Chapter 23

1.3K 58 5
                                    

Chapter 23

Shan's p.o.v

Weeks had passed at bumalik na sa dati ang lahat nailibing na si ate sa isang private cemetery, si daddylo naman ay bumalik na sa states at binilin nalang kami kay butler zeron, nag stay na ulit kami sa apartment ni luna at tuwing gabi naman nandito sila butler zeron para bantayan kami sa gabi

Balik school na din kami at lunes ngayun at nandito kami ngayun sa school, sa loob din ng isang linggo nabubully nanaman kami pero hindi ganon kalala gaya ng naranasan namin sa dati naming school

Nag aalala din ako para kay luna dahil magkahiwalay kami ng room at building paano nalang kung saktan siya tapos wala ako sa tabi niya?

Hindi ko gugustuhin na masaktan ulit si luna lalo na't wala na ngayun si ate, inaamin ko hindi ko pa din tanggap pero kailangan kong magpakatatag para kay luna dahil siya nalang ang natitira sa'kin

Si daddy at mommy naman ay parehas nang nasa Russia, pinagsama na sila dun ni daddylo para magkaayus sila at linawin ang mga nangyari sa pagitan nila

At kami ni luna? Nandito naiwan nanaman, napabuntong hininga ako bago tumingin sa harap, wala kaming subject ngayun dahil sa biglaang meeting ng mga teachers

Tumayo ako at kinuha ang bag ko at derederetsong lumabas para puntahan si luna, yayayain ko nalang siyang kumain dahil kaninang umalis kami sa bahay ay hindi siya kumain

Nawalan siya ng gana sa mga bagay-bagay at lagi nalang nagkukulong sa kwarto kung minsan at hindi pa ito lumalabas para kumain

Nag iba din ang mga kilos niya at lagi nalang tulala sa kawalan, siguro ay iniisip niya pa din si ate kaya ganon siya, hindi ko naman siya masisisi dahil si ate ang nag alaga at nagpalaki sa'min

Patapos na ang buwan na ito at pagkatapos non ay madami nang aasikasuhin dahil ang susunod na buwan ay ang pinaka engrandeng birthday party namin ni luna

Si daddylo na ang umaasikaso sa lahat at siya na din daw ang bahala para sa mga bisita, ako naman ay kailangan pilitin si luna kung sino ang mga kukunin niyang 18 roses na isasayaw siya

Si daddylo na din kasi ang namili para sa 18 gift, candles at iba pa habang ako tanging sa 18 roses lang, matagal pa naman ang debu qat ang gusto ko lang ay kasama si luna na kakambal ko at si daddylo at ate.

Pero impossibleng makasama pa namin siya sa birthday namin dahil wala na siya, wala na din yung mga pangako niya na makakarating siya sa birthday namin ni luna

Yung pangako niya na mamasyal pa kami sa amusement park at kakain ulit ng street foods, lahat yun wala na, wala na kaming pinanghahawakan na pangako dahil wala na siya

Yung ate namin na handa kaming protektahan kahit ang kapalit non ay ang buhay niya, ang ate namin na inalagaan at pinalaki kami na may prinsipyo sa buhay, ang ate namin na nilayo kami sa kapahamakan at ginawa ang lahat maging ligtas lang kami, at higit sa lahat ang ate naming pinakamamahal namin.

Muli ay napabuntong hininga ako bago kumatok sa pinto ng classroom nila luna, bukas naman yun pero kailangan ko pa din magbigay ng galang, halos lahat ng kakalase niya ay napatingin sa'kin pero siya ay tulala lang habang nakatingin sa labas ng bintana at umiiyak nanaman siya

Gabi-gabi ay umiiyak siya dahil sa namimiss na niya si ate, alam ko yun dahil gabi-gabi ay sinisilip ko siya sa kwarto niya at dun ko palagi nasasaksihan na tuwing gabi ay umiiyak siya habang hawak ang picture frame kung saan nakalagay ang letrato ni ate na nakangiti at naka peace sign

Bata pa siya duon at binigay yun ni daddylo sakaniya bago siya umalis pabalik sa states

Naglakad ako papunta kay luna at tumayo sa harap nito at pinunasan ang luha niya, humarap naman ito sa'kin bago nag iwas ng tingin at pinunsan ang mukha niya bago huminga ng malalim

Bullying The Siblings Of The Mafia Lord/Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon