Oktubre 26, 2012
Matagal-tagal na rin siguro ako dito sa hospital.
Hindi ko rin alam kung bakit. Gusto kong umimik, ngunit hindi talaga ako makakibo.
Ang tanging naaalala ko lang ay 'yong gabing magkasama kami ni Nikko.
Napakadilim at maulan pa noong gabing 'yon.
Nagtatawanan lang kami, pero bakit? Hindi ko rin alam kung anong rason. Pero masaya kaming dalawa.
Tapos... Pagkatapos...
- - - FLASHBACK - - -
"JENN! Bumaba ka nga dito at may bisita ka!" magang-maga, sino namang bibisita sa akin! Sabado pa naman ngayon!
"Pababa na ho 'nay!" nagsuot ako ng maayos na matino-tinong shirt. Bahala ng naka pajamas ako. Sandali lang naman siguro.
[1 new message]
good am babe! ang tagal mo nmn yatang magbihis, bumba ka n lng!
O____________O
okay, si babe pala nasa baba! Hindi ka naman nagsabi 'nay! Hay nako.
Nasa gitna pa lamang ako ng hagdan, nakita ko na ang 'my one and only palalabs'. ^_^
As usual, sinuot na naman niya ang paborito kong damit.
Kahit kami na, naiinlove parin ako sa kaniya. Lalo na kapag tinititigan niya ako ng kaniyang mala-asul na mata.
Namana kasi niya ito sa tatay niyang Amerikano. Pero kahit pa, ang ngiti niya ay malaPilipino parin.
Aba! At may dalang rosas pa ang luko kong babe!
"Anong meron? At nagayos ka na naman. May dala pang rosas. Ang bango bango pa. At dinalhan mo na naman si inay ng kaniyang paboritong ulam???" ang tanong ko sa kaniya.
"Babe naman ohh. Parang hindi mo alam!"
"Alam ang alin?"
.
.
.
.
.
.
Halaaaaaaaaaaaaaaa namaaaaaan! Nganga ang lola mo! Patay tayo nito!
O__________________________________________________O
OMGosh! Bakit?!
:(
"Babe! Sorry babe! Happy Anniversary!" ayan kasi Jenn! Sa lahat ng araw na makakalimutan mo, eto pa!
BINABASA MO ANG
Helmet
Teen FictionPaano nga ba napunta sa hospital si Jenn? Ano na kayang nangyari kay Nikko matapos ang kanilang anniversary date? Maaalala pa ba ni Jenn ang tunay na nangyari sa kanilang dalawa noong gabing 'yon? ~''I LOVE YOU JENN! I LOVE YOU FOREVER!'' 'yan ang h...