Chapter 1
EDEN NATALIE ALBRECHT
Kanina ko pa sinisipa-sipa ang mga maliliit na bato sa paanan ko habang tinitingnan ang mga taong pumapasok sa gate ng school. May hinihintay kasi akong tao. Tiningnan ko ang relo at saktong 8:00 AM na. Mga gantong oras yun pumapasok eh. Tumayo na ako at tinabihan si Manong Guard na busy kakacheck ng mga bags ng students.
"Oh hija kanina ka pang 6 dito ah, wala pa ba yung hinihintay mo? Nauna ka pa ngang dumating dito kesa sakin," bigla ay tanong ni Manong Guard nang mapansin niya ako sa tabi niya.
"Padating na yun manong, nararamdaman ko na siya," tawa ko pa. Natawa nalang din si Manong Guard sa sinabi ko at napailing. Todo silip pa rin ako sa labas ng gate, hanggang sa nakita ko na ang pamilyar na sasakyan.
"Ayan manong nandito na siya, sabi sayo padating na yun eh hihi bye kuya!" paalam ko pa at patakbong nilapitan ang sasakyan. Nakagat ko pa ang labi sa sobrang excited kong makita ang mukha niya.
"Oh em, he's here na girls! Kyaaaah!"
"He's so pogi talaga huhu!"
"Eeeekkkk! True! Super rich pa!"
Rinig kong tilian ng mga babae sa likuran ko nang lumabas na siya sa kotse niya.
"KEANUUUUU!" tawag ko sa pangalan niya and as usual, girls at my back glared at me.
"Oh my ghad, she's here again guys."
"When will she stop? Gosh!"
"She's so pathetic na, I used to admire her pa naman"
Maarteng sabi ng mga marites sa likuran ko but I didn't mind them.
Lumapit ako kay Keanu at inangkla ang braso ko sa braso niya, na as asual, automatic niyang inalis.
"Good morning Keanu! Hihi namiss kita, dalawang araw kong hindi nakita ang gwapo mong mukha," ngingiting-ngiting sabi ko. Sinubukan ko ulit iangkla ang braso ko sa kanya pero mabilis siyang naglakad. Tsk! Sayang!
"Uyy sabay na tayo!!" habol ko sakanya.
"Leave me alone," he said, annoyed. Nakagat ko ang labi habang tinitingnan ang kaniyang papalayong likuran. I heave a sigh and tap my left shoulder. "Don't give up self. Aja!" Hinabol ko si Keanu. At nang maabutan ko siya ay dinaldal ko siya nang dinaldal kahit na ang sama-sama ng tingin niya sakin at ng mga babae sa paligid. Kahit na ganito, I can say na worth it ang paggising ko ng maaga at paghintay ko ng dalawang oras sakanya. Kahit masama at iritableng mga tingin ang pinataw niya sakin ay okay lang, at least ako tiningnan niya, yung iba hindi. Diba?
"Have a good day ahead, Keanu! Payting!" pagchecheer ko pa sakanya bago ako pumunta sa upuan ko.
But then I heard him whispered in an annoyed voice, "How could I have a good day when your ugly face was the first thing I saw this day."
I bit my lips when I heard that. But then again, I am used to his insults na rin naman. Or am I? Really?
I suddenly felt a tap on my shoulder, it was Kealla, my best friend. I smiled bitterly at her. Narinig niya rin yata yung bulong ni Keanu.
"You're pretty, babe," she said, cheering me up.
"Hm, I know."
Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ko. No, I can't give up just like this. I've been chasing him for 2 years now and tulad nga ng sabi ko, I am used to his insults na. I'll just bear his insults and move on. Yes, this will do.