ENTRIES

106 3 20
                                    

ENTRY 1:

 

            Oy diary, takte! Sarap matulog sa klase kanina. Pano ba naman kasi mas daig pa nung manang naming prof ang pari sa panenermon. Nakakaantok talaga siyang magturo kaya pinapalaki ko nalang yung mata ko kanina. Malas ko nalang at saktong nakita niya ako sa pinaggagawa ko kaya napagalitan tuloy ako. Etong mga lechengclassmates ko naman, pinagtawanan lang ako. Babatukan ko na sana yung katabi kong wagas makahagalpak pero next time nalang diary, inaantok talaga ako. @__________@ 

  ~Diyosang Ririne








ENTRY 2:

 

            Break namin diary kaya naisipan  ko munang matulog. Dapat kasi may room for students na gustong matulog. Leche kasi, ang antukin ko masyado. Siguro nung pinanganak ako ng nanay ko natutulog lang rin siya=___=. Ge diary, tulog muna ako.

 ~Diyosang Ririne




ENTRY 3:

            Nalate akong pumasok diary. Leche kasi yung Alarm Clock ko hindi man lang ako ginising=_= welengye. Sabi naman ni Mama halos maatake siya sa lakas daw ng tunog nito pero bakit diarry di ko man lang narinig? Okay naman eardrums ko ah! Hayyyy! *hikab*

            At dahil late ako, tatambay muna ako sa Library namin. Ge itutuloy ko lang yung naudlot kong tulog kanina. Wag mong sabihin kay Mama na hindi ako pumasok ng first subject diary ha? Lagot ako pag nagkataonT_____________T

P.S. Pansin mo napapadami ako ng LECHE?

~Diyosang Ririne 

 

 


ENTRY 4:

           

            Diary? Hehe! Ano ba yan, nakikidiary tuloy ako. Eh kasi naman napulot lang kita kani-kanina lang sa may Library. Nacurious kasi ako kung anong laman ng notebook na naka-epal sa mesang inuupuan ko. Syempre sa gwapo kong 'to dapat walang haharang-harang! Kundi....papatayin ko sila sa—-kilig! Hahaha! Kinilig ka naman diary? Wala eh gwapo ko eh!

            Pero diary, seryoso? Ang tamad ng may-ari sa'yo. Pabaya, antukin at tamad ulit. Biruin mo yun, nagawa ka niyang iwanan sa kahit saan lang? Tsk! Tsk! Tsk! Itatapon n asana kita sa basurahan kaso nakonsyensya naman ako baka mamatay sa kakahanap sa'yo ng amo mong antukin.

            Aha! Iiwan nalang kita sa may Lost and Found Section. Okay, bye na. I should've claim you kaso mas may karapatan sa'yo yang pabaya, tamad at antukin mong amo.

-RAIN


ENTRY 5:

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Antukin [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon