"Bilisan mo na Hannah, malalate na tayo"
Si mama talaga. Maaga pa kaya.
"Wait lang po. Saan ba tayo pupunta mama at kailangang nakadress pa?"
"Naks ate, napakaganda mo!"
Ngayon lang ako lumabas ng kwarto at nahihiya pa kong tumingin kay Levi na nakatuxedo na din.
"Thank you. Bagay ba?"
Hindi talaga ako sanay magdress. Minsan lang kapag kailangan sa school. Tuwing prom at christmas party.
"Oo ate! Ikaw pa ba"
Binili to ni Mama kahapon sa may mall. Hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasabi kung saan kami pupunta.
"Paano naman ang pinaka-pogi nyong kapatid?"
"Bugok ka ches! Mas pogi pa rin ako sayo"
Hayy. Mag-aaway na naman silang dalawa.
"Tama na yan. Bitbitin mo to Levi"
"Payong ma?"
Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa pagmumukha ni Levi. Madalas kasing umulan tuwing papahapon kaya palaging handa si Mama kung sakali man.
"HAHA. Kuya ang pogi mo talaga"
"Hoy Ches! Ako ang kuya ikaw dapat magdala nito!"
Naglakad na kami ni Mama palabas sa bahay habang nagtatalo pa rin silang dalawa sa likod.
Pumara na si Mama ng taxi at habang nasa byahe ay iniisip ko pa rin kung saan kami pupunta.
"Ma, saan ba tayo?"
Mainipin talaga tong si Chester. Siksikan na kami dito sa taxi dahil ayaw nilang humiwalay sa amin ni Mama. Sila daw kasi ang escort naming dalawa kaya sobrang binabanas na rin ako.
"Ipapakilala ko kayo sa mga anak ng kaibigan kong mayayaman"
Mayaman?
Kailan pa nagkaroon ng kaibigang bigatin si Mama? Ang alam ko lang nakikisosyo lang sila ni Papa noon sa business ng iba.
"Ay, madaming chiks! Gusto ko yan Ma."
Biglang nabuhayan ng dugo si Ches at Levi, at ngayon mukhang excited na sila.
"Ma. Party ba to? Diba may meeting ako with my SSG. Sana umattend na lang po ako"
Secretary pa naman ako sa supreme student sa school namin. Nahiya pa kong magpaalam sa Adviser namin tapos baka malaman nilang pumarty lang ako!
"Bawi kana lang next time nak. Magandang opportunity to para sayo. Gusto mong maging event organizer diba? Ohh business din yan"
Yeah. Alam ng lahat na magaling akong magplano at mag-execute ng mga events. Kaya sa school madami akong org na sinalihan.
I always planned everything ahead. At wala pang pumapalya sa mga naplano ko.
"Tsaka ate minsan lang to. Ngayon pa nga lang tayo pupunta sa mga pinupuntahan ng mga mayayaman."
Tumigil na ang taxi sa harap ng isang hotel. Kitang kita ang elegante ng lugar. Madaming tao sa labas, at kami lang ang bukod tanging nakataxi habang silang lahat ay nakafour wheels. Bagay ba kami dito?
"Smile Hannah! Ilalapit kita sa kaibigan ko. Nagbibigay yon ng scholarship sa FIS. Diba gusto mong pumasok don?"
"Ma!"
Nakakahiya!
Hinigit na ko ni Mama papasok sa hotel at tama nga na imbitado kami dahil sa invitation na dala ni Mama.
BINABASA MO ANG
Waves of Hate (Profession Series #3)
RomansaHannah Lissa Gomez, a virtuous woman always sees the goodness of people regardless of its sin. She has a pure heart that can touch everyone's soul except for this guy she just met and unexpectedly falling inlove with. Clifford Marquez, a playboy var...