Introduction

56 1 3
                                    

Mundong nakapalibot sa akin ay pawang madilim at mainit. Hindi ako mapakali sa nararamdaman kong pangingilabot ng aking katawan. Ano ba talaga ito? Nasaang mundo na ba ako? Buhay pa ba ako?

"TULUNGAN NIYO KO!" parang isang kweba na ang tinig lamang ng boses ko ang siyang umalingawngaw sa silid. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gusto kong magwala, ngunit ang pagbuka lamang ng aking mga bibig ang aking magawa. Paano ba ako napadpad sa mundong ito?

"Babe? Babe? Gumising ka na. May hinanda ako para sa'yo." sino? Ano? Gising? Handa? Hindi ko maintindihan. Pero ang tinig...ang tinig niya ay nagpapawi sa aking mga bagabag. Dapat ko siyang makita.

"Nasaan ka?! Magpakita ka sa'kin!" ang aking mga paa ay siyang kumilos ng biglaan at dinala ako nito sa pinaroroonan ng lalakeng may-ari ng boses. Napaisip ako ng malalim at nalaman kong may kakaiba sa tinig nito. Parang narinig ko na ito, ngunit hindi ko malaman kung saan at bakit.

Tila luha na parang diyamante ang tumulo mula sa mga mata ko. Luhang pumatak noong nakita ko ang kanyang mukhang maikukumpara sa bagong pintang dingding sa kinis nito, ang mga matang kulay asul na pawang mga bituin sa langit kung kumislap at ang kaniyang mala-rosas na labi na gusto mo ng kunin at angkinin. Ang napakagandang tindig ng kaniyang katawan, ang kamay niyang napakalambot at napakasarap hawakan magdamag, at higit sa lahat, ang ngiti niya na parang isang pana na tumama sa puso't kaluluwa mo.

Nawala ang lahat ng ito ng minulat ko ang aking mga mata. Mga matang pinakita sa akin ang tunay na pinaroroonan ng aking katawan. Ang katotohanang wala na ang lalaking pinakamamahal ko. Katotohanang nagbago mismo sa buhay ko.

HelmetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon