Ayoko na!!!

62 4 6
                                    


Rein's POV



Nag-hain na ako ng pagkain sa harap ni mama.


"Ma, kain na.." sabi ko sa kaniya sabay abot ng kutsara at tinidor.


"Wala akong gana anak. " sabay layo sa kanya yung pagkaing hinanda ko para sa kaniya.


"Ma, kumain naman kayo. Parati ka na lang ganyan. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon nating lahat."  Umupo ako sa tabi niya at hinawakan yung braso niya.


"Kumakain kaya siya? Baka pumayat siya lalo..." hinawakan niya ako sa kamay at tiningnan ako.


Lagi nalang ganito. Pagod na ako. Anak din naman ako ah. Pero bakit? kahit na wala na siya, siya pa rin ang laging hinahanap! Nawalan din naman ako ng kapatid. Pero bakit ganun wala lang ba ako dito? Wala lang ba ako sa kaniya?


"Ma, zombie na siya! Infected na siya nung walang-hiyang virus na yun! Wala na tayong magagawa!" sabay bitaw sa kamay niyang nakahawak sa akin.


"Bakit kasi siya pa yung natamaan? Pwede... pwede namang iba ah, pwede namang... ako na lang sana...." umiiyak na naman siya. "Lahat naman binigay ko sa kapatid mo pero bakit agad naman siyang kinuha sa akin?"


"Wala na tayong pag-asa ma! Wala na siyang pag-asang maging tao pa. Tanggapin mo naman ma na yun talaga kapalaran niya." hinarap ko si mama, pero na misunderstand na naman niya ako.


"Bakit ka ganyan magsalita? Parang wala lang sa'yo yung mga nangyayari ah!"


"ma-" gusto ko sanang magsalita pero lagi namang ganito eh.


"Ano?! Susumbat ka pa? Rein! yung kapatid mo naging zombie. Ano sa tingin mo nangyayari? Joke lang 'to? Nasa pelikula lang? Hindi Rein! Hindi!" madiin niyang sinasabi sa akin.


Syempre ang sakit sakit sakin yun! tusok sa puso ko. Lagi na lang akong napagbubuntungan ng galit niya. Parang ang hina-hina ko sa mga mata niya, boba, bastos, masama lahat na ng pangit na ugali nasa akin na.. Mahirap ang maging blacksheep sa mata ng magulang mo. Ikaw lagi ang sisi. Bakit ganun?


Masakit din naman sa akin na naging zombie si Enaira.


"Ma! Bakit ba laging ganyan ka sa akin?" Tanong ko sa kanya habang nangingilid na yung mga luha ko sa mata ko.


"Bakit? ako pa tatanungin mo? Ikaw ang gumagawa ng mga kilos mo na kinagagalit ko tapos tatanungin mo sa akin kung bakit ako ganito sa'yo?! Umayos ka Rein sa mga salita mo!" at yan na nga dinuduro na niya ako. "She is a zombie right now, tapos ganyan ang gagawin mo? Anong gusto mong gawin ko? Magpaparty pa ako na nasa madilim na kulungan yung kapatid mo? huh?! Ganyan ba ang gusto mong gawin ko? huh?!"


Ang sakit-sakit na! Di ko naman gustong gawin yun eh. At walang kapatid na may gustong maging zombie yung kapatid nya. Mahal na mahal ko si Enaira.


"Pero ma!!! Zombie na nga siya! She is a zombie!!! Wala na siyang naaalala! Kahit na katiting man lang, wala siyang naaalala! Ako nga na kapatid niya, muntikan na niya akong kainin! Ikaw pa kaya ma huh?! Ikaw pa na ina niya na binigay mo ang lahat sa kaniya?! NO MA!!! HINDI KA NA NIYA NAAALA-(PAK!)" yeah right! isang malakas na sampal ang inabot ko. At isang malaking hagulgol ang nilabas ko.


"Wag na wag mo kong sasabihan ng ganyan! Kapatid mo ang pinag-uusapan natin dito!" Dinuduro na naman niya ako. Puro hikbi at hagulgol na lang na lang ang nagagawa ko sa ngayon. "Hindi mo alam kung ano ang pinagsasabi mo. Gusto mong malaman? huh? Akala mo ba madali ang sitwasyong ng kapatid mo?! Lagi kong pinag dadasal bakit pa siya ang nainfect ng virus na yun? Sana,,," humagulgol na rin si mama. " Sana...sana... SANA-" napatigil si mama nung sumigaw ako.


"SANA AKO NA LANG YUNG NAGING ZOMBIE! PARA TAPOS NA YUNG PROBLEMA MO, PROBLEMA NIYONG LAHAT SA AKIN! TAMA DI BA MA?! SANA AKO NA LANG YUNG NASA MADILIM NA KULUNGAN NA YUN! AT HINDI SI ENAIRA! Wala naman ako sa inyo eh, ni hindi ko nga naramdaman na anak niyo ako. Lagi na lang ako yung nasisisi. Lagi na lang ako yung napagbubuntungan niyo ng galit ninyo! SORRY MA AH TSAKA SALAMAT, MAHAL KO KAYO MA." Tumayo na ako at tumakbo papalabas ng headquarters namin na binigay ng Government.


Narinig ko pa si mama na hinabol ako at sumisigaw na wag akong lalabas. Ang sakitsakit sa akin na lagi na lang akong sentro ng galit niya. Tumatakbo lang ako kahit alam kong delikado dahil gabi na at umuulan pa. Hindi pa secured ang lugar na napuntahan ko dahil marami pang infected na zombies na hindi pa nahuhuli. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Tumigil ako sa kakatakbo dahil pagod na akong tumakbo at malabo na rin ang mata ko dahil sa ulan at iyak ko.


"AYOKO NA!!!!" sigaw ko at nag eecho pa dahil abandonado na ang lugar.


Humahagugol lang ako ng biglang may—-





humawak sa braso ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Here yeah guys the chapter ONE haha.. maiksi lang kasi Short Story lang ito :)

hahaha Masakit pala sa likod mag-type ng magtype hahaha.. well how is it? okay lang ba? Di pa ko writer eh hahaha

Just feel free to vote and comment :*

xoxo

-tatalinaMPD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She is a zombie.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon