Chapter 1

35 2 0
                                    

Kring! Kring! Kring! Alas 7 ng umaga hudyat na upang bumangon si Mikaela. Malapit lamang ang kanilang paaralan sa kanilang bahay kaya't isang oras bago magsimula ang kaniyang klase na ito nag aalarm.

"Mikaela! Gising na!" Pasigaw na sabi ng kanyang ka dorm at kaklase na si Terry. "Hindi ka ba naririndi diyan sa alarm mo? Imbis na ikaw ang magising ako ang taga-gising sayo, bumangon ka na kaya!" Naiinis na sabi nito sa kaibigan.
"Ang daming sinabi ah! Ito napo kamahalan nanginginig pa!" Pabirong sagot nito habang sinusuot ang hello kitty na tsinelas na binigay sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Tom.
Mula pagkabata si Tom na ang palagi niyang kasama kung hindi nga lang sila magkaibigan mapagkakamalan ng bawat makakakita sa kanila na may relasyon sila. Dahil narin sa malambing na pag trato ng binata kay Mikaela. Body guard, ayon sa mga kaklase nila gustuhin man ng ibang mga binatang manligaw kay Mikaela ngunit wala ng pagkakataon upang malapitan ang dalaga dahil si Tom ang lagi nitong kasama.
Alas 8 ng umaga saktong dating ni Mikaela sa computer laboratory nila ngunit mas naunang dumating ang teacher niyang si Mr. Tayco.
"Mikaela!" Sambit ng ginoo. "Tila napapadalas ata ang late mo! Makakaapekto yan sa grades mo running for Valedictorian ka pa naman. Maupo ka na at mag-uumpisa na ang final exam niyo"
"Sorry po teacher hindi napo mauulit" nahihiyang sagot ng dalaga dahil alam niyang lahat ng mata ay nakatingin na naman sa kaniya. Araw-araw nalang kasing nahuhuli sa klase si Mikaela.
Palihim na sumusulyap si Tom sa kaibigan na tila naaawa sa tinuran ng teacher nila kay Mikaela. Pagkatapos ng isa't kalahating oras na ibinigay sa kanila upang tapusin ang ang pagsusulit, dali-daling nilapitan ni Tom si Mikaela.
"Tara Best canteen tayo.!" Sabay abot ng baunan sa sa dalagang tila nakatingin sa kawalan. "Nagluto si Mommy ng spaghetti alam kong favorite mo yun kaya pinagtabi kita." Pag-aamo ng binata sa nakasimangot na kaibigan. "Tara na hindi na masarap to pag malamig na, dali habang mainit pa." Sabay kuha ng bag ng dalaga at hila sa malambot na kamay ng kaibigan na para bang walang naririnig. "Wait lang naman best, para naman akong bata niyan sa ginagawa mo.!" Hindi natutuwang sabi kay Tom ni Mikaela. "Eh kasi naman kanina pa ako nagsasalita dito, pero parang wala ka naririnig.! Anu bang iniisip mo? Yung sinabi ni Sir? Eh wala ng bago dun eh! Kaya kalimutan mo nayun kumain nalang tayo nagugutom na ako di ako nakapag breakfast kakamadali kanina." "Naku! Tara na nga! Baka malate na naman tayo nito mamaya." May pagdadabog na tayo ni Mikaela. "Yes! Salamat naman at nakaramdam sa oras." Pabulong na sabi ni Tom. "Anong sabi mo?" Pabulyaw na tanong ng dalaga. "Ha? Anong sinasabi? Sabi ko gutom na ako, kaya't halika na po kamahalan." Sabay yoko na parang Reyna ang kausap niya.
Sa Canteen...
Parang mga bubuyog na namang nagbubulungan ang mga taong nakapaligid sa kanila ngunit sanay na sanay na dito ang magkaibigan. Dahil sa araw-araw na kakain sila daig pa nila ang mga artistang pinagchichismisan ng mga ka eskwela nila. Gwapo si Tom medyo mukhang nerd nga lang dahil sa makapal na grado ng salamin nito. Marami ding nagkakacrush sa binata dahil bukod sa gwapo, matalino at mabait pa ito, perfect gentleman sa kabuuan. Batid ni Mikaela na may mga nagkakagusto kay Tom ngunit walang panahon ang binata sa mga kababaihan sa school nila dahil kay Mikaela lamang ito palaging sumasama. Kaya alam niyang wala pa sa isip ni Tom ang manligaw at magkanobya.
"Best wait lang kukuha lang ako ng water." Paalam ni Tom sa kaibigan." "Sige, bilisan mo ha?" Paglalambing nito sa binata.
Habang naglalakad ng biglang,
"Oh my goodness! What's wrong with you? " pabulyaw na sabi ng makisigbat matipunong lalaki, si Marty. Ang campus crush sa school at anak ng Director ng school nila. Natapon ang pagkaing bitbit nito ng magkabanggaan sila ni Tom ng hindi sinasadya.
"I'm so sorry, it wasn't my intention Pare it is just an accident.!" Pakumbabang sabi ni Tom sa kaharap na may kunting takot na mababanaag sa kanyang mukha.
"Was not your intention? Do you expect me to believe that?" Nanggagalaiiting sabi ni Marty. "Anu bang poblema mo? I said sorry already, so if you don't mind please stop shouting on me!" Depensa ni Tom sa sarili dahil ramdam niyang napapalibutan siya ng mga kaibigan ni Marty na tila naghahamon ng away.
"Anung poblema Tom?" Tinig ni Mikaela sabay hawak sa braso na may halong pag aalala sa kaibigan. "Wala best, let's get out of here! Baka maging big deal pa ito." Sabi ni Tom na parang may pinaparinggan. "Let's go guys! Hindi pa tayo tapos Tom!" Pagbabanta ni Marty sa binata. "See you again Nerd!" Pangungutyang sabi ni Marty kay Tom, sabay saludo na may halong pang aasar sa magkaibigan.
"Hala feeling si kuya! Kala mo kagwapuhan maputi lang naman." Naiinis na sabi ng dalaga habang pinupulot ang plastic cups na nalaglag noong magkabungguan sina Tom at Marty. "Yaan mo na, wag mo ng pansinin, abot hanggang langit ang kayabangan nun!" Sabi nito sa dalaga habang pinupunasan ang eye glasses niya na nabasa kanina.
"Halika na, kain na tayo! Kaya pala ang tagal mo may shooting pa pala kayo! Pagbibiro ni Mikaela sa kaibigan.

Pagkatapos ng klase dumaan muna ng library si Mikaela. Sa pagkakataong ito hindi niya kasama si Tom dahil may group study daw sila ng mga kagrupo nito sa final project nila. Tahimik na nag iisip si Mikaela. Hawak hawak ang ballpen habang kumakain ng candy. Sinasariwa ang tagpo kanina na nasaksihan niya sa pagitan ng best friend niya at ng estranghero kanina. "Sabi kanina ni Tom mayabang daw yun, eh di ibig sabihin kilala siya ni Tom. Anong year na kaya yun? Mukha kasing ahead sa amin pero in fairness good looking si kuya ah antipatiko nga lang.!" Nasasambit ni Mikaela sa isip niya. Hindi maalis sa isip ng dalaga si Marty na kahit hanggang sa makauwi na ng bahay at habang nakahiga sa kama ay hindi mawaglit sa isipan niya ang makisig na binata. "Naku! Naku! Naku! Bakit ko ba iniisip yun eh ang sama sama naman ng ugali nun! Kahit kamukha niya pa si Sam Milby hindi siya ang tipong lalaki na sasagutin ko kahit manligaw pa siya sa akin. Pabulong bulong na sabi ng dalaga habang sinusuklay ang mahabang buhok niya. "Erase! Erase! Erase!" Naguguluhang sabi ni Mikaela habang patuloy na nagsusuklay.
Chapter 2
Araw ng Sabado, Sa Dorm, 2 days left before their much awaited graduation ball,
"Grabe excited na ako sa gradball sis!" Kinikilig na sabi ni Tere kay Mikaela habang kinukuha ang mga damit na nilabhan niya. "Sana isayaw ako ng crush ko! Ikaw sino ba crush mo? Sabagay si Tom nga pala escort mo for sure wala na namang makakalapit sayo para kasing hunyango yun kung makadikit sayo. Kung di nga lang kayo magkaibigan iisipin ko boyfriend mo yun eh." Kaya tuloy daming girls ang bitter sayo." Pagtatapat ni Tere sa kaibigan. "Ha? Bakit? Bakit ako?" Gulat na tanong ni Mikaela. "Oo nabasa ko kaya sa cr ng mga girls yung bitterness nila sayo na kesyo mang aagaw, malandi, haliparot basta lahat ng mga salitang di mo gugustuhing marinig, nabasa ko dun, napabili nga agad ako bigla ng acetone para di na mabasa ng iba." Pagbubunyag ni Tere. "Uy sis thanks ha?" Di ko akalaing ginawa mo yun. Sana di mo muna binura para nabasa ko at naireport ko sa guidance." mahinahong sabi ng dalaga habang tinutulungang magtanggal ng mga hanger si Tere "Para anu? Para masaktan? Kilala kita Ela sa ilang taon na magkasama tayo sa dorm kilalang kilala na kita." Sabi nito ki Ela habang namamalantya. "Wag mo ng pansinin ang mga yun. Wala ka namang mahihita sa mga bruhildang yun kung sino man sila. Ang mahalaga dapat maganda tayo sa Monday, may papahiram ako sayong evening dress im sure bongga ka dun sis at ang mga bitter for sure lalong magiging bitter. "Wow talaga sis? Naku thank u talaga! Nakakahiya man pero hindi ko tatanggihan yang alok mo." Masayang sabi nito kay Tere. "Sus, Wala yun, para maliit na bagay." Sabay tapik ng kamay sa hangin.
"Mikaela!" Tinig na nagmumula sa baba, si Ate Lida Landlady nila. "May naghahanap sayo, Tom daw!" Patuloy na pasigaw na tawag nito sa dalaga. "Andiyan napo!" Nagmamadaling bumababa ng hagdan.
Si Tom nga. May dala dalang isang malaking puting kahon at paper bag na may tatak na Celine. Nakita niya sa unang pagkakataon na nakasuot ng maikling short ang kaibigan at sleeveless na kulay puti, nakapusod ang buhok na may ipit ng damit sa ulo, messy hair pero sa kabila noon kitang kita padin ang napakagandang mukha ng dalaga. Tila natigilan si Tom na para bang nasa slow motion mode ang tingin niya kay Ela habang tinatanggal nito ang ipit sa buhok habang bumababa.
"Tom! Anyare sayo? Bakit parang nakakita ka ng multo? Gabing gabi na ah bakit napadaan ka yata dito? Pagtatanong ni Ela sabay upo sa tabi ng kaibigan. "Ah..Eh..napadaan kasi sila mommy sa coffee shop malapit dito sa dorm niyo kaya sabi ko sasaglit lang muna ako." Pautal utal na sabi ni Tom sa dalaga. "Ang dami mong dala para sakin ba yan? Pabirong tanung nito sa kaibigan. "Hindi no! Anu ka sinusuwerte? Naiwan kasi kila mommy yung susi ng car kaya diko na naipasok sa sasakyan kanina." Pagsusungit nito sa kaibigan. "Dumalaw lang ako para iabot narin yung classcards mo. Nakita ko kasi kaya kinuha ko narin since na sa akin naman ang permit mo." Sabay kuha ng cards sa dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

God Gave Me YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon