"Jankent, Pahiram!"

39 5 2
                                    

Lyle's point of view


Hays exam na naman. Ang bilis nga ng mga araw oo. 3rd grading period na agad. Malapit na kong magcollege. Saklap. Gurang na meh.


Nung pinasa na yung test papers samin, nagbigay muna ng instructions yung teacher namin. At shet lang, kailangan ko ng lapis. Lapis gusto ng teacher namin eh. Maarte kasi yun. Tiningnan ko naman yung katabi ko.


"Jankent, pahiram ako lapis!", sabi ko sa kanya.


"Hiram na naman Lyle. Oh ito oh!", sabi nya nang nakasimangot. Haha cute cute tuloy ni Jankent kaya ko to crush eh hehe. Kinuha ko na yung lapis tapos nagsimula na kong sagutan yung exam hanggang sa natapos ko na lahat ng exams kaya dismissal na. Yahoo!


Pag labas ko ng school, bigla akong nagutom kaya ang ginawa ko binili ko lahat ng pera ko. Inubos ko na kasi gutom na gutom na talaga ko, nyeta. Pagkatapos kong ubusin lahat ng yon, naisipan ko nang umuwi. Pag punta ko ng tricycle-an, kinapa ko yung bulsa ko para kumuha ng pamasahe at shet lang ulit, inubos ko nap ala pera ko. Naman!! Kasi di ko mapigilan sarili ko pagdating sa pagkain.


Tumingin ako sa paligid nagbabakasaling may mahihiraman ako ng pera. Medyo malayo kasi bahay ko dito. Tapos nakita ko si Jankent papunta din ditto sa tricycle-an. Tinawag ko sya.


"Jankent!!", sigaw ko at napalingon din naman agad sya sakin. Nung makarating na sya sa harap ko, kinausap nya ko.


"Bakit na naman?", tanong nya.


"Hehe. Jankent, pahiram naman ako nuebe oh. Hehe. Naubos na kasi yung pera ko kanina. Promise ibabalik ko din, pampamasahe lang.", sabi ko. Hay nakakahiya tong ginagawa ko haha. Lagi ko nalang nahihiraman to si Jankent eh. Buti nalang bait bait, cute cute pa.


"Tss. Hiram na naman. Kailan ka ba nanghiram na ibinalik mo. Kung hindi lang! Hay. Oh eto oh.", sabi nya tapos inabutan ako ng sampung piso. Hehe. May butal.


"Salamat Jankent! Promise ibabalik ko din. Babye!", sabi ko tapos kinawayan ko sya tas pumasok nadin ako sa loob ng tricycle.


Pag-uwi ko ng bahay, nagbihis ako, kumain tapos hilata agad sa kama. Naisipan kong buksan yung bag ko kasi mahilig akong magsulat-sulat ng kung ano-anosa notebook ko kapag bored ako. Tapos nakita ko yung mga hiniram k okay Jankent. Hala! Oo nga, di ko na naibabalik. Nandito yung ruler nya, calculator nya, yung ballpen nya pati narin yung lapis kanina. Hala! Naabuso ko na si Jankent!


Ibabalik ko to sa kanya lahat sa Lunes pati nadin yung nuebe. Nakakahiya talaga. Hala!


*2 days had passed*


"Waaaaah! May pasok na namaaan. Ayoko naaa talaga!!", sigaw ko sa loob ng kwarto ko pagkagising ko. Nakakatamad na kasi talaga.


"Hoy Lyle! Anong sinisigaw-sigaw mo dyan? Aba kilos na! Tanghali na!", sigaw ni mama sa labas. OA talaga ni mama, aga-aga palang eh. Mga nanay talaga. Hahaha.

Jankent, Pahiram! (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon