Marrying The Vampire Billionaire

11.3K 173 4
                                    

Cathy's POV
Creepy.
Tiningnan ko ulit ang itsura ng mansion. Tiningnan ko ulit ang address na ibinigay saakin ni mom and dad. Ito nga iyon. Pero parang may kakaiba dito sa bahay na ito eh.
"Ms. Cathy Wick?" may tumawag sa pangalan ko kaya nabaling ang atensiyon ko dito.
"Ako nga po." magalang na sagot ko.
"Come with me. Hinihintay ka na po ng fiancé niyo sa loob."
Yes. You already heard it. Ikakasal ako sa lalaking hindi ko kilala ni anino niya hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Mom told me that he wants me. Noong una ayaw ko. But dad told me na, pabagsak na ang kompanya at ako nalang ang paraan para makabangon ito muli. I will marry the billionaire. Yes. Yon lang ang alam ko. Na mayaman sya so he can do anything he want. Na, he can but anything he needs.
Kanina ko pa lang sya nakita ng inabot saakin ng kaibigan ko ang isang magazine. Idol sya ng kaibigan ko eh.
"Okay po." sumunod lang ako sa kanya. Meron ring nagsilabasan na mga taong naka....
ITIM?
Para kunin ang mga gamit ko.
"Ma'am, iaakyat lang po namin itong gamit niyo. Dumiretso lang po kayo dyan may madadaanan po kayong pintong pula. Pumasok lang po kayo ma'am at makikita niyo po ang mapapangasawa niyo." sabi ni manang....ewan. I don't know her name.
"Uhmm, teka manang! Iiwan niyo na po ako? Hindi niyo na po ako ihahatid man lang?" tanong ko.
"Pasensya na ma'am. Pero bawal po kaming pumasok doon. Kahit sino po bawal. Maliban po sa inyo na mapapangasawa ng amo namin." napatango nalang ako ng dahan-dahan.
Ang weird dito ah? Ang tahimik. Parang walang nakatira.
"What's your name manang?"
"Sandra po."
"Okay. Thank you ate Sandra sa paghahatid sa mga gamit ko. Kita nalang po tayo mamaya." nakangiting sabi ko.
Yumuko ito at umalis na.
Sinunod ko iyong sinabi ni manang. Dumiretso lng talaga ako. Malaki nga ang bahay. Pero sobrang tahimik. Iyong parang nababalot ito ng lungkot? Hindi rin nakakapasok dito ang araw. Puro pula ang kurtina nila. Yaaakkk! Tumayo lahat balahibo ko dun ah?
Noong kaharap ko na ang pulang pinto, kumatok muna ako.
"Come in." para akong nabuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ko sa boses niya. Ang husky. Ang hot.
Tuluyan ko ng binuksan ang pinto. Pagpasok ko, isang lalaking nakatalikod na naka-upo sa swivel chair ang naabutan ko.
Muling tumaas ang balahibo ko sa katawan at nangibabaw ang takot.
"Excuse me. Are you Mr. Walton?" tanong ko pero hindi ko ipinahalata na takot na takot na ako.
"Yes it's me honey. Gabby Walton. Your soon to be husband." and with that, humarap sya saakin.
Nagulat ako dahil ang mata niyang kulay green, naging kulay pula.
Nahimatay ako ng wala sa oras.

Marrying The Vampire Billionaire Where stories live. Discover now