Prologue

6 0 0
                                    

"H'wag na po, mahal po 'yong tuition doon. Hindi po sila nag-aalok ng scholarship." Ngumiti ako nang mapait.

"Ano ka ba, 'nak. May ipon na ako para sa kolehiyo mo. Pinaghandaan namin ito ng Mama mo." Pag-aalo sa akin ni Papa.

Mas mabuti sana kung gamitin na lang nila 'yon pambili ng mga bagong gamit nila. Masiyadong mahal 'yong tuition sa university kung saan gusto nila ako ipag-aral. Gusto ko pero may iba pa namang school diyan na hindi mahal ang tuition.

"Hindi lang naman po tuition ang pinoproblema ko, paano po ang tutuluyan ko? Malayo po 'yon dito. Mas hassle po 'yong commute." Kumamot ako sa ulo ko.

Ang daming gastos para sa kolehiyo. Ano kaya sa pakiramdam 'yong walang problema sa pera? Sabi nila, kung masipag ka, yayaman ka. Masipag naman magtrabaho ang mga magulang ko pero bakit naghihirap pa rin kami?

"Maniwala ka, anak. May sapat na pera kami ng Papa mo para sa kolehiyo mo." Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

"Pero po..." Paano kung nandoon nga ako pero masasayang din 'yong mga nagastos dahil hindi naman ako matalino? Masipag lang ako mag-aral. Paano kung mapunta sa wala 'yong ipon nila?

"Pangarap namin 'to, 'nak..." Tumingin ako kay Papa. "Ang makapasok ka sa gano'ng unibersidad, pangarap namin 'yon para sa'yo." Lumambot bigla ang puso ko.

"May tiwala naman kami na pagbubutihin mo ang pag-aaral mo. Kahit gaano pa kalaki ang gastos, para sa'yo naman 'to, 'nak. Para naman sa future mo."

That's it. I finally decided to pursue our dream. 'Yong pangarap nilang makapasok ako sa isang unibersidad  at 'yong pangarap ko na makapag-aral dito sa unibersidad na 'to.

"Excited ako para sa 'yo, 'nak! Nako, natutuwa na agad ako." Tuwang-tuwa si Mama habang tinutulungan ako sa pagtupi ng mga damit ko.

Doon na ako titira sa apartment na nakita ni Papa sa internet. Maliit lang 'yon at kasya na ang isang tao kaya mura lang.

"Isang linggo pa naman po bago 'yong klase. Mas excited pa po ata kayo sa akin," I laughed.

"Siyempre naman! Doon nga rin nag-aaral si Rachel, 'yong pinsan mo."

"Talaga po?" Nagulat ako. Hindi ko alam 'yon dahil matagal na akong walang balita sa kaniya. Matalino si Rachel kaya hindi na ako nagtaka pa.

"Oo, simula Senior High School niya nandoon na siya. Sabihan ko nga siya na samahan ka sa unang klase mo at baka maligaw ka naman."

"Ano ba 'yan, Ma. Hindi naman na po ako bata." Malapit kami ni Rachel sa isa't isa pero nakakahiya pa rin 'yon lalo na't matagal na rin simula noong nagkita kami.

Mahiyain ako sa mga kamag-anak namin pero mabait sa akin ang pamilya ni Tita Anna kaya naman sa kanila ako malapit. Bibisitahin ko talaga sila.

Nag-renta ng sasakyan si Papa para hindi kami mag-commute. Malayo ang Manila rito sa Nueva Ecija. Mas mura ang renta kaysa sa pamasahe. Nakarating din naman kami agad sa tutuluyan ko.

Tinulungan nila akong mag-ayos ng mga gamit ko at kumain din kami ng hapunan dahil sa matagal na byahe. Traffic din kasi sa daan kaya natagalan.

"Mag-iingat ka rito, ha? May internet ka naman dito kaya sanayin mo na ang sarili mo sa paggamit ng internet para kumustahin kami." Paalala ni Papa.

"Opo, mag-ingat din po kayo sa bahay. Tumawag po kayo kapag may problema—"

"Ano ka ba, 'nak! Ikaw dapat ang tumawag kung may problema. Kumain ka rito nang marami at h'wag mo pabayaan ang sarili mo."

Pansin ko nga 'yong dami ng kainan sa daanan bago itong apartment. Halatang sinadya nila na ito ang kunin para sa akin. Akala siguro nila ay magpapalipas ako ng gutom dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pursuing Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon