Jayvee's P.O.V
"Can we talk?"
Agad naman kaming pinag tinginan ng mga nakarinig sa amin kaya bigla na lang akong nailang. Nauna siyang naglakad palabas at tsaka naman ako sumunod sa kanya. Paglabas ko ng room ay nakita ko siyang nasa dulo na ng hallway at lumiko na kaya naman lakad-takbo ang ginawa ko para mahabol ko siya.
Pero nang makarating ako sa dulo ng hallway ay nawala siyang bigla at nagulat na lang ako nang biglang may humatak sa kamay ko papasok sa isang room.
Sisigaw na sana ako pero may nagtakip ng bibig ko. Pagtingin ko ay si Jake pala.
"Sorry, baka kase may sumunod sayo," pagpapaliwanag niya,
umiling naman ako "Okay lang"
Ngumiti siya at pinatong ang kamay niya sa ulo ko, "Little Jay!! na-miss kita!!" sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.
Agad ko namang inalis ang kamay niya at ianyos uli ang buhok ko,
"Kuya naman eh! inayos ko na nga tapos guguluhin mo pa!" pagmamaktol ko,
ngumuso siya sakin at niyakap ako, "I'm happy you're here, sis."
Napangiti na lang din ako at niyakap ko siya.
"Though I perfectly know that you hate it here," natatawa niyang sinabi,
humiwalay ako sa pagkakayap sa kanya,
"Buti alam mo, kita mo nga yung bruha kanina, kung manduro wagas!"
Natawa na lang siya, "That's Faye Marquez, bully talaga yun sa marami, but I don't need to worry, alam ko namang di mo hahayaang mabully ka."
Siyempre naman! ako pa! kailan ba ako nagpatalo? small thing, kuya! SMALL THING... yabang mo naman jayvee!
hehehehe
Siya si Jake Lincoln, my stepbrother at anak ng may ari ng school na ito. since bata palang kami ay magkakilala na kami dahil business partners ang mga magulang namin at since single ang parents namin ay nagkahulugan ng loob ang mama ko at ang dad ni kuya Jake kaya nagpakasal sila.Nong grade school ako ay madalas akong mambully, dahil sa semi-private na paaralan lang ako nag aaral. Hindi ko na maalala kung bakit ako ganun dati. Ayoko nang maalala.
Since stepdad ko ang may ari ng school na ito. Ibig sabihin, pagmamay ari namin ang school na ito. O diba? nakakalaki lalo ng ulo na ipagmayabang na kami nag may ari netong mala palasyong Lincoln High? Naks! sarap sa pakiramdam. Pero at the same time, kahit sa amin ang school na ito ay ibig sabihin nun gagamitin ko na yun para matakot sakin ang mga estudyante dito. hindi ako ganon. Gustong kong i-keep ang pagiging low profile ko. Ayokong ipagsigawan sa buong mundo na mula ako sa mayaman na angkan. Gusto ko lang ng normal na buhay at High school life. yong nakalalayo ako sa mga mayayabang na mayaman. For example, ay si bruhang demonyitang annabelle.
After ng chitchat namin ng kuya ko ay bumalik na kami sa room, agad naman siyang tinanong ng mga pakielamera kong mga kaklase kung ano daw pinag usapan namin.
"I just asked her about a few things..." yun lang ang tanging sagot niya,
tumunog na ang bell na sign ng pagbubukas ng langit sa akin! Recess na! my favorite subject!
kaya naman agad nagsitayuan ang mga ugok-- este kaklase ko pala para lumabas at kumain sa cafeteria.
Hindi pa sana ako makikipagsabayan sa paglabas dahil nagsisiksikan sila pero biglang may tumulak sakin kaya naman nagitgit ako.
P^nyemas naman oh! sino ba yung sira ulong tumulak sakin at nang masapak!
Nang makalabas ako ay tinignan ko agad ng masama yung nasa likod ko, at yun ay si king kong na nakatingin sakin ng masama kanina pa. Tumatawa lang siya kasama ang iba pang mga lalaki na mukhang pinagtitripan ako. Mukhang leader nila si king kong at sila naman ang tatawagin kong chimpanzee. MGA DAKILANG ALALAY NI KING KONG! HAHAHA!
YOU ARE READING
Love And Desires
RomanceBilang kaparusahan, ipinasok si Jayvee sa eskwelahang pinaka ayaw niya. Ang Lincoln High. Dito niya makikilala ang mga di niya inaasahang magpapabago ng high school life niya. Unti unting mabubuklat ang mga sikreto na pilit niyang kinakalimutan at t...