New World 35

80 5 0
                                    

Original Gray Stone

"Y-You mean..." Napahinto ako sa sasabihin ko ng magsi tunugan na naman ang mga weird na alarm at doble pa ang ingay kesa kanina.

Napalunok ako nang dumoble ang kabang namumutawi ngayon sa dibdib ko.

Ano na namang nangyayare?!

D-Don't tell me may bigla na namang mabubuhay?!

Sh*t!

I'm done with this kind of joke!

Napakunot noo ako nang biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang pinto at agad na dumating si Jazer.

Seryoso at malalamig na tingin ang pinukol nya kay Chester staka sya napatingin sakin ng may halong pag aalala sa mata.

Ano na namang problema?

"Malaking problema." Dalawang salita lang ang sinabi nya ay agad na syang umalis.

What's wrong with him?!

Huminga ako nang malalim sabay tingin ko kay Chester.

Inirapan ko sya sabay hagis ko sa kanya ng bag ko.

"Gather your team at magkita kita tayo sa field. Yung malapit sa entrance." I said.

Di ko na inantay pang sumagot sya at dali-dali na akong naglakad palabas.

Kinapa kapa ko ang knife ko sa likod at pati na rin ang baril ko sa gilid ko.

Nang maayos ko na ang sarili ko ay agad kong tinali ang buhok ko habang mabilis pa rin ang lakad.

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng napakalakas na audio na nagmumula sa speaker. At nasisiguro kong malaking speaker talaga yon.

But what the hell?!

Sinong magpapatugtog ng ganon kalakas gayong alam naman naming lahat na nakakahatak yon ng zombies?!

"Selene!" Napatingin ako sa kay Loreign na kadadating lang mula sa kung saan.

"Anong nangyare?!" Nakalimutan ko na ang away namin dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.

Agad naman syang lumapit sakin staka sya hinihingal na huminto sa harapan ko.

"M-May mga nakapasok na zombies! And hell! Andami nila!" Sigaw nya habang nagpupunas ng mga pawis sa noo nya.

Agad kumalabog ang puso ko sa narinig.

Agad kong hinawakan ang magkabila nyang braso.

"Panong nangyare yon?! That's impossible! Napaka secured ng place na to' ha?! Unless s-sila Chester ang---" Agad akong pinigilan ni Loreign sa pagsasalita.

Iniisip ko pa lang na si Chester at ang grupo nya ang nagplano nito ay nanghihina na ko.

Nanlalambot bigla yung mga tuhod ko.

"No! Walang masamang plano sila Chester dito. May bago kasing dating na grupo!" Pasigaw nyang sabi at bakas na rin ang kaba sa kanyang mukha.

Pero ang naka agaw ng atensyon ko ay ang sinabi nya.

"What?! What the f*cking hell?!" Di makapaniwalang sabi ko.

Agad na hinawakan ako ni Loreign sa kamay staka nya ko inatak papunta sa kung saan.

"Yeah. At eto pa ang mas nakaka sakit ng ulo." Pahabol nya pa habang nagmamadali kami sa paglalakad.

Bakit ba feeling ko sobrang laki ng lugar na to?!

"Dapat ko pa bang pakinggan yan kung lalong ikasasakit ng ulo ko?" Napipikon kong tanong sa kanya.

"Of course!" Sambit nya at lalong napahigpit ang kamay nyang nakahawak sakin.

"Then spill it. We're running out of time Reign." I said.

"Eh ikaw eh. So yon na nga." Agad kaming pumasok sa isang gusali bago nya ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Gray Stone." Maikling sambit nya dahilan para kumunot ang noo ko.

"Huh?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ay bobo." Sinamaan ko agad sya ng tingin sa sinabi nya sakin. " Sorry na, ikaw kasi ih. I mean may flag silang dala. At logo yon ng Gray Stone. Yung mga lumusob dito at nanghatak ng mga zombies papunta rito ay mga Gray Stone. Ang pangatlong Gray Stone." Paliwanag nya dahilan para mapahinto ako.

"What?!" Gulat na sabi ko pero agad ulit akong hinatak ni Loreign.

"Pinaliwanag sakin ni Aldrin lahat." Napalunok ako sa sinabi nya.

I'm guilty sa nangyare kanina.

Kasalan ko.

"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad.

Tinignan nya lang ako ng bahagya tsaka sya ulit dumiretso ng tingin sa dinadaanan namin.

"Kung yung pagkakasagutan natin yan, wag mo munang isipin yon. We need you for this grand fight na kakaharapin natin. We need our leader." She said habang seryoso ang mga tingin sa harap.

San ba kasi kami pupunta?

"So anong sinabi sayo ni Aldrin?" Tanong ko sa kanya.

"Ang Gray Stone na bagong dating ay ang tunay na Gray stone." Pangunang pagpapaliwanag nya dahilan para mapakunot ang noo ko.

Naguguluhan ako.

"Wala pang pangalan ang grupo nila Aldrin noon. Kalat na daw ang balita noon pa man na may masasamang grupo na patuloy na pumapatay ng mga survivors. Correction, hindi zombies kundi survivors." She said.

Napairap naman ako.

"Oo narinig ko." Iritang sabi ko.

"Sinabi ko lang. So yun na nga. Masyadong mabait si Jazer kaya pinamanman at pina imbestiga nya yung grupong yon. At don nila nalaman na kasapi pala si Chester at ng mga grupo nya ngayon sa totoong nagmamay ari ng Gray Stone. Gets mo ba?"

"Slight, pero wait. Ibig mo bang sabihin, si Chester ay kasabwat---"

"Sige pagdudahan mo pa yang kaibigan mo." Naiiritang sabi ni Loreign.

Napairap na lang ulit ako.

"Then explain." Tamad kong sabi.

"So yon, alam ni Jazer noon pa na buhay si Chester pero di sya makapaniwalang aabot si Chester ng lagpas ng 1 week. You know, bite of zombie."

Napaisip ako sa sinabi nya, naalala ko ang paliwanag sakin ni Chester.

He's immune?

"Immune sya." Yun lang ang naging sagot ko.

"I know, pinag isipan agad yon ni Jazer at isang paraan lang ang pwedeng maging dahilan para umabot ka ng halos isang taon at kalahati bilang normal at malakas na tao nang di ka nabibigyan ng antidote. Yun ay kung immune ka." Paliwang nya na sinang ayunan ko naman.

"So walang talab sa kanya yung kahit gano kadami at kalalang kagat ng zombies?" Tanong ko.

Seryoso naman nya kong nilingon.

"No Selene, pag immune ka na. Wala ng tyansa na makagat ka pa ng zombies." Seryosong sabi nya dahilan para mapahinto ako sa kinatatayuan ko.

"A-Ano?! P-Pano?!" Di makapaniwalang tanong ko.

Huminga sya ng malalim sabay ngiti ng malapad.

"Once na maging immune ka na, kahit dumaan ka sa gitna ng mga zombies ay wala lang sa kanila. Hindi ka nila iisipin bilang taong may sariwang dugo. Lalagpasan at hindi ka nila papansinin. Magiging normal ka at makakalakad ka kahit saan ng walang iniisip na baka lapain ka o kainin ka ng zombies." Mahabang paliwanag nya na naging dahilan para matulala ako.

"L-Loreign..." Halos wala akong mabigkas na kahit ano sa bibig ko.

"Yeah. At ang dugo ni Chester ang magiging susi natin para mabalik sa normal ang lahat. Maybe may iba pang immune but as of now, si Chester palang ang kilala nating immune." Paliwanag nya.

New World (Completed Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon