Chapter 2

2K 20 9
                                    

Chapter Two

NIKOLAS BENGSON

Hindi ako makapaniwala. Para akong mababaliw sa nangyari sa akin kanina. Linsyak! Totoo 'yun? Nilapitan talaga ako ni Dianne Smith? Pero bakit? Why the hell did she approach me? At bakit niya sinabing gusto niya ako? Damn! I think I'm going insane.Hindi ako makapagisip nang matino. Kanina pa ako palakad-lakad dito sa hallway ng school na parang baliw, iniisip 'yung kanina. I still felt her hand na humawak sa kamay ko. And.. she gave me something.

Ah! Right! Nasa libro ko. Hinigpitan ko ang hawak sa librong dala-dala ko. Nabili ko ito last saturday sa Book Sale. Hindi naman mahal at tsaka, mukhang maganda ang story. Binuklat ko ang pages para mahanap ang origaming binigay ni Dianne sa akin. And I found it. Pink origami na ibon ang design. It's simple pero maganda ang pagkakatupi nito. I fixed my eyeglasses. How? Why? Bakit?

"Aray!" , Hindi ko napansing may nakaharang pala sa daan. Nabitawan ko ang libro at napasubsob ako sa may sahig. Putek! Ang sakit. Kinuha ko agad ang pink origami at inipit sa libro ko.

"Woo Pre! Ba't mo naman ginawa yun?", may bigla akong narinig na nagsalita at sumunod nito, ang nakakabinging tawa. Mabilis akong tumayo at tinignan kung sino 'yun and I saw them.

Si Erwan, kaaatras lang. Mukhang sinadya nilang harangin ang daan para mapagkatuwaan na naman ako. Lagi na lang. Nakuyom ko ang mga palad ko sa galit as my chest heaved deeply. Pinipigil ko ang sariling lumaban. Wala sa bokabularyo ko ang makipagbasag-uluhan sa mga tao at ayaw ko ding magkaroon ako ng record sa guidance office namin. At isa pa, I don't think... I can fight them.

Erwan Heussaff. He's an amboy at maraming mga babaeng humahanga sa kanya. Kung pisikal ba naman kase ng anyo, angat na angat siya lalo na kung ikokompara sa katulad ko. Isa lang akong stick. Pero, lintek! Kung pasamaan ng ugali, nangunguna siya. Katulad na lang ngayon.

Hindi pa ba siya nadala sa ginawa niya sa akin sa Junior's Ball namin? Alam kong siya ang naglagay ng pinagsamang patis, sili, asukal, asin at suka sa iniinom ko. He said na hindi na nila ako guguluhin basta lang ba, iinumin ko 'yung peace offering wine. Wine! They said it's wine, not poison. Hindi ko naman akalaing pati sa Junior's Ball namin ay pagtitripan niya parin ako.

"O Ano? lalaban ka?", tanong ng isa niyang kagrupo. Si Sam. Katulad ni Erwan, isa rin siyang Amboy.

Napayuko na lang ako.

Tumawa si Erwan at masinsinan akong tinignan. "Fuck! You're really ugly", umiling siya. "Why don't you just pack your bag and go somewhere far from here? You look like shit!",dagdag nito at tinuro ang mukha ko.

Lumapit si Sam sa akin at hinawakan ang kwelyo ng polo ko. Napaatras ako. Pinagpag niya yun, habang ngumingisi na parang nang-aasar.

"A-no?", tanong ko. Malalaki ang katawan nila, wala akong laban. In just one punch, I might be