Prologue

2 1 0
                                    

"Lola, lahat ba ng tao masasama?"

"Halika nga apo. Lumapit ka sakin"

Palagi na lang kaming magkasama ni Lola sa bahay pati ang mga kapatid ko. Nagtatanong na din sila kung uuwi pa ba si mama.

"Alam mo apo. Ang tao likas na may mabubuting puso. Hindi naman lahat masasama. Yung iba nakagagawa lang ng kasalanan dahil nasasaktan din sila"

"Pero bakit po nila ginagawa yon sa iba? Bakit po si papa ganon?"

Kahit hindi sabihin ni Lola alam kong may ginawang masama si papa dahil hindi naman siya huhulihin ng mga pulis dahil lang sa wala.

"Mahal na mahal kayo ng papa nyo. Naaalala mo nong pinasyal kayo sa mall. Sadyang may pagkakataon lang apo na hindi aayon ang mundo sayo. Kaya ikaw, palagi mong lawakan ang pasensya mo sa mga taong makikilala mo paglaki mo."

Lumipat na kami sa bahay ni Lola simula ng makulong si papa at hindi pa rin umuuwi si mama.

"Akin to!"

"Ate Hannah ohh ayaw akong pahiramin"

"Levi!"

Kasabay ng pag-aaral ko sa elementary ay inaalagaan ko pa rin yung dalawa kong kapatid. Hindi ko naman sila pwedeng pabayaan ehh.

"Kasi ate nagamit na niya kanina yung kotse. Diba dapat hiraman kami"

Napulot ko lang kasi sa labas yung laruang kotse para ibigay sa kanila. Nag-iipon pa ko para bumili ng bago yung mura lang sa may tindahan.

"Ohh tama na yan mga apo. Ang mabuti pa kumain na tayo"

Ngumiti lang sakin si Lola at sumunod na rin ang dalawa kong kapatid. Nagpaalam muna akong lalabas para kumuha ng mga scrap. Hindi to alam ni Lola at ayoko namang magsinungaling sa kanya. Gusto ko lang talagang ibili ng laruan ang mga kapatid ko.

"Hannah wag kang lalayo"

"Opo la'"

Kinuha ko na agad ang sako sa tabi ng bahay namin at sobrang daming plastic sa mga basurahan.

"Hoy neng!"

Aling Pasing! Yung masungit na tindera.

"Po?"

Natigil ako sa pagkuha ng bote dahil baka sa kanya to.

"Sorry po. Hindi ko naman po gustong kunin, ibabalik ko na lang po"

"Hindi neng. Idagdag mo na to. Tsaka ang ganda ganda mong bata ohh. Bakit mo ginagawa yan?"

Bigla ko na lang nayakap si Aling Pasing dahil mabait naman pala siya.

"Wag mo nga akong yakapin bata. Maghanap ka pa don. Yung malaking bahay na yan, magpaalam ka lang don sa guard"

"Sige po. Salamat Aling Pasing"

Ito lang yung kaisa-isang bahay dito na sobrang laki. Yung sa amin kasi magkakatabi, maliit pa yung iskinita.

"Kuya guard, kuya guard"

Malawak akong ngumiti kay kuya na nagbabantay sa gate. Ang laki ng basurahan nila, pwede kaya akong mangalakal dito.

"Anong kailangan mo bata?"

"Ahh may scrap po ba dito?"

"Tingnan mo na lang"

Talaga?

"Pwede po?"

"Oo, basura na naman yan"

Hindi ko pa masyadong maabot yung drum at puro balat ng mga pagkain yung nakikita ko.

Waves of Hate (Profession Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon