pasok. Malapit ng mapuno ang jeep ng makita ko sya sa labas, umusod ako pakanan para magkaroon ng pwesto sa tabi ko. Mukhang iritado sya ng makasakay na sya. Nakakunot pa ang noo nya. Pero kahit ganon at mukhang hindi pa rin sya nakakapagsuklay ng maayos ay napakaganda pa rin nya. Hindi na ako nagulat ng pagkaupo niya ay napalingon ang ibang estudyanteng lalaki sa kanya. Habang nagsusuklay ay nalaglag ang panyo niya. Agad ko yung pinulot at iniabot sa kanya.

"Miss, panyo mo."

Halatang nagulat sya ng makita ako. Kahit ako rin ay nagulat. Hindi ko pa sya nakikita ng ganto kalapit noon. Gusto ko syang kausapin pero umandar na naman ang pagkatorpe ko. Kaya nginitian ko nalang sya. Sana ay hindi halata ang kaba ko.

"Aah. Salamat po."

Kahit boses nya pa lang gusto ko na syang pagmasdan. Napamura na lang ako sa isip ko. Tahimik ang buong byahe at nang mapansin ko syang nakatingin sa'kin ay nginitian ko sya. Nginitian nya rin naman ako pabalik. Parang hinila ako ng ngiting yon. Ang ganda nya talaga. Nang naglalakad na ko papunta sa room ay napabuntong-hininga na lang ako. Ang torpe ko. Lintek.

Siya si Anne. Siya ang first love ko. Una ko syang nakita ng lumabas sya sa room nila noong high school. Mula noon ay lagi ko na syang inaabangang lumabas doon. Lalo syang napansin ng ilaban sya ng kanilang section sa Ms. Intramurals. Ang daming nagkagusto sa kanya. Ang daming nanligaw sa kanya. Isang beses ay nakakwentuhan ko ang kaibigan niyang si Diane. Pareho kasi kaming member ng student paper. Hilig ko kasi ang pagkuha ng ma litrato. Nalaman kong wala pang sinasagot si Anne sa mga manliligaw niya, napangiti ako ng lihim. May pag-asa pa ko.

Alam ni Diane lahat. Ang pagkuha ng number nya. Ang pagbigay ng flowers sa kanya nung prom at ang pagiging Mr. December ko. Hindi ako nagpakilala agad noon dahil isa sa barkada ko ay may gusto sa kanya at balak syang ligawan. Kaya ginusto ko na lang munang maging kaibigan sya kahit bilang si Mr. December. Mabait siya. Kahit hindi niya ako kilala ay naging mabuti sya sakin. Lalo akong nagkagusto sa kanya. Iba siya sa lahat. Maganda na sa labas. At mabuti pa ang kalooban

Pagdating ko sa room..

"Ano? Magkasabay kayo?" tanong ni Diane

"Oo." Sabay baba ng bag ko.

"Hay nako Raye! Kapag nagka boyfriend na si Anne bahala ka sa buhay mo. Ano pa bang iniitay mo? 18 na sya? Sabi mo liligawan mo na sya pag nag 18 na sya. Ang daming nanghihingi ng number nya. Ewan ko na talaga sayo."

"Ano?? Basta huwag mong ibibigay."

"Anong sasabihin kong rason? May torpe kasing may gusto sa kanya?" sabay tawa niya pa.

"Diane, aamin din ako sa kanya."

"Kelan pa? Pag huli na ang lahat? Bahala ka na nga. Ikaw din." Saka siya umalis at pumunta sa mga ka-grupo nya.

Napaisip ako. Tama si Diane. Eighteen na siya. At ang daming gustong manligaw sa kanya. Ayokong mahuli ang lahat. Ang tagal ko nitong inantay. Pagkatapos ng klase ko ay agad akong pumunta malapit sa building nila. Saktong nakita ko siyang palabas. Siguro ay pauwi na din siya. Napangisi ako ng sumakay na sya, dali-dali din akong sumakay at tumabi sa kanya. Kailangan ko siyang makausap. Hindi na ko dapat maging torpe.

"Hi." Binati ko agad siya.

Sinabi niyang kilala din daw niya ko dahil schoolmate daw kami.

Sinabi kong sikat sya at halatang naguluhan siya don. What? Hindi niya yon alam?

Nang nakababa na kami ay sinundan ko siya hanggang sa sakayan ng tricycle. Doon ay mas nakausap ko siya. Nang makasakay na siya ay sinabi kong magkita kami bukas at at hintayin niya ang text ko. ko Tumango lang siya. Hindi ko mabasa ang reaksyon nya. Kinabahan tuloy ako.

Habang nasa biyahe din ako ay nagtype na ko ng message sa kanya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya sa sasabihin ko. Sabi nga nila, everything is a risk. Kahit ano pa man ang maging kalabasan nito. Mas kinabahan ako ng matagal siyang hindi sumagot. Nagalit kaya siya dahil nagsinungaling ako bilang si Mr. December? Mabilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Nang may magtext ay agad ko yung binasa.

Diane: Congrats dude!

Pero ang sumunod na mensahe ang mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Anne: Hi Mr. December este Raye pala! Hindi ako galit. Nagulat lang ako, hindi ko inakala. Seriously. Gusto ko ding sabihin na kahit si Mr. December ka pa o si Raye ay parehong ayos sa kin. Mabait ka at alam kong seryoso ko sa lahat ng bagay. Matagal na din kitang crush. Nakakahiyang umamin pero ang bruhang si Diane ang nagsabi sa'king dapat ay umamin na ko. All these years ay alam niya ang lahat ng 'to? Napaka bruha talaga. Haha. Pero masaya ko na kaibigan ko siya at kaibigan mo din siya. Feeling ko ay utang natin to sakanya. Sige, magkita tayo bukas. Yung totoo na. Good night Raye!<3

Napangiti na lang ako sa reply niya. Abot tenga na ata ang ngiti ko. Nireplyan ko siya at humiga na sa kama. This is the start. Kahit lagi akong masaya tuwing martes ay ito ang pinaka masayang martes ko. Bago ko makalimutan ay tinext ko si Diane.

"Salamat dude! Sa lahat!:)"

-------------------------------------

x


First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon