03

8 0 0
                                    

"The school will be closed until we can confirm the safety of our students. Thank you for your understanding." Basa ko sa announcement na pinost sa group page ng school namin.

Napabuntong-hininga ako. Ano nalang gagawin ko?

Tinignan ko ang orasan at nakita na 10:30 AM na. Nagpanic pa ko kanina kasi akala ko late na, buti nalang at nakita ko yung announcement before pa ako nakaalis.

Dapat masaya nga ako na walang klase, like every other student. Pwede naman akong magstudy, pero first day pa nga lang kahapon! Sa first day pa talaga nagkasunog.

"Hay..."

"YEN GISING NA!"

Nagulat naman ako nang marinig ang boses ni Pau. Ba't andito pa siya?! Dapat nagsisimula na nga yung klase niya ngayon!

Agad akong tumayo at pumunta sa pinto, binuksan ko ito at nakita ko si Pau na may dalang dalawang takip ng kaldero.

"Good Morning, Yen!" Sabi niya sabay paluin ang dalawang takip ng kaldero.

Napatakip ako sa tenga nang ginawa niya yun. Ano ba trip niya?

"Ba't andito ka?"

"Bakit? Condo ko kaya 'to, bawal na ba ako dito?" Sabi niyang nakahalukipkip.

"Ay, di naman ganon, may klase ka kasi diba? Dapat nandun ka na sa school!" Sabi ko habang nakapameywang.

"Ay yun ba, di muna ako papasok, hihi."

Sabi niya atsaka sabay umalis sa harap ko, sinundan ko naman siya ng tingin. Bakit di siya papasok? For sure mapapagalitan siya ni Tito!

Binalikan naman ako ng tingin ni Pau. "May Mcdo pala, kain tayo!"

Mcdo? Tapos na ako kumain ng breakfast, pero kakain parin ako basta Mcdo!

Sumunod ako kay Pau papuntang kusina, natapilok pa nga ako dahil nasobraan ako ng excitement! Minsan lang naman kasi ako nakakain sa labas, kaya sobrang blessed ako na meron si Pau, mabait na siya na kaibigan, may libre Mcdo ka pa talaga!

Lumaki ang mga mata ko nung nakaabot na kami sa kusina.

"Hoy ang dami naman nito!"

Sabi ko nang makita ang buong lamesa na napuno ng Mcdo, may pizza pa na sobrang laki!

"Nakalimutan ko kasi sabihin sayo na tuwing Tuesday may pinapadala si Daddy  na food dito hehe." Sabi niya bago umupo at buksan yung pizza.

"Pero ba't naman ganito kadami?"

"Syempre, alam niya kasing nandito ka, kaya binoggahan niya na!" Sabi niya bago kumagat sa pizza.

Naku, kung every Tuesday may ganito, for sure lalaki ako nito! Di bale, food is life!

Agad naman akong umupo at kumuha ng isang bff fries. Noon ko pa talaga paborito ng fries, yan talaga yung cravings ko!

"Yen, magshopping kaya tayo?"

Napalingon ako kay Pau na may fries pa sa bunganga, tumango naman ako sa kanya.

"Paborito mo talaga ang fries no? Sasabihan ko si Dad na fries nalang lagi ang ipapahatid niya!"

Agad naman akong nabilaukan, tumayo agad si Pau para kunan ako ng tubig. Nandito na nga ako naninirahan sa kanila, tapos magpaparequest pa ako, nakakahiya naman!

Dumating na si Pau na may dalang tubig, ininom ko naman ito agad.

"Ano ba nangyari sayo? Namention ko nga lang na sasabihan ko si Dad—"

Nabilaukan ako ulit, ngayon, dahil naman sa tubig! Nilapitan agad ako ni Pau.

"Huy! Iba na yan ah! Bakit nabibilaukan ka tuwing naririnig mo si Dad—"

"Di ganon!!" Sabi ko habang hinihingal.

Parang tinakbo ko yung buong bansa! Nakakatakot naman talaga kasi si Tito, nakakahiya naman kasi! Mamaya iisipin ni Tito na pera lang at pagkain ang habol ko sa kanila!

"Basta wag mo sasabihin kay Tito ah! Okay nako sa kung ano man ang blessings na dadating." Sabi ko kay Pau.

"Blessings....pfft."

Nagulat naman ako sa narinig ko.

"Pau?"

"Ah wala, wala. Basta mall tayo ah!

Tumango ako sa kaniya at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. Di si Pau yung nagsalita nun, parang....ibang tao.

...

"Ito nalang kaya! Hmmm, ang bango naman!" Sabi ni Pau habang inaamoy yung perfume na nakalagay sa shelf.

"Amoyin mo, Yen! Feeling ko bagay sayo 'to!"

Inilapit ni Pau ang perfume sa ilong ko, tapos ay binigay niya ito sa'kin, bigla namang narelax yung buong katawan ko. Ang galing! Parang stress reliever yung perfume.

"Ang bango! Magkano kaya 'to?"

Inikot ko yung perfume para makita ang price, pero wala akong nakitang nakadikit na tag. Hinanap ko agad si Pau, nagulat nalang ako na nasa counter na siya, may dalang isang basket.....na puno ng kandila?

"Pau!" Sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kaniya.

Nilingon naman ako ni Pau, at agad akong nginitian.

"Tignan mo! Nakahanap ako ng scented candles!" Sabi niya habang pinapakita ang dala niyang basket na puno ng candles. Mahilig talaga sa mga scented things si Pau, pati nga yung hiniram na Avon na magazine ay inangkin niya na, yung puwede mong maamoy yung perfume kahit nasa page lang.

"Anong gagawin mo jan?"

"Sisindihin..?"

"Di ganon yung ibig kong sabihin! Di bale na! Bibilhin ko sana 'tong perfume kaso walang price tag." Sabi ko habang pinapakita yung perfume na binigay niya sa akin kanina.

"Ah yan, tag 15,000 pesos lang yan."

Lumaki ang mga mata ko. LANG? LANG???!

"Bibilhin ko rin yan eh, nandito na nga sa basket, pero nasa pinakailalim, sandali kukunin ko muna." Sabi niya bago hinalungkat yung basket niyang puno ng kandila.

"A-Ahh wag na Pau! Babalik ko muna 'tong perfume sa lagayan."

"Huh? Anong ibabalik, akin na nga yan, sasabay ko na 'to sa'kin." Hinablot niya agad ang perfume sa kamay ko.

Nagulat naman ako. Para siyang pusa kung gumalaw, buti nalang at di mataas yung kuko niya! Kasi kung mataas, baka nasugatan niya na ako nung hinablot niya sakin yung perfume!

"Okay lang ba, Pau?"

"Oo naman, no! Wag ka ng mag-aalala!"

Napatingin ako sa tiles. Sobra na yata kung siya pa pababayarin ko, ang mahal panaman ng perfume. Nakatira ako sa condo niya, nalilibre pa ako ng pagkain, siya pa talaga nagbayad ng hospital fees nung bruha, sobra na yata ako.....

"Wag nalang, Pau! Di ko din masyado gusto yung amoy eh." Sabi ko habang kinuha yung perfume sa basket.

Agad namang napalingon si Pau, nagtagpo yung dalawa niyang kilay.

"Sure ka?"

Tumango ako sa kaniya, napabuntong-hininga naman siya.

"Sge, ikaw bahala."

Nginitian ko siya bago naglakad papalayo. Di pwedeng naka-asa ako lagi sa kaniya, I have to face my own obstacles.

The ZodiacsWhere stories live. Discover now