A SOCIAL LOVE EXPIREMENT PART 1:

5 0 0
                                    







"We must need to think a new ideas for my new vlog! It's been two weeks since I upload my last videos in Davao!" hinaing ng matalik kong kaibigan na si Cathy, isang content creator sa Youtube.

Tahimik kaming nakatingin sa kanya habang paulit-ulit namin siyang nakikitang nagpapabalik balik ng lakad mula saming harapan. Eversince that Youtube become so famous in terms of vlogging, naisipan na rin nang kaibigan kong si Cathy ang maging isang vlogger.

 Nung una, ginagawa lamang niya ang pagbi-video para sa sarili bilang libangan at files narin for her own documentary every time she was travelling around in the local area here in the Philippines. But then, when she discover about the youtube, ayon hindi na nagpahuli ang gaga. Nakisali na rin! Noon ginagawa lang niyang pagpa-part time ang vlogging, but now she decided to be a full time vlogger. Kung kaya't ganyan na lamang siya ka-O.A ngayon patungkol sa panibagong pakulo niya para sa sarili niyang channel.



"I really need to upload a new videos guys! Anything Idea or what?" ani niya pa na bahagyang tumingin sa direksyon namin, tila nais manghingi ng opinyon sa amin.



Nang mapansing hindi namin siya masasagot pabalik ay muli siyang nagpatuloy sa pabalik-balik na  lakad, habang abala parin ang sarili sa pag-iisip nang panibago niyang content.

"Oh my gosh! Braincells Cathy! Braincells! Where have you been na ba huh?" panay na sabi niya sa sarili.

Napailing na lamang ako sa kakatingin sa kanya. Baka mamaya ako pang mabaliw sa ginagawa niya!



" Pwede ba Cathy, maupo ka kaya? Ako ang nahihilo sa'yo eh!" hindi na mapigilang saway ni Janna sa kanya.



Agad naman itong tumigil sa ginagawa atsaka aburidong umupo sa tapat nang kanyang computer table. Nakabusangot tuloy ito habang nakatingin sa screen nang kanyang computer. At nang hindi na naman mapakali ay muling bumaling samin na prenteng nakahiga sa kanyang malambot na kama.

"Agh, come on gurls! Can you give me some ideas? Help me okay?" ani na naman nito.



"Pinapunta mo ba kami dito para diyan?" si Janna na tila naiirita na rin dahil sa pagiging wala sa sarili nito ngayong araw.



Agad naman natahimik si Cathy bago nagmamakaawang bumaling ng tingin sakin ngayon. Alam ko ang kahulugan nang mga tingin na yan, at alam ko ring dahil wala siyang mahihita sa pagiging short tempered nang kaibigan naming si Janna,  ngayon ay sakin siya lalapit para makahingi ng tulong.

Tila pinagsisihan ko kaagad ang pagpunta ko dito!



"Please Khaela! I barely need you!" ani niya na ngumuso at nagpuppy eyes pa sa harapan ko.

Agad namang ngumiwi ang mukha ko dahil sa nakita niyang itsura bago iiling-iling na tinuon ang atensyon sa kaka-scroll mula saking cellphone.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" wala nang choice na sabi ko.

"Yey!" tuwang-tuwang anas ni Cathy bago yumakap sakin.

Nakita ko pa ang bahagyang pag-irap ng mga mata ni Janna samin, subalit alam ko naman na maging siya hindi niya kayang tiisin si Cathy na walang mai-upload na video for her channel. Kunwari lang yan siyang nagsusungit at nagtataray but deep inside she also helping us, hindi nga lang niya ganung pinapakita. 

As the three of us busy on our own gadget, scrolling and watching , trying to find a new ideas and inspiration for the next vlog of  Cathy. I suddenly watch a catching videos about helping a random person. Agad na natuon ang  buong atensyon ko mula sa videong pinapanuod, ilang minuto ko ring inintindi ang buong video-ng tinapos, bago muling nagpatuloy sa kaka-scroll.



A SOCIAL LOVE EXPIREMENTWhere stories live. Discover now