And if my wishes came true. It would've been you.
I persist and resist the temptation to ask you
If one thing had been different
Would everything be different today?When everyone moved on but not you. It's hard when everyone thought you no longer have space in my heart, but little did they know, I reserve this special space that only you can fulfill in a life time; just in case you decide that you want to come back. Just in case.
I know that I can't be like this in forever, however every time I look at you, there's a pain that I cannot explain. Like right now, I'm staring at you and it feels like you didn't notice me.
There's something in my head saying 'Please look at me' but like before, it feels like you didn't get me.
"Enough na 'yan, baka matunaw na pero hindi ka parin pinapansin." Lumingon ako sa nagsalita sa likod ko. Si Isa pala. Ngumiti lang ako at nag patuloy sa drills.
I need to focus. For sure distracted din si Deanna sa game namin ngayon dahil madami na naman mag i-issue sa kaniya at kay Jema.
Tumingin ako sa paligid, puno na naman ang arena. Of course, it's Creamline vs. Choco Mucho. I should not let them down for sure marami sa kanila ang dumayo pa at galing pa sa malalayong lugar para lang makita kami mag laro. Ayoko sa lahat ay 'yung may na d-disappoint sa'kin. Captain pa naman ako.
After quick huddle, lumapit sa'kin si Kat.
"'Wag ka masyadong ma-bothered na and'yan siya ah. Basta, kapag kailangan mo ako, magsabi ka lang. 'Wag mong solohin 'yan, Bei." Niyakap niya ako pagkasabi niya no'n.
"Thank you, oo sasabihan kita. Tara na, 'wag mo ako masyadong alalahanin. Malakas ang kalaban natin ngayon. Pakita natin kila Ate Ly na mas lumakas na tayo." Masayang sabi ko sa kaniya habang naglakad papasok ng court dahil mag uumpisa na ang laban.
Umiling iling lang siya saka naglakad na rin papalapit sa'kin.
Nag simula na ang laban, as expected, lumalamang agad sila ate Ly pero hindi namin hinahayaan na matambakan kami. Nakakatuwa lang tingnan na kapag nar-receive ni ate Den 'yung mga palo ni ate Ly eh nag aangasan silang dalawa. Grabe din 'yung AlyDen, kinikilig na naiinggit ako sa dalawang 'to eh. Ganito rin sana kami, sayang.
Hindi maiwasan na lumingon na naman ako sa gawi niya. Nakita ko siya na natawa habang kausap si Jaja. Ganyan din siya tumawa tuwing kausap ako dati.
"Stop na, Bea. Ang korny na ng mga joke mo." Natatawang sabi niya habang tinatakpan ang mukha niya.
"Korny pero napapatawa ka, okay na ako doon." Iba talaga 'yung pakiramdam kapag nakikita ko siyang masaya lalo na kung ako 'yung dahilan.
"Kasi naman 'yung mga jokes at kwento mo mas malala pa sa Dad jokes eh. Saan mo ba nakukuha 'yung mga 'yan."
"Sorry, I'm natural." Mayabang sabi ko sa kaniya. Ang totoo n'yan kapag may naiisip akong joke at hindi kami magkasama, tinetake note ko para hindi ko malimutan at nirereserve ko para siya ang unang makarinig. Minsan naman kapag may naririnig ako or napapanuod, minemake sure ko na sasabihin ko agad sa kaniya.