CHAPTER 51

2.2K 71 5
                                    

Hermione's POV

Pagkatapos ng ka dramahan eksena ni slapsoil ay nagtungo na kami sa hapag dahil kanina pa daw naka handa ang pag kain at sakto kanina pa ako gutom na gutom hindi ko lang masabi syempre nakakahiya no

Nakaupo kami sa napaka habang lamesa na napaka daming upuan ang hari ay naka upo dun sa may pang padre de familia'ng upuan sa kanan naman niya ang ang reyna at ang sa kaliwa ay si Kuya tapos sinundan na ng mga prinsipe sa kanan naman kami naka upong mga babae katabi ni ina si slapsoil tapos ako ang sumunod tapos si Airess at yung tatlo pa

Tahimik lang akong kumakain habang si slapsoil ay nakikipag kwentuhan sa Reyna nakisali din ang mga prinsesa maliban kay Airess habang may iba namang pinag uusapan ang mga prinsipe pati ang hari ay tahimik lang din na kumakain at kaming dalawa ay parang may sariling mundo hehe kay Ama ata ako nag mana e hehe

"Oh ija bakit mo tinatabi yang beans hindi ba masarap ang pagkakaluto?"tanong ng reyna sa akin kaya naman napa angat ako ng tingin at napatigil sa paghihiwalay ng beans na sa akin na din pala natuon ang kanilang atensiyon

"Ah hindi po ano lang kasi allergic po ako sa beans"aniya ko habang nahihiyanh napapakamot sa kilay ko syempre nakakahiya no kahit na wala akong hiya sa mga kasamahan ko syempre meron naman akong hiya pagdating sa mga reyna at hari at iba pang nakakatanda sakin—di nga lang halata

"Oh ganun ba parehas pala kayo nitong asawa ko na allergic sa beans"aniya kaya napatingin ako sa mahal na hari na nakatingin din sa akin ngayon ko lang napansin na magka hawig pala kami ng mahal na hari at si Kuya naman ay kamukha ni Ina

"A-ah ganun po ba hehe"aniya ko nalang tyaka tumawa ng awkward eh diko naman alam ang sasabihin e

"Siya nga pala ija paano ka nakapunta dito sino ang nag alaga sa iyo sa mundo ng mga tao?"tanong ni Ina kay slapsoil na wagas maka ngiti feel na feel ei

"A-ah may umampon po sa aking mag asawa na mayaman nakita po nila ako sa may gilid ng kalsada sa may bungad ng kagubatan wala din po silang anak kaya ayun po dun na nila ako naisipang ampunin"aniya sa kanila kaya nagka tinginan si Ama at si Ina

"Ganun ba gusto kong makilala ang nag alaga sayo upang mapasalamat ko sila dahil kung hindi dahil sa kanila'y baka wala ka sa aming harapan ngayon"aniya ni Ina na may maliit na ngiti sa labi niya kaya nakaramdam naman ako ng lungkot dahil dapat ako yun pero agad ding nawala ang lungkot kong iyon nang tumingin siya sa akin na may malawak na ngiti

"Ikaw naman ija balita ko nagmula ka rin sa mundo ng mga normal na tao paano ka naman napunta dito?"aniya ni Ina kaya napatigil ako sa pag subo ko sana sarap pa naman nun yung patatas lasa kasing french fries siguro pinirito muna yun

"A-ah ano po opo galing po ako ng mundo ng mga tao pero biglaan lang po yun"aniya ko sa kanila sabay subo nung patatas tyaka kumuha ulit dun sa lagayan kasi paubos na kaya ang ginawa ko kinuha kona lahat

"Hey dahan dahan nagustuhan mo ba yan?"nagulat ako at bigla akong napatingin sa hari nang magsalita ito natawa naman sina Calvin at Challix pati na din si Airess kaya napakamot ako sa ulo ko sabay ngumiti sa kanila bakit ba e paborito ko kaya yung patatas na pinirito

"Hehe sorry po paborito ko po kasi yung patatas kaya kinuha kona po paubos na po eh"walanh hiya kong sabi sa kanila kaya napatawa sila sa akin maging si kuya ay nag pipigil ng tawa si ina naman ay napabungingis ng tawa

"Kung ganon ay parehas pala tayo ija iyan din yung paborito ko kaya nung nagbubuntis ako dito kay Lleone ay palagi kong pinapaluto yun sa asawa ko"masayang sabi ni Ina kaya napangit ako sa kanila pala ako nag mana hehe napatingin ako kay slapsoil na nakatingin sakin ng masama pero iningusan ko lang siya

The Long Lost Princess Of Majestic Kingdom (Majestic Moonlight Academy)Where stories live. Discover now