Ian's POV
Nakatulog si Irish sa sofa sa sala.
Kanina nagdabog pa nung hindi ko siya pinayagang umalis ng bahay.
Tapos hindi ko rin nagustuhan yung inasal niya kanina kay Janice.
She's my bestfriend simula nung mga bata pa kami.Sa Canada kami naka-base dati when i was young pero di naglaon umuwi rin kami ng pilipinas.
Sweet lang talaga si Janice sa akin.
Hindi naman kaya nagselos tong si Irish?
Baka nga.
Umupo ako dun sa dulo ng sofa.
At inilagay ko yung mga paa niya sa lap ko.
Ang himbing ng tulog nito ah.
Ang ganda niya talaga.
Mas lalo siyang gumanda nung nagbuntis siya.
Hinawakan ko naman yun tiyan niya.
Medyo malaki na yung tyan niya eh.Magtotwo months na.
"Baby boy or baby girl ka?" sabi ko habang hinihimas pa rin yung tyan nung Mommy niya.
Excited na akong lumabas ang baby namin.
Nagpapasalamat talaga ako kay Irish kasi she knows that this baby eh bunga ng kabaliwan ko sa kanya, and she never tried to hurt this baby.
Yung iba kasi diba pinapa-abort.
Pero siya blessing pa rin ang turing niya sa baby namin.
"Hay. Basta it doesn't matter kung boy ka or girl. Ang mahalaga mahal na mahal ka ni Daddy, baby" parang pinapakiramdaman ko yung baby sa loob ng tyan niya. Blood palang siya for now,pero after ng ilang months magiging malikot na siyang baby sa womb ni Irish.
At ayan ang hinihintay ko.
"Hey! ang lakas mananching ah." napaangat naman ako ng tingin kay Irish.
Gising na pala siya.
Naramdaman niya siguro yung paghawak ko sa baby namin.
"Tss.Hindi. Hinahawakan ko lang si baby." kahit kelan talaga tong si Irish eh,madumi ang isip.
"Weh si baby daw?Tyan ko kaya yan.Nasa loob si baby paano mo siya mahahawakan? Tss. Nanananching ka lang eh!" napatawa nalang ako sa isip ko, grabe talaga ang pagkapilosopo niya.
Hindi ko na siya pinatulan baka magalit pa lalo.
Ganyan ba talaga kasungit pag buntis?
Narinig ko naman na tumunog yung telephone kaya agad ko itong pinuntahan.
Umupo naman si Irish mula sa pagkakahiga niya sa sofa.
"Hello?" -ako
"Ah oh. sige po, sasabihin ko nalang kay Irish."
"Ngayon na po ba?"
"Oh sige po Mamita."
Tapos in-end niya na yung call.
Tumawag si Mamita, hinahanap niya si Irish.
Nakakunot naman yung noo ni Irish pagkabalik ko sa sofa.
"Ano daw yun?" tanong niya ng makaupo ako sa tabi niya.
"Hinahanap ka lang." maikli kong sagot.
"I know.I mean she's not going to call if it wasn't important right?So spill it out?" mataray na sabi nito.
"Drop by to your house daw sabi niya."
"Weh?" nasasanay na siya sa pambabara sakin ah. Para talaga siyang bata.
Well mas bata nga talaga siya sa akin ng dalawang taon.
"Irish you're not a kiddo anymore, act like a 23 year old girl." eh kasi di ba ang pangit tingnan ng ganun.
Asal bata.
"Whatever!" then she flipped up her hair. "Nothing to say?" pagpapatuloy nia.
"Yun nga daw, pumunta ka daw sa bahay niyo ngayon na." pagpapaliwanag ko.
"Ayoko nga." sabi nito at akmang hihiga ulit sa sofa.
Pero hinila ko siya para hindi siya makahiga.
Hindi pwedeng hindi niya bisitahin yung lola niya.
"Ano ba? ayoko nga pumunta eh." inis na sabi niya.
"You should go there, inaasahan ng lola mo na pupunta ka dun."
"Instead of forcing me, why dont you go there?!Close kayo di ba?"
"Eh.. ikaw nga daw ang hinahanap ng lola mo.eh" naiinis ko na ding sabi sa kanya.
Kapag ayaw niya talaga ayaw niya.
Kahit galit siya sa lola niya hindi naman pwedeng hindi niya ito bisitahin.
"Bakit ba pinipilit mo ako? And besides she never treated me what lolas did to their apo." may hinanakit na sabi nito.
"After all, she's your grandma kaya pumunta ka na dun." pagpipilit ko sa kanya.
"Oo na!" hay salamat naman at pumayag na siya.
Tumayo na siya at lalabas ng bahay.
"Are'nt you gonna change your clothes?" eh kasi aalis agad walang palit-palit ng damit.
"Bahay din naman pupuntahan ko eh."pagdadahilan nito.
Dumaan siya sa drawer at kinuha yung susi ng kotse.
Sumunod naman ako sa kanya.
Gusto ko sana siyang samahan pero naisip ko she needs a quality time with her Mamita.
Irish's POV
Badtrip na talaga ako sa kanya.
Ayoko ngang pumunta sa bahay ni Mamita tapos pinilit pa ako.
