Meron nang Iba (One Shot)

33 0 0
                                    

Riley's POV

Bakit ganun si Ash? Anong nangyari sa amin? Hindi ko din alam, bigla nalang siyang nagdrift away. Bigla siyang naglaho na parang bula. Wala akong contact sa kanya. Kamusta na kaya siya? It's been 4 months nung huli kaming nagkita. Ang natatandaan kong huling usapan namin ay yung tungkol sa ballet auditions niya sa ibang bansa na ayaw kong puntahan niya kasi mapapalayo siya at mag – isa siya dun. Hindi ko kasi kaya na umalis siya.


Ngayon, ewan ko. Ewan ko kung mahal ko pa talaga siya. Nakakapagod na din kasi. Sinubukan kong hanapin siya, pero wala na ata talagang pag – asa. Ang tagal na niya kasing nawala. Siguro panahon na para sumuko na ako. Baka naman talagang hindi kami para sa isa't isa.



Ash's POV

Apat na buwan. Apat na buwan na ang nakalipas simula nung umalis ako. Umalis ako ng walang pasabi. Oo, nag – audition ako para sa ballet show sa US. Hindi ako nagisip nung panahon na yun. Noon kasi, pakiramdam ko hindi inintindi ni Riley yung sitwasyon ko. Passion ko kasi ang pagsasayaw ng ballet at talagang nasaktan na ako nung hindi siya pumayag pero ngayon ko lang narealize lahat yun nung wala na siya sa tabi ko. Miss na miss ko na siya.


Sana paguwi ko, sana paguwi ko may balikan pa ako.



Third Person's POV

After a month, napagpasyahan ni Ash na umuwi na sa Pilipinas. Natatakot itong umuwi dahil alam niya ang magiging reaksyon ng nobyo pag nalaman nito kung ano ang nangyari sa kanya. Natatakot din siya dahil baka wala na siyang balikan. Wala nang Riley na nagmamahal sa kanya.

***

"Pre!"

"O, Aldrich!"

"Buti naman nandito ka na. Kanina ka pa namin hinihintay. Si Riley?"

"Nasa tabi tabi, nakakalimot. Tangina pre, mahal na mahal si Ash kaso nagsawa. Ayan naghahanap ng iba hahaha."

"Gago talaga yun. Sige, dito muna ko."



Sa kabilang banda naman, si Riley ayun. May kasayaw na ibang babae sa dance floor. Hindi ito lasing at he's very much aware na may kalandian siyang babae pero wala siyang pakialam dahil gusto niyang makalimot sa lahat ng nangyari sa kanila ni Ash. Alam niyang kailangan niyang makinig sa paliwanag nito pero para siyang nawawalan ng gana kapag naiisip niya na iniwan lang siya basta nito.


Sa frustration niya, before he knew it, hinahalikan na siya nung babaeng kasayaw niya at hindi naman ito pumalag. Then everything went black. Ayun na yun.




Ash's POV

"Hello Philippines!"


"Makahello Philippines ka naman girl. Hindi mo ba kami namiss?"


"Syempre namiss! Hehe."


"Tara na."


"A-ah, Alliah, punta muna tayo sa condo ni Riley? Please? Siya muna gusto kong makita."


"Sige na nga."

***

Eto na, nandito na ako sa condo ni Riley. Kaya mo yan, Ash! Hindi ka naging si Ashley Romualdez ng walang dahilan.

*tok tok tok*


"Riley!"


"Sandali lang." oh my, siya yun! Shet eto na to!!


Pagkabukas ng pinto, halos gumuho ang buong mundo ko. Babae ang nagbukas ng pinto ni Riley.


"Mica, sino ya—- Ash?"


Tuloy tuloy lang ang luha sa mata ko. Alam ko na ang sagot. Umalis nalang ako ng condo niya. Naririnig ko siyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon.




Salamat, Riley. Ngayon alam ko na.

Meron Nang Iba (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon