Prologue

4 1 0
                                    


"Papasok ka 'ba?"

Lumingon ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Tumambad si Anna, Kaibigan ko.

I nodded "Oo, hintayin moko."

Napabuntong hininga naman siya at umupo sa gilid. Sobrang sakit ng ulo ko nung nakaraan at ilang araw din akong nag stay sa hospital. Nag-aalala pa sakin si anna dahil baka daw himatayin ako kung papasok ako ngayon. No choice naman dahil first day of school ngayon ayoko magkaroon ng absent at mas lalong ayaw kong mahuli sa lessons.

"Tara na." Sabi ko at sinukbit na ang bag.
Nagmamadali akong bumaba dahil mali-late na kami.

"Good morning tita!" Ani ko at dumakot ng tatlong tinapay "Aalis na po ako tita. Thankyou!" Sabi ko at hinila na si anna.

Si tita halos ang kasama ko simula ng naging busy si papa sa trabaho. although, Umuuwi padin si tita sa bahay nila lola. May sariling kwarto padin siya dito sa bahay. Nagbobonding din naman kami kasama si papa, once in a blue moon ngalang. Nakababatang kapatid ni papa si tita at tumanda na itong dalaga dahil ayaw nyadaw mag asawa mas gusto nyapadaw ako alagaan kaysa sayangin ang oras nya sa walang kabuluhang bagay.

"Teka, ayaw nyoba magkape?" Pasigaw na tanong samin ni tita.

"Hindi napo tita, nagmamadali napo kami." Sagot ni Anna.

Pagkalabas namin pumara agad kami ng tricycle. Kuya sa "Maple Ridge University lang po."

"Kamusta na kayo ng jowa mo?" Pagsira ni anna sa katahimikan.

I smiled widely ng maalala ko ang boyfriend ko. "Ayos parin naman, kaya lang namo-mroblema kami ngayon sa cellphone nya dahil nabasag."

"Oh, tapos ikaw nanaman ang gagastos?
Sabi ko naman sayo hiwalayan monayan eh! Hindi na ata girlfriend ang turing nyan sayo eh, Puro siya waldas doon waldas dito ang kapal ng muka nya." Naghihimutok na saad niya.

Alam ko naman sa sarili ko yun eh kaso wala eh, mahal na mahal ko siya. I'd rather give him all my money and everything than to let him go.

I sighed "Pwede bang pa utang? Babayaran ko nalang sayo pag sumweldo nako sa part time job ko, wala kasing cellphone ngayon si josh kaya kailangan na talaga ipagawa para may magamit siya."

She rolled her eyes "Oh ito, wag mona bayaran." Sabi nya at lumihis ng tingin

"Yun oh! Thankyou Anna, favorite friend talaga kita." I said and hugged her.

"favorite friend, my foot! eh ako lang naman kaibigan mo."

"Ay hehe, ikaw lang ba." Napapahiyang saad ko at napakamot sa batok.

"Mga iha nandito na tayo." Pag singit ni kuya. "Salamat po." Ani ni anna at inabot ang bayad.

Tumakbo kami ni anna papunta sa room dahil malapit na magsimula ang klase nakasalubong pa namin yung mga teacher ng kabilang room kaya mas lalo kaming nagmadali.

Pagdating namin sa room wala pa ang teacher kaya umupo na kami. "Hays, salamat akala ko mali-late nanaman ako eh." Saad ni anna. may pa hawak pa siya sa dibdib dahil hingal na hingal din siya kakatakbo.

Sakto din pag upo namin ay siya ding pag pasok ni sir. "Good morning class!"

We all stand up and greet him. "Good morning sir!" Lumingon siya sakin at tinuro ako. "You. Introduce yourself." He said.

I nodded "Okay."

Shocks! Hindi ako nakapaghanda! natataranta akong nagsalita "Hi, respect my privacy nalang po!" Sabi ko at umupo. Agad-agad naman nag si hagalpak ng tawa ang mga kaklase ko.

Nagulat naman si sir sa sagot ko. "Weird introduction. But okay? I guessed?" He said while nodding. He looked like he already question his whole life existence. Lmao.

Nagsunod-sunod lang kami sa pagpapakilala boring nga eh kasi wala manlang akong kaklaseng pogi. Wala tuloy akong inspirasyon. Charot. May jowa pala ako.

Palabas na kami ngayon ni Anna dahil tapos na ang klase. Siniko nyako "Ang gago mo talaga!" Tawang-tawa parin siya hanggang ngayon. Hindi maka move on.

"Teh! Hindi mo manlang ako tinulungan kanina hiyang hiya nako, gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Kaibigan ba talaga kita?" Emotional na saad ko.

"Magtigil ka nga" She said and laughed, "pumasok kana at baka ma late kapa sa part time job mo." Sabi nya at tumatawa padin.

"Che! Pasalamat ka gipit ako ngayon." Ani ko at tumalikod na. Narinig kopa yung malakas niyang tawa hanggang makalayo nako. Grabe siya diba siya nahihiya, masyadong malakas ang tawa nya nasa labas panaman kami.

pagdating ko sa trabaho ay pinagpalit ako agad ni madam ng uniform dahil maraming costumer ngayon. "Akala ko dika papasok, oh siya magbihis kana at dalhin moto sa table 2." saad ni madam janna. 

"Sige po." Pumasok nako sa staff room at nagbihis. yung cellphone naman ni josh pinasuyo kona muna kay anna para ipaayos sa technician, dahil ilang araw narin akong absent sa trabaho malapit na ang sahudan. kailangan kong bumawi.

"Hello ma'am here's your order." I said and smiled. Pumasok ako ngayon para magtrabaho mukang magiging bakla pa ata ako. Ang ganda nitong customer shutakels!

"Thankyou!" Ngumiti din siya sakin! Mygod! Tama na please. I'm taken. Ang ganda nya. Gusto ko nalang talaga magdabog huhu.

"Anni!" Dali-dali akong tumakbo para ihatid muli sa kabilang table ang mga order ng customer.

Pagdating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Hayst. Nakakapagod talaga.

Dadaanan kopa sana si Anna kanina para kunin yung cellphone pero nag volunteer na siya.
Siya nalang daw magdadala sakin ng cellphone at alam nyadaw na pagod na ako.

Nagmumuni-muni muna ako habang hinihintay si Anna ng biglang tumunog ang doorbell namin. Tumayo ako agad para tignan at baka si Anna na iyon.

Nguni't ng buksan ko ang pinto tanging envelope lamang ang aking nakita kaya dinampot ko ito at pumasok na.
"Ano kaya ito? Hindi kaya na wrong door lang sila?" Kaso may pangalan ko eh malinaw na malinaw na nakalagay ang pangalan ko 'Annika Castillo' maganda ang pagkakakurba ng pangalan ko halatang sulat kamay ito. At ang garbo din ng disenyo.

Binuksan ko ito at tumambad ang malaking word na 'Stonewall university' 

Hi, we stonewall university head master and teachers decided to give you a scholarship.

Masyadong mahaba ang nakasulat pero nakalagay dito na binibigyan daw nila ako ng scholarship. Bukod duon nakalagay din ang location ng school. Wala naman akong ina-applyan na scholarship sa kung ano mang school.

Biglang sumigaw si Anna sa labas kaya binitawan kona agad ang envelope. pagiisipan ko na muna kung tatanggapin ko ito.

-------------
  

Q&A muna tayo mga mhiema.

Ano sa tingin nyo ang mangyayari?

Mag drop nadin kayo ng name ideas nauubos na brain cells ko here. 4:29am na matutulog nako HAHAHAHAHA 😭  goodnight!<33

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon