47

1.3K 32 4
                                    

Robertson Ford
06:20 PM

Violet:
Dada, hiramin ko po muna dalawa niyong driver ha. Sunduin po namin si Arch tapos uuwi sila parehas

Diretso po kami sa bahay niya

Robert:
Bakit dalawang driver pa?

Dalawa ba manubela ng kotse mo

Violet:
Dada kung normal ka mag-isip iisipin mo muna na dalawa yung kotseng dadalahin ko 🤧

Dalahin ko po yung service car natin tapos yung car ko para yung service car gagamitin nilang dalawa pauwi

Robert:
Baka kasi matalino ako

Akala ko may sakit ka? Kung saan saan pupunta kung kelan may sakit

Violet:
Doon na ako magpapahinga

Aalagaan daw po ako ng ampon niyo

Robert:
Buti nga hindi ko tinuloy ampunin, kawawa
ka sana ngayon

Violet:
So plano? Lol

Robert:
Dati, oo

Violet:
EH? TOTOO DADA?

Robert:
Isang beses lang naman namin napagusapan ng mommy mo tapos biglang naging may something na sa inyo

Akala ng mommy mo close kayo na normal lang amp hindi kasi kayo nakikita na magkasama

Violet:
Nakikita niyo ba dada?
Hindi naman kami nagdidikit

Robert:
Mga tinginan niyo parang nakakaduda eh. Kaya inexplain ko sa mommy mo na wag nalang

May common sense naman kasi ako

Violet:
HAHAHAHAHAHAHHAHA

Utang na loob ko dada

Robert:
Ayan ganyan dapat

6:30 sunod na inom mo ng gamot baka nakakalimutan mo na.

Violet:
Eto naaa dada iinom na

Robert:
Palitan mo yang nasa noo mo tapos umalis ka ng nasa noo mo yan. Magsumbrero ka nalang kung naiilang ka

Violet:
Nakakahiya🤧

Robert:
Ayos lang, hindi yan nakakabawas
sa ganda mo. Kapag may nagreklamo sabihin mo palit kayo, siya magkasakit tapos ikaw yung magaling.

Mag-jacket ka, maginaw sa labas kapag gabi. Baka tatambay ka pa saglit sa loob ng airport, magdala ka ng tissue at wipes

Baka nakasilent ka ha, hindi tutunog alarm mo sa gamot mamaya. 10:30 sunod after nito.

Violet:
HSHSHSHSHAHAH SIGE DADA

NOTED NOTED

Alis na poo akooooo

I lovee youuuuuu

Robert:
I love youuuuuuu

Baon?

Violet:
22 na po ako 👁️👄👁️

Robert:
Eh ano naman?

Violet:
Osige ba, penge pong cash

Robert:
Kuha ka sa wallet ko sa kwarto

Violet:
Nagtatago kayong cash?

Robert:
Dyan kumukuha mommy mo ng cash
kasi wala sya non wahahahah

Violet:
Card person din ako eh

Robert:
Baka kunin mo lahat ha magtira ka

Violet:
2k lang hehe

Robert:
Magbitbit ka ng twenties pang parking

Violet:
Life lesson brought to you by
Robertson Ford

Kuha ako twenties pa

Robert:
Ngayon ka pa nahiya kumuha parang di ka kumukupit dati ah

Violet:
Let's pretend you didn't send that text

BYEEEEEEEE

Robert:
Inggat!

The Archer (Epistolary) ✔Where stories live. Discover now