I'm Gardenia Kaye
Opo. Gardenia ang pangalan ko. Yung sa brand ng sikat na tinapay.
Ilang beses ko nang pinaulit-ulit ang pagtatanong sa magulang ko kung bakit iyon ang ipinangalan nila sakin pero ang lagi at nag-iisa nilang sinasagot ay "Paborito kasi namin iyon ng tatay mo, Anak."
Like, what the heck?
Yung ate ko, si Grace Kianne. Ang ganda ng pangalan niya. Ang layo sa Gardenia! Siguro dahil ako ang bunso ay napag-trip-an ang pangalan ko. Huhu.
Alas-siete na kaya nagmadali na ako dahil may klase pa ako ng alas-otso. "MAMA! AALIS NA PO ANG MAGANDA NIYONG ANAK!" sigaw ko mula gate ng bahay namin. "SIGE, GARDENIA! MAG-IINGAT KA, ANAK!" sigaw ni Mama mula sa bintana ng kwarto nila ni Papa. Kumakaway-kaway pa ito at nag-flying kiss. "MAMA NAMAN EH!" kumaway din ako at sinalo ang flying kiss niya.
Pumunta na ako sa sakayan at agad sumakay sa nakatigil na bus. Pumwesto ako sa tabi ng bintana na favorite spot ko.
Akala ko pa naman ay walang traffic ngayon pero akala lang pala! Ilang minuto ng hindi gumagalaw ang bus na sinasakyan ko! Mabuti nalang at air-conditioned dito. Nakooo. Baka malate ako nito!
Napansin kong may nakatingin sakin. Inilibot ko ang tingin ko sa bus. Wala naman.
Ilang minuto ay naramdaman ko na may nakatingin na naman. Lumipad ang tingin ko sa kabilang bus. Nahuli kong nakatingin ang lalakeng katapat ko ng upuan. Iniwas niya ang tingin niya dahil nahuli ko siya. Pero hindi ko inalis ang tingin ko sakanya.
Maputi, nakataas ang itim na itim na buhok nito, at matangos ang ilong. Nakapang-school uniform ito. Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil nakatagilid siya.
Titingin sana siya sa direksyon ko ngunit umandar na ang bus na sinasakyan ko.
Mabuti at wala pa ang prof ko ng makadating ako sa school. Kaya nagbasa nalang ako. "Gardenia!" Natigil ako sa pagbabasa ng may tumawag sakin. Si Jake kablock ko. "Nagawa mo na ba yung sa chem? Yung project?" Tanong nito tas umupo at tinitingnan kung ano yung binabasa ko. "Ah yun ba. Oo, tapos ko na yun. Baka sa susunod na araw ko na ipasa." Napaayos ito ng upo "Tulungan mo naman ako oh." Haysss. "Okay okay."
Pagkatapos ng tatlong klase ko ay nagpunta ako sa library. Gagawin ko na kasi yung take home quiz. Oo, home. Pero dito ko sa library gagawin. Ilang minuto ay naramdaman kong parang may nakatingin sakin. Nagpalinga-linga ako pero wala naman akong napapansing kakaiba.
OMG.
Baka may mumu dito? O worse baka sinusundan ako ng mumu!
-KINABUKASAN-
Ganon lang din ulit ang routine ko. Pero alas-siete ang unang klase ko kaya maaga ako umalis ng bahay. Sumakay na ako sa bus at umupo sa saan pa? Upuan sa tabi ng bintana.
Mabuti at hindi traffic ngayon. Hindi ako malelate. Nung tumingin ako sa katabi kong babae, nakita kong nagsusuot ito ng earphone. Iiwas ko na sana ang tingin ko na may nahagip ang mata ko.
Siya yun!
Yung lalake sa kabilang bus kahapon! Nasa right side siya ng bus at nasa left side ako. Magka-row kami ng upuan. Nakasuot ito ng earphone at nakatingin sa labas. Nasa tabi kasi siya ng bintana. Iniwas ko na ang tingin ko bago pa man niya ako mahuli.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Bus (one-shot)
RomanceAng weird talaga ng tadhana. At the same time, nakakamangha. ⓒ All Rights Reserved