Chapter 29

51 4 0
                                    

"Guys may meeting tayo ah, magsipalit na kayo at mukha kayong mga basang sisiw", Wyatt stated after stopping the music they're dancing to. "Excuse me mas fresh pa ako kaysa sa'yo ano", Basti rebutted and rolled his eyes. Agad naman silang tumayo at nagsimulang magbihis, para maghanda sa biglaang meeting nila. 

"Tungkol saan pala yung meeting?", tanong ni Lyron pagkatapos niya mag-ayos ng sarili. Naupo naman sa tabi niya si Logan na busy ng kumakain ng snacks. "Malay ko, kaya nga magme-meeting para malaman natin diba?", sagot ni Wyatt saka nauna ng maglakad palabas ng practice room nila. "Kahit kailan talaga wala kang kwenta kausap!", Basti exclaimed again. "Lagi na lang mainit dugo mo sa'kin aba!", sumbat naman ni Wyatt.

"Tara na nga, hope we can rest after this", Aiden sighed and started walking out of their practice room. Agad din namang sumunod sakaniya ang iba habang nagkukulitan pa. "Problem? Lalim ng paghinga natin ah", tanong ni Axel habang sumasabay sa paglakad ni Aiden. "Hulaan ko, gipit ka?", tanong naman ni Lyron na nasa kabilang gilid ni Aiden. "Kailan naman ako naging gipit ha? Also, I don't have a problem okay? Nakakapagod lang yung practice kanina", sagot naman nito sa katanungan ng dalawa.

"Ay oo nga pala, nabugbog daw si pareng Sirius? True ba ang chismis?", biglang sabat ni Logan saka uminom sa bitbit nitong tumbler. "Hindi naman bugbog, na sapak lang siya ng isang beses sa mukha", pagpapaliwanag ni Lyron dito. "Eh bakit? Saka isa pa, di ba marunong naman lumaban iyon? Kawawa nga yung muntik mang kidnap sa'yo dati eh", saad ni Wyatt habang nakatingin kay Lyron. "Aba malay ko, saka bakit ako ang tinatanong niyo ha?!", Lyron awkwardly stated, and immediately averted his eyes towards the door of the meeting room.

"Nagtatanong lang eh, damot mo naman. Saka bukod kay Axel at Aiden ikaw ang pinaka close ngayon kay Watanabe no", Basti pointed out while pouting. "Tama na yan. Mamaya na yang chismis mga bonak", saad naman ni Axel ng mapansin na parang nahihiya na si Lyron dahil sa atensiyon na binibigay sa kaniya ng buong grupo. "Fine fine, let's just focus on the meeting then", sagot ni Logan saka nauna ng pumasok sa loob.

When they got inside, they waited for a few minutes for their manager and to tell them what's the meeting all about. It was all about their upcoming international concerts, that will be held in 5 chosen countries for a whole month. It will be tiring, and yes they will be away from the country for a month. Agad namang napaisip si Lyron kung paano niya ito sasabihin sa nobyo, na halatang ayaw mahiwalay din sa kaniya ng ganon katagal.

"Most importantly, you'll also be performing with other artists, and there will also be a collaboration with a girl group which consists 6 members too. I think your practice with them will start next week, so you better prepare yourselves", pahabol ng manager nila bago nito tapusin ang meeting. Pare-parehas naman silang napa buntong hininga dahil sa announcement na narinig. "I hope hindi sila maarte. Ayoko sa lahat yung di na nga cute maarte pa hmp!", saad ni Basti na tinanguan naman ni Logan.

"Don't tell me ipa-partner partner tayo? Hindi man lang sinabi kung sinong group yun", saad ni Axel na halatang hindi kumportable sa naiisip niya. "Okay lang siguro kung cute dances, pero tingin niyo magugustuhan mg fans natin kapag sexy yung concept tapos may partner tayo? Parang hindi", dagdag pa ni Logan sa sumandal sa upuan. Meanwhile, Lyron's deep in his thoughts, dahil kung nagkataon nga na magkatotoo ang mga sinasabi ng ka grupo, ay hindi niya alam kung paano magre-reactor dito si Sirius. "Anyway, let's go back. Pahinga na lang kayo the whole afternoon, or do whatever you want bahala kayo", Wyatt stated as he get off from his chair.

Betelgeuse | HaJeongwoo (Treasure) AU (EDITING)Where stories live. Discover now