Kabanata 16

9.1K 246 67
                                    


Kabanata 16


Our supposed wedding day was moved so ate Adriana can come. Nagpasya na lamang kami ng mga kaibigan namin ni Zon na pumunta ng resort para i-celebrate ang birthday ni Thedrigs. Dahil solo namin ang AirBnB type na resort ay talagang all-out ang inuman. Ngayon na lamang din naman makakatikim ng alak si Zon kaya hindi ko na rin pinagbawalan.

"Iyong ex ni Zon, biyaya ng langit," ani Rizza, lasing na kaya kahit na napag-usapan naming hindi na ipaalam kay Zon ang nangyari noong nakaraan ay huli na para pigilan si Rizza.

Zon's brows furrowed. "What?"

Napalunok ako nang tumingin ako sa kanya habang nakapatong sa aking hita ang isa niyang braso. "Ano kasi, na-suspend sina Rizza dahil pinagtanggol nila ako kay Serenity."

Napatuwid siya ng upo. "Bakit hindi mo sinabing inaway ka?"

I sighed. "Babe, hindi na ako bata para magsumbong pa."

"Hindi gano'n, Audrey. If she keeps on harassing you when I'm not with you, hindi ko pwedeng palagpasin 'yon."

"Oy, mamaya ninyo na pag-usapan 'yang tungkol kay Serenity. Nandito tayo para magsaya," paalala ni Darius na nakaakbay kay Margaux.

"Oo nga. Let's just play. Let's get to know each other a little more." Ngumisi si Margaux saka tumingin kay Darius. "Tell us your toxic trait."

Umismid si Jolo na marami-rami na ring nainom. "Tatanungin mo pa kung ano'ng toxic trait niyan, eh buong pagkatao naman niyan, toxic."

Natawa kaming lahat maliban kay Zon na tinungga lang ang bote ng kanyang alak. Bumuntong hininga tuloy ako at naglalambing na sumandal sa kanyang dibdib. "Sorry na. Ayaw ko lang na lumala pa."

He stared at me, parang hindi makatiis lalo na nang halikan ko sa pisngi. Bumuntong hininga naman siya at hinagod ang braso ko. "Don't do that again. Hindi ka pwedeng basta lang apihin ng ex ko. Responsibility ko na siguraduhing lagi kang ligtas."

I smiled when I felt a different kind of warmth wrapped around my heart. Paano ko pa ba ipagpapalit itong lalakeng 'to kung araw-araw na lang akong binibigyan ng dahilan para lalo ko siyang mahalin.

"Ikaw, Audrey? Anong toxic trait mo?" tanong sa akin ni Thedrigs kaya napabaling ulit sa kanila ang tingin ko. 

"Ako? Ano bang toxic trait ko, Zon?" tanong ko sa kanya, natatawa.

Zon smirked. "Ako pa tinanong mo alam mong bulag na bulag ako sa pagmamahal ko sayo."

"'Yon! Puta, bata namin 'yan!" Humalakhak si Darius. 

I jokingly smacked his chest but he snatched my hand and kissed my knuckles. Pabiro ko naman siyang inirapan saka namumula ang mukha kong tinignan ang mga kaibigan namin. "Competitive ako. I think that's my toxic trait. I wanna achieve a lot kapag gusto ko ang isang bagay."

"Alpha female pala 'tong nabingwit ni Zon," kumento ni Jolo. 

Umismid si Rizza. "Hindi naman kami magiging friends na lima kung hindi."

Kumunot ang noo ni Darius. "Oo nga pala, nasaan si Stephanie?"

"As usual. Hindi na naman pinayagan," sagot ni Kylie.

"Eh, akala ko ba siya ang nakaisip nito para hindi sayang ang reservation?" tanong ni Zon.

Margaux smirked. "Normal na sa barkada 'yon. Kung sino pang magaling magplano siya pa ang madalas hindi nakakasama. Siya rin ang pasimuno no'ng birthday ni Audrey."

"Sayang. Plano pa naman sumunod ni kuya," ani Jolo bago nito muling ibinalik ang usapan sa laro. Nang tanungin na ni Rizza si Zon kung ano ang toxic trait niya, ngumisi ang boyfriend ko.

"Mataas ang pride ko. I never beg." Tumingin siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. "Dito lang ako luluhod at magmamakaawa."

