15th

34 1 0
                                    

Pumunta ako sa kwarto at nag start nang mag impake.

Ilang minuto lang ang lumipas at natapos rin ako at lalabas na sana ako nang biglang sumulpot si Joy.

"Psst! Huy!" Pagtawag niya sakin.

Chismis na naman gusto neto. Pisti.

"Ano?" Tanong ko.

"Feeling ko may something dun sa dalawa....Feeling ko lang ah, Ano kaya
nangyare kagabi noh?" Bulong niya sakin.

"Mukha ba akong cctv? or sadyang test paper ka lang sa past life mo at andami mong tanong?" Tanong ko naman.

"Sabi ko nga titigil na ako eh" Sabi niya at nag peace sign sakin at dali daling tumakbo.

Kinuha ko ang towel ko sa sampayan, pagka pasok ko nang cr nakita ko si Stell...Nakatopless?!

Shumay lord anong ginawa kong kabaitan at ilagay niyo ako sa sitwasyon na ganto? Utang na labas ho T~T

"A-Ah... A-Ay.. Im.. S-Sor-ry.. Di ko k-kasi... Ano..Amm...Alam, heh.. La-lalabas nal-lang ak-o.." Pautal utal kong saad sa kakahiyan.

Tumungo ako tinakpan ko yung mga mata. Kainin na ho ako nang lupa, as in now na.

Nakita ko yung katawan niya Jusko, Nakakahiyaaaaa..

"Ahm... Ikaw na gumamit, Tutal tapos naman na ako" Sabi niya sakin at tumango nalamang ako at pasok sabay deretso lock nang cr.

For sure nangangamatis na naman itsura ko netoooo.. Agghhh!!!!! Wag mo na kasing isipin! Haysss Ellaine ano na??

Yan lang ang tanging tumatak sa isip ko dahil sa nangyare kanina.

Huminga ako nang malalim at ibunuga ito.

Kalimutan ko nalang yung nangyare, Basta as much as possible...Gusto ko nang umuwi.

The Reality's Real Love [On-going] Where stories live. Discover now