Hindi ko pa rin nakakalimutan na pumayag si Mamita na ikasal ako sa lalaking yun.
Nakakainis talaga.
Kaya ito ako ngayon nagdadrive papunta sa bahay namin.
Kung saan ako nakatira dati.
Nagugutom na talaga kami nang baby ko.
"Baby anong gusto kainin?" sabi ko sabay himas sa tiyan ko at yung isang kamay naman nasa manobela.
Craving for something.
Parang gusto kong kumain ng fishball,itlog pugo at kwek-kwek.
I want that!
Since badtrip ako!
Im not going to Mamita's house. Hahanap ako kung saan ko pwedeng mabili yun.
Pero bakit yun ang gusto kong kainin?
Hindi naman sa nag-iinarte ako pero bakit parang hayuk akong kumain nun.
Nakalimutan kong buntis nga pala ako. Ai tanga.
Nang makahanap ako kung saan pwede makabili nun eh pinark ko muna yung kotse ni Ian sa kung saan lang.
Its not my first time kumain ng ganun. Kahit naman may kaya kami,i used to eat that when i was a student.
Syempre may nagbebenta sa school nun eh.
"Manong magkano toh?" tanong ko sa Manong na nagbebenta ng fishball at kwek-kwek.
"Dos singkwenta yung kwek-kwek tapos yung fishball eh singkwenta."sabi nung manong.
Infairness malinis ang tindahan ni Manong. Kaya pwede na to baby, hindi tayo malalason nito. Ihihhih.
"Ahmm. eh Manong magkano po lahat yan?"turo ko dun sa mga lutong fishball at kwek-kwek.
Kaso walang itlog ng pugo.
Nagulat si Manong sa sinabi ko pero nakabawi naman agad ito.
"Teka lang bilangin ko lang ah." masayang sabi nito.
Ang galing talaga ng baby ko, naisipan pang kainin eh street food.Maagang makakauwi si Manong para sa mga anak niya.
"Bakit Miss?"tanong ni Manong nung mapansing nakasimangot ako.
Eh kasi naalala ko yung sabi ni Papa eh. Babalik daw siya para sa akin pero hanggang ngayon wala pa siya.
"Ah wala po.Magkano na po ba?" tanong ko ulit.
"P250 po Miss."
"Ah ito po yung bayad." sabay abot nung 500 peso bill.
"Salamat Miss ah, maaga akong makakauwi sa pamilya ko nito."sabi nito habang inaayos yung sukli.
Ibinigay na niya yung isang plastic na may laman na binili ko.
"Miss ito sukli mo"
"Naku manong keep the change nalang po." ang bait niya kasi eh. Siguro mabait din siyang ama.
"Salamat talaga ah." ani nito habang itinutulak palayo yung bike niya.
Naglakad na ako pabalik sa kotse nang mapansin kong nasa isang park pala ako.
Kaya pala maraming bata.
Umupo muna ako sa isang bench dun.
Binuksan ko yung plastic at mag-isang kumakain dun.
Parang patay gutom akong kumakain dito, pero wah pakels.
Nagugutom kami ni Baby eh!
Ngayon ko lang nakita tong park na to.
Makikita mo dito na madaming bata na kasama nila yung family nila.
Tapos dun sa may bandang dulo nakita ko yung isang family.
Ang gaganda nang mga anak nila.
Sa bagay gwapo at maganda din yung mga magulang.
They are happy.
Namiss ko tuloy si Mama at Papa.
Ah.. Erase erase.
Si Mama lang ang namimiss ko! Tss.
Kumain nalang ako ng kumain.
Grabe ang sarap ah.
Lasang kamay ni Manong yung fishball.
Joke:)!!
Ang sarap talaga!
Biglang may lumapit sa akin na bata.
"Ate,pahinge po kanina pa ako hindi kumakain eh."sabi nung bata.
Base sa suot niyang punit-punit at puno nang grasa ang katawan niya eh batang palaboy nga siya.
Since kanina pa ako kain ng kain at halos maubos ko na yung kwek-kwek at fishball eh,inabot ko na dun sa batang namamalimos yung natira kong pagkain.
Nakakaawa naman siya.
At walang hiya yung mga magulang niya bakit siya pinabayaang mag-isa.
Aanak-anak tapos hindi pala kayang buhayin.
"Salamat po ate." sabi nito.
Iniwan ko na yung bata dun sa park at binalikan yung kotse kung saan ko pinark yun.
May katabi nang isa pang sasakyan yung kotse ko.
Wow. FORD FIESTA!
Pagkalapit ko sa FORD na yun,parang naconcious naman ako sa hitsura ko kaya nanalamin ako.
P*KSHHEEEEEEEEEEET! O.O
BINABASA MO ANG
I RAPED HER...(HE RAPED ME)
RomanceA STORY OF A TWO PERSON. ONE IS MAN HATER AND THE OTHER ONE IS TRULY, MADLY,DEEPLY IN LOVE WITH THE MAN HATER.. ISA LANG ANG NAIISIP NI GUY.. KUNDI ANG GAHASAIN SI GIRL PARA MAPASA-KANYA!! HOW.. SELFISH DI BA!!