"Tangina, magsitulog na nga tayo. Bumibira na si lover boy," ani Thedrigs na ikinatawa naming lahat. 

Zon smirked. "Totoo naman? Kailan ninyo ba ako nakitang nanuyo ng ex ko? Pag-break, break na pero dito, ah puta kahit mag-novena pa ko mula EDSA hanggang bahay nila."

Humalakhak si Darius. "Kaya pala susuotan kaagad ng singsing kahit 'di pa graduate."

"Naman." Tinungga ni Zon ang kanyang bote saka niya ipinirmi ang palad niya sa aking tuhod. "Hindi, seryoso. Iba kasi 'to si Audrey. Baka kung hindi 'to nag-stay sa tabi ko pagkatapos naming mag-usap ni Daddy, baka sa sementeryo kayo nag-iinom ngayon. Bihira na lang ang babaeng mapagtyatyagaan ang lalake kapag hindi ka malakas. Kapag hindi ka maangas. Kahit naman sinong nasa posisyon ko, 'di na pakakawalan 'to."

Napangiti ang mga kaibigan ko habang hindi ko naman napigilan ang mapatitig kay Zon. The sincerity in his eyes was enough to make the butterflies in my belly dance to the beat of my heart. At siya pa lang ang nakapagparamdam sa akin ng ganito. Iyon bang kahit na pinakamaliit na bagay na ginagawa ko para sa kanya ay nakikita niya't sinusubukang suklian sa sarili niyang paraan.

"So wala kang balak na lokohin 'tong kaibigan namin, Zon?" tanong ni Kylie.

Umismid siya. "Pa'no ko pa lolokohin kung wala pa kong karibal, takot na takot na kong may humablot palayo? Cheating is a choice, and it's never gonna be my option, Kylie kaya pwede ninyo 'tong ipagkatiwala sa'kin." Hinilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha. "Puta, lasing na ko. Para na kong sinapian ni Shakespeare."

I giggled softly. Inakbayan niya naman ako habang nahihiya siyang nakangiti, at nang kabigin niya ako upang halikan sa tuktok ng ulo, napansin kong napatitig ang mga kaibigan namin sa aming dalawa. 

Rizza sighed. "Nakakainggit. Sana pwedeng ipa-clone 'tong si Zon."

Darius smirked. "Pinariringgan ka na, Thed."

We laughed and just continued talking about everything we could possibly talk about. Nang hindi na talaga kaya ni Zon dahil tinamaan siya kaagad dahil nakainom na siya kaninang dinner ng gamot, niyaya ko na siyang magpunta sa kwarto namin. 

I shut the door behind us while he's busy snaking his arms around my waist from behind. Inanggulo ko naman ang aking ulo upang bigyan siya ng layang patakan ng mararahang halik ang aking balikat at leeg. 

"Thank you, Babe..." he uttered in a gentle voice.

Sinalubong ko ang tingin niya. "Para saan?"

He drew in a sharp breath while there's a small curve on his lips. "For being my family after Mom died. If it wasn't for you, 'di ko na alam. Baka katabi ko na siya sa sementeryo."

Humarap ako sa kanya at ipinirmi ang mga palad ko sa kanyang batok. "Hindi mo naman dapat ipagpasalamat 'yon. Mahal kita, Zon kaya ako nasa tabi mo. Gano'n ka rin naman, 'di ba?"

"Of course, baby. I'm drunk but I know this is faithful to you," he said, placing my hand on his chest so I could feel his heartbeat. 

Humugot ako ng hininga. "May I ask you something?"

"What is it?" he asked while tucking a few strands of my hair towards the back of my ear.

"What do you think will ever make you quit on us?"

He groaned. "That's never going to happen, Audrey--"

"Kunwari lang, Zon. Sige na, ano sa tingin mo--"

Pinatahimik niya ako ng halik niya at idinala ako sa kama. He went on top of me, and when he stopped kissing my lips, he pinched the tip of my nose before he spoke. 

"Vow to me that you will never ask me that again, and I will vow to you that I will never quit on us."

I sighed in defeat. "Okay."

"Good girl," aniya bago muling sinakop ang aking mga labi sa nakalalasing na paraan.

That night, we made our first vow to each other. 

The vows I didn't realize we'd break someday...

VOW SERIES #1: The Vows We Made (Epilogue Is Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon