Ciea's POV:
KINABUKASAN:
Pupunta kami ngayon ng amusement park. Nagising nalang ako naririnig ko kasing may naglalakad. Si Ivan siguro, nagaayos na. 6:30 na ng umaga pagtingin ko sa wall clock. Nang makita ako ni Ivan lumapit siya sakin at yumakap."Goodmorning, babe. You look sleepy pa. Matulog ka muna saglit mamaya pa nmn tayo aalis. Tsaka hindi tayo ung magluluto ngayon." Sabi nya sakin sabay hinalik halikan sa buong muka ko. Umidlip narin ako saglit. 30mins.
Nagising na ako. At saglit na nagmuni muni. Nakayakap pala ako kay Van, tapos nakayakap din siya sakin. Bale patungan ko ng ulo ay ung dibdib nya. Nakasuporta nmn ung braso nya na nakayakap. Nagseselpon siya. Selpon ko nnmn gamit nya as usual.
Nahakahilig din ung ulo nya sa uluhan ko."Babe" Tawag ko sakaniya. Binaba nya nmn ung selpon. Tumingin siya sakin.
"Bangon na babe, kain na tayo. Mamaya kana maligo after kumain, hmm?" Mahinahon nyang sabi.
Tumango nmn ako tsaka tumayo na. Naghilamos na ako tsaka nagtoothbrush. Bumaba na kami ni Van. Andun na nakahain ung mga pagkain. 7:30 na pala akala ko 30mins lang tulog ko naging 1hr. Kumain na kami dahil maliligo pa. Tulad namain hindi pa nakaligo sila Zerin.
Habang nagsasandok ako ng kanin si Van nmn ay nakahilig ang ulo nya sa balikat ko. Minsa kagat kagatin nya pa iyon sakit sakit. Sama nmn ng tingin ni Zerin saamin.
"Hoy tigilan nyo nga yan harot amp." Napasapo sya sa kanyang bibig. "Ain't my problem, hehe" palusot nya sa mura niya. Ngumisi nmn ako. Inarapan ako amp.
"Manahimik ka nga, kumain kana dyaan. Iwanan ka namin eh." Sabi ko sknya. D na sya umimik at kumain na kami.
Nang natapos na kami ay inayos ko na ang pinagkaininan. Sabi ni Van saakin siya na daw ang maghuhugas. Ung dalawa naman ay umakyat na sa taas para magayos. Matapos kaming maglinis sa kusina at sala at umakyat narin kami para maligo. Magnnine na, 9:30 ay saka nalang kami aalis. Pumili na ako ng damit ko tsaka dumiretso sa CR gulat nlng ako nang biglang tumakbo si Van sa harap ko. Nakaharang siya sa may pintuan ng CR.
"Babe, ano ba! Maliligo na ako. Anong oras na oh. Tsk." Sumimangot nmn sya tas gumilid para makadaan ako.
"Babe??" Tawag nya nilingon ko siya. Medyo ngumingitingiti.
"Ano?!" Inirapan ko siya.
"Sabay na tayo maligo babe para mabilis, hehe." Muka mo. Mabilis tse.
"Bahalakajan, maliligo ako magisa ko." Bumagsak ung balikat niya. Tsaka ko sinara ung pinto. Naligo na ako tsaka nagbihis narin. Lumabas na ako ng CR. Asa gilid siya ng pintuan, naghihintay.
"Ginagawa mo dyan?" Tanong ko.
"Naghihintay malamang. Tsk" loh, sungit HAHAHA naneto. Sinaraduhan din ako ng pintuan amp.
Pinabayaan ko na siya at inayos ung mga dadalhin ko.
Bag malamang. Wallet, cash, cellphone, panyo, clam, o kaya ipit. Un lang naman dadalhin ko. Kinuha ko rin ung selpon ni Van para pangpicture hehe. Natapos na siyang maligo. Nakashort lang sya na color beige. Bagay nmn nya ung ganyan. Matangkad kasi siya. Tsaka maputi ung paa at legs (naol haha gagi.) Nagayos na ako at kinuha na ung gamit ko. Siya nlng hinihintay ko. Ewan ko sa dalawa kung nakaayos na sila.Zerin's POV:
"Love, umalis kana dyaan. Ano ba kase! Pag tayo iniwanan nung dalawa tamo, iwanan din kita dito." Nakaharang siya sa cabinet ko. D ako makapili ng damit. Kanina nya pa ako inaasar dito.
"Edi sunod nlng tayo sakanila love, dalawa nmn ung saksakyan hehe." Ngiti nya.
Porke nakaligo na siya eh. Btw, ang gwapo nya hehe. Akin lang yan. (Edi sayo saksak mo sa baga mo, jk).