Pagkagising mo sa umaga,malambing na mensahe ang agad mong mababasa..
"Good Morning :)"
"Kain kana ng almusal.."
"Wag kang papagutom.."
"Text ka paggising mo :)"
Parang ang sarap bumangon 'no?Kahit alam mong magiging busy ka nanaman sa araw na 'yon..
Sa gabi naman,
"Good Night :)"
"Matulog ka ng mahimbing.."
"Wag ka na magpupuyat.."
"Wag ka mag-alala dahil andito parin naman ako at Mahal parin kita,paggising mo sa umaga.."
Sarap isipin na nakadilat man o nakapikit ang iyong mga mata,ramdam mong may isang taong nagpapahalaga sayo..
Hindi kayo nawawalan ng mapag-uusapan,kasi,hindi lang isang tao ang nagbibigay ng katanungan..Nagpapalitan ng mga bagay na mapag-uusapan..
Palitan ng mahahabang halakhak,seryoso man o kalokohan..
Handa ang bawat isa na makinig at umintindi..Kadramahan man o kasiyahan.
Marunong umunawa ang isa't-isa..
Sa tuwing nadaraanan ka ng kalungkutan,nandiyan siya upang makahanap ka ng rason para ngumiti..O basta makita mo lang siya,para sayo nagiging sapat na na rason,para mawala ang simangot sayo'ng mukha..
Nagsilbing panyo para sayo'ng luha,
Nagsisilbing unang yakap sa iyong pagkalumbay..Ramdam mong mapalad ka na may isang katulad niyang nandiyan para sayo..
Kausap mo siya lagi..
Maliwanag man o madilim ang langit..
Sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito,ramdam na ramdam mong hindi ka nag-iisa..
Napakasarap sa pakiramdam,na sa dinami-rami ng taong mas hihigit pa sayo,mas pinili niya parin ang maglakad kasama mo..
Sa pagbabakasakali na ba siya sa lahat ng nakilala mo,iba dahil hindi lang siya puro salita..Iba dahil hindi man niya laging bukam-bibig ang salitang "Mahal Kita"
alam at ramdam mong mahal ka talaga niya..
Pero alam mo ang masakit dun?,kung ang lahat ng bagay na ito,ay panandalian lang,bigla-bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin..
Tila nagbago ata ang ikot ng mundo..
Hindi mo namamalayang,sumasabay na pala siya sa lamig ng panahon..
Sa hindi mo malamang dahilan,unti-unti niyang nilalayo ang sarili niya na tila isang bulang lumilipadat naghihintay na lamang na mawala..
Bigla na lang siyang nagbago,bakit ganun?bakit bigla nalang nagkaganto?bakit bigla kana lang mawawala?Bakit hindi ka manlang nag-iwan ng rason kung bakit ka lumayo?sagutin mo naman sana..:(
Ang dating umagang nagsisimula sa isang mensaheng masaya,ngayo'y isang laro na araw na hinihintay mo nalang matapos..
Mahimbing na tulog sa gabi ay napalitan na lamang ng pagtatalo ng puso at isipan..
Bakit ang laging tanong sa isipan..
Bakit walang kasagutan..
Bakit hanggang sa pagpikit ng mga mata,sinanay mo siyang nandiyan ka..
Sinanay mo siyang kausap ka..
Sinanay mo siyang maniwalang isa kang inspirasyon at pag-asa sa kanyang malungkot na buhay..
Naging rason ka para tuluy-tuloy siyang lumaban..
Naging rason ka sa mga mahahabang halakhak,sa paglimot sa kalungkutan..
Binigyan mo siya ng rason upang magtiwalang muli..sabay ngayon bigla kana lang mawawala..
Ngayon,binigyan mo siya ng rason para lumuha muli ang kanyang mga mata..
Ngayon,binigyang mo ulit siya ng rason upang matakot magtiwala..
Sana hindi mo nalang siya sinanay na nandiyan ka..kung sa huli ay iiwan mo lang din pala siya..
Binigyan mo lang siya ng rason na maniwalang di ka pala naiiba sakanila..
Katulad ka lang din pala nila..
Pero sabagay,nagbakasakali lang naman ako..nagbakasakali lang naman ako na baka sa lahat ng taong nakilala ko..
Nakakalungkot lang iisipin na ipinaramdam mo sakin na nagkamali pala ko..
Pero alam mo..babangon ako!at WHO YOU KA SAKIN!..
—————-ennnddddd
Thanks for reading!natutuwa ako sa atensyon na ibinagay mo sa aklat na ito :) Maraming salamat!
- Jill