Prologue

3 0 0
                                        

Prologue

"As our birthday gift, we'll grant your one wish" Pagkasabi ni Daddy nito ay nagsilakihan ang mata ng lahat sa loob ng bahay namin, maging ng akin. Nanahimik ang lahat sa venue at nakafocus ang lahat sa akin.

Nang sabihin ito ni Daddy ay isa lang ang lumabas sa utak ko.

"Independence"

It's Daddy's turn to be surprised. I bet hindi niya naiisip na ito ang iwiwish ko. Maging ako ay hindi rin naisip na darating ang araw na hihilingin ko ang bagay na ito.

Masaya ang buhay ko. May mapagmahal na Mommy, masipag na Daddy, mabait na Kuya, at magandang Ate. Mayaman kami at walang problema pagdating sa pamilya. Malapit ako sa iba ko pang kamag-anak at marami din akong kaibigan. Kung ikaw siguro ang nasa kalagayan ko ay wala ka nang mahihiling pa.

Pero kailangan ko nito. Kailangan kong iprove sa lahat, sa kanya, na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Na kaya kong mabuhay kahit walang umaagapay sa akin. Na hindi ako mahina. Na hindi ako dependent. Hindi ako weak.

"Are you sure, baby? I-I mean, you can finally have that White Porsche you've been asking us if you only wish for it" Nakita ko ang desperation sa mga mata ni Daddy.

Sorry, Daddy. I need to build myself and learn how to be independent. Hindi yung, kapag may problema ako ay sa iba ko iaasa yun. Gusto kong maging isang babaeng hindi nakaasa sa iba. Dahil gusto niya rin ito.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang luha kong patulo na at saka nagsalita "Daddy, I need to learn how to be independent. I'm already 20, I'm not a baby anymore." I cracked my voice.

Nakita kong tumulo ang luha ni Daddy. His baby girl whom he spoiled for 20 years was there, asking for her freedom, asking permission to let her go, telling him she's not a baby anymore. I can't believe I made a strong man cry just because of my selfishness.

Narinig kong humikbi sa gilid ko si Mommy. Great! Now she's crying. Bakit pa kailangang maging mahirap ito? Akala ko magiging madali lang ito. Hihingi ako ng freedom, ibibigay nila, at voila, I'm free. Pero bakit pa kailangang may umiyak.

"W-Why?" Di na napigilan ni Daddy na humagulgol ng sabihin niya ito. I flashed a bitter smile and looked at him.

Nakita kong nakatitig din siya sa akin at nang mapatingin ako sa kanya ay iniwas niya ang kanyang kulay tsokolateng mata sa akin. Dahil lang naman sa kanya kaya ko napag-isipang hilingin to. Dahil sa 3-year boyfriend ko. Dahil kay Paolo.

Lumingon ako sa isang babaeng nakasuot ng isang champagne-colered flowy dress. Nakababa ang tingin niya na para bang guilty siya. She should be. Megan Aurora Tan should be guilty. I thought we were bestfriends. But if bestfriend means someone whose boyfriend you can steal, then I'm gonna pass. Heck, I can't even consider her a friend after what she did earlier.

××××××××

"Gab, where are you going? Don't even think of escaping. Ibibigay na sayo yung gift mo" tanong sa akin ni Fiera na halatang nakainom na dahil sa namumungay na mga mata at bali-balikong pananalita.

Pinasok ko ang cellphone ko sa purse ko bago dumungaw kay Erika na ngayon ay busying-busy makipag-usap sa isang lalaking halos kasingtangkad lang niya at kasingputi niya. Naku! Baka mamaya ay gawin na namam niya itong pamalit sa ex-boyfriend niya. May pagka-bitter parin kasi siya dahil iniwan siya ng boyfriend.

Ininom ko ang Dom Perignon sa harap ko at saka tumayo upang tunguin ang powder room. Malapit nang ibigay nila Daddy ang birthday gift ko kaya dapat matino ang itsura ko at hindi magmukhang hobo.

