PROLOUGE

1.5K 24 7
                                    

Mitchy Pov:

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa maganda kong mukha.

Kay aga-aga ang lakas ng hangin

Nang tingnan ko ang oras ay maaga pa pala, maaga pa para pumasok sa school.

Agad akong nag unat-unat at humikab himala at maaga akong nagising ngayun?forda maaga magising ang ferson ngayun.

Pagkatapus ay naligo na din ako tsaka nagtoothbrush, saka syempre nagbihis ng school uniform.

Nang makita ang repleksyon sa salamin na maayos na ay agad akong bumaba sa hagdan dala ang bag ko.

Malayo pa lang ay tanaw ko na sina kuya at mom and dad na masayang nagkwe-kwentuhan habang kumakain.

Nang maramdaman nila ang presensya ko ay agad silang lumingon kung saan ako at agad na sinalubong nila ako ng matamis na ngiti.

Kaya ngumiti ako pabalik.

"Baby, ang aga ata mong nagising ngayun ah?"gulat na tanong ni mom.

Ay halata bang palagi akong late magising?hehe sorry naman+___+

"Maganda ata tulog niyan mom, kaya maaga nagising"sabi ni kuya
mico na may halong pang aasar.

Iniripan ko nalang siya dahil ayokong masira ang maganda kong araw ngayun.

Agad akong umupo sa mahabang lamesa namin saka kumuha ng plato.

"Good morning princess"malambing na bati ni kuya riley saakin saka ngumiti.

"Good morning too kuya kong pogi" bati ko kay kuya riley pabalik saka ngumiti nang hanggang tenga.

Agad namang napa simangot ang ibang kuya ko dahil sa pagpuri ko kay kuya riley.

Para silang mga bata na hindi nakuha ang gusto nila.

Napa tawa naman si mom at dad ng mahina dahil sa ginawa nila kuya.

"Kaiyak naman si riley lang ang pinuri"
"Wala na hindi na tayo mahal ni princess"
"Lalayas na ako sa bahay na to"

Sabay-sabay na reklamo ng mga kuya kong mukhang unggoy.

"Edi goodmorning din sainyo"bati ko sakanila saka ngumiti kagaya ng kanina.

"Ay!"
"Walang papuri para saatin"
"Parang labag pa ata sa loob"
"Ay nakaka hurt ng feelings"

Agad naman akong nairita sa mga reaksyon nila.

Tinuloy ko nalang ang pagkain kesa pansinin ang mga kaartehan nila.

Minsan naiisip ko kung mga kuya ko talaga sila, kasi parang hindi sila normal, sort of abnormal sila.

Pero kaka dalawang subo ko palang nang pagkain ay agad silang nag si tampo saakin.

Pinakitaan ba naman ako ng galawan na nagtatampo?

Nang mahuli nila akong naka tingin sakanila ay agad nila akong inirapan.

Ay wow?

Nagkibit-balikat nalang ako sa mga inasta nila.

Sa gitna nang kainan namin ay may nag door bell.

Sabay-sabay kaming nagkatinginan lahat.

And ayun nag turuan na sila kung sino ang magbubukas ng gate para tingnan kung sino yun.

My five kuya'sWhere stories live. Discover now