Tunay bang malaya?

138 3 0
                                    

Tunay bang malaya? (ikalabing anim na tula)

Tuwing Hunyo labing dalawa ay ating pinagdiriwang,

Panahong tayo'y nakawala sa tanikala ng dayuhan,

Nakamit natin ang hangad na kalayaan,

Nanalo ang Pilipino sapagkat nagtulungan.

Ngunit may isang bagay ang bumabagabag sakin,

Totoo bang kalayaan ay nakamit na natin,

Kasi kung oo bakit lenggwahe nila'y ating inaaral,

Bakit gamit nila'y ating binibili at pinagyayabang.

Sabi ng aking guro sa elementarya,

Ninais natin kay Marcos ay makalaya,

Kaya muli, kapwa pilipino ay naging isa,

Pinataksik si Marcos at si Cory ay pinaupo sa silya.

Ngunit kung iisipin mong mabuti,

Desisyon na iyon ay isang pagkakamali,

Sapagkat dating mabuti ay naging masama,

Natutong magnakaw at manlinlang ng kapwa,

Sa panahon ni Marcos takot silang gawin ito,

Sapagkat kung buhay ang kinuha kapalit rin ay buhay mo,

Kaya't bawat Pilipino ay natakot at sumunod,

Kay Marcos na takot na kapwa pilipino sa kasamaan ay malunod.

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon