CHAPTER 1

3 1 0
                                    

CHAPTER 1

PORTIA

"Portia! Anong oras ang uwi mo mamaya sa trabaho?" Nagpunas muna ako ng pawis bago tumingin kay Rika.

"Alas otso! Bakit ikaw, Anong oras ang uwi mo" Pagtatanong ko sa kanya. Matagal ko ng kilala si Rika hindi lang dahil sa magkatrabaho kami. Magkalapit lang din ang apartment na tinutuluyan namin.

Minsan sabay kami umuuwi tuwing gabi. Hinihintay niya kasi ako kahit maaga pa ang labas niya sa trabaho. Sabi niya kasi baka mapano daw ako sa daanan dahil wala akong ibang kasama kaya sinasamahan niya nalang ako tutal magkalapit lang din naman ang apartment namin.

"Maaga akong uuwi mamaya kasi uuwi ako bukas sa probinsiya namin sa Palawan" Tumango naman ako bago pinagpatuloy ulit ang pagpupunas ng lamesa.

'8:00 pm'

"Portia di ka pa ba uuwi, out muna aah!" Nilingon ko muna si Shela bago umiling. "Uuwi nako! Magpapalit lang muna ako ng damit"

Pagkatapos kung magpalit ng damit ay kinuha ko na ang bag na may lamang uniform ko bago binitbit. "Shela! Alis nako ikw na bahala Dito" Ngumite naman siya at tumango.

"Sige! Magiingat ka sa pag uwi mo" Tumango naman ako bago napagdesisyonang lumabas na ng Coffee shop.

Huminga muna ako bago naglakad. Tutal medyo malapit lang naman ang apartment ko kaya maglalakad nalang ako. Tsaka sanay naman na ako. Medyo nakakatakot ngalang doon sa may pangalawang kanto. Ang tahimik kasi doon tapos wala pang masyadong ilaw.

May sabi sabi ding may mga nagpapakita raw doon dahil sa dami na ng na aksedenting sasakyan o di kaya ay namatay sa lugar na yon. Kaya nga kapag napapadaan ako doon lumilibot talaga ang mga mata pero di ako lumilingon hah yong mata ko lang ang lumilikot pero yong ulo ko steady lang na parang nakaharap sa daanan.

Minsan nga kapag ako lang magisa ang umuuwi kagaya ngayon dahil diko kasama si Rika pakiramdam ko di lang ako yong tao sa lugar na yon. Nakakakilabot pero kahit na ganon di parin ako naniniwala sa mga multo, multo na yan or kahit na anong kababalaghan at kakaibang bagay 2022 na kaya wala ng ganon.

"hahhhaha! Mamm- ma"

Huminto ako sa paglalakad ng may marinig akong tawa ng bata. Kaya naman nilibot ko ang paningin ko.

Teka nandito na pala ako sa pangalawang kanto ng di ko manlang napapansin. Tiningnan ko naman ang nagiisang ilaw dito ng kumukurapkurap sa unahan ko mga ilang lakad lang ang layo.

" bwab bwa mam hahahahaha"

Tumingin ako sa gilid ng basurahan. Doon ko kasi naririnig ang tawa ng bata eeh. Teka ano naman kaya yon. Imposible namang record yon eeh halata namang totoong tawa ng bata eeh.

"hihi labrutah"

Lumakad naman ako palapit sa basurahan kung saan ko naririnig ang tawa ng bata.

"Wow! Ang cute mo namang bata" halos mapatili ako sa sobrang panggigigil ng makita ko ang isang napaka cute na baby. Naka balot siya sa isang makapal na tela.

Hindi naman siya mukhang bagong panganak lang dahil malaki na siya. Tansiya ko mga nasa 7-8 months na siya. Ang laki na eeh tapos nakaka pagsalita na siya ng mama. Kagaya nalang ngayon nagsasalita siya ng mama habang nakataas ang dalawang kamay.

"Ang cute mo naman baby! Nasan ang mommy mo?" napatampal naman ako sa noo ko ng maiisip ko ang ginagawa ko. Ang tanga mo talaga Portia kita mo ng ngang tinapon siya dito tapos tatanungin mo kung nasaan ang nanay niya. Tsaka baby pa siya haytss.

"tatata blah tamn mama hihihi" napatingin naman ako sa bata na ngayon ay tuwang-tuwa habang nakatingin sa akin.

"Wala naman sigurong magagalit kapag kinuha kita noh" tinitigan lang naman ako nito pagkatapos ay ngumite siya at humagikhik. "Ang cute!".

Beast series 1: The Sleeping BeastWhere stories live. Discover now