"Gabby, where are you going?" sigaw ulit ni Fiera.
"Powder Room." sagot ko at saka naglakad patungo rito.

Nasan na kaya si Paolo? I should tell him to prepare himself dahil ipapakilala ko na siya sa family ko. My family will surely like him.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang powder room ay napatigil ako dahil mayroon akong narinig na ungol sa utility room. What? May asong nakapasok sa bahay! Hindi pwede, may phobia ako sa aso, I need to inform Daddy about this. Patalikod na ako ng biglang.....

"Uhmm....Paolo"

Tumigil ang buong sistema ko dahil sa narinig kong boses ng babae. And worse, binanggit niya ang pangalang 'Paolo'. Sa sandaling iyon, kung anu-anong ideya ang pumasok sa isip ko. Baka kapangalan lang ni Paolo ang binanggit ng babae, baka aso lang na may pangalang 'Paolo' ang kasama ng babae sa loob, lahat na ata ng pwede ay naisip ko.

Pero may isa na laging sumulpot sa utak ko. Si Paolo ang nasa loob at may kahalikan siyang ibang babae.

Maisip ko pa lang ay hindi ko na makaya. Dali-daling tumulo ang luha mula sa mata ko. At dahil may pagkamasokista ako ay lumapit pa ako para masiguradong si Paolo nga iyon.

"Ugh....Meg, you're so good"

Gumuho ang mundo ko at mas lalong lumakas ang paghikbi ko pero pinigilan kong mag-ingay. I won't conclude until may maconfirm ako.

Base sa pakikinig ko ay tumigil ang pag-ungol sa loob, senyales na tumigil sila sa kung anong ginagawa nila. Whether it be kissing or fvcking, I don't care what they are doing.

Sinisigaw ng utak ko na sumilip ako para icheck ang speculations ko pero umaayaw ang katawan ko. Ayokong makitang harapan ang panloloko at mas gusto kong wala akong maalala. Isa pa, baka di ko kayanin kung ano ang makita ko sa loob kaya di bale na lang.

"Paolo, do you love me more than Gab?" marahan at nag-iingat na tanong ng babaeng kasama ni Paolo. Babaeng si Megan na matalik kong kaibigan.

Matagal bago sumagot si Paolo at sa panahon na yun ay malakas ang dagundong ng puso ko. Paano kung si Megan ang piliin niya? Yun ang tanong na umiikot sa utak ko.

"It will always be her over you, Megan"

Lumiwanag ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Kahit na may mga tanong sa utak ko ay sapat na sakin na malaman na mahal niya talaga ako. Sapat na yun para panghawakan ko ang relasyon namin.

"If its her, then why are you here with me?"

Kahit na alam kong laban sa akin ay sumang-ayon ako kay Megan.

"I like you but I love her. I like you because you're an independent woman."

'I like you because you're an independent woman'

Parang replay ang linyang yan buong gabi sa utak ko. At paulit-ulit din ang komento ng utak ko. Na I'm not an independent woman.

I admit I really am not. Hindi ko kayang mamuhay ng walang kasama. Hindi ko kayang mag-isa. Lagi akong umaasa sa iba. Kapag may problema ako ay ang mga kaibigan ko kaagad ang tinatawag ko. Ni hindi ko man lang sinusubukang isolve ito mag-isa. Laging may andyan para tumulong. At yun ang ayaw niya.

Naisip ko tuloy kung independent nga ako, magagawa niya ba akong lokohin? Siguro hindi dahil wala naman akong magiging pagkukulang. Ako ang may kasalanan kung bat siya nagkagusto sa iba. Kung bakit niya nagustuhan si Megan. Ako ang may kasalanan.

Kaya kailangan kong maging independent para sa kanya, para sa pamilya't kaibigan ko at higit sa lahat, para sa sarili ko.

Miss Try Hard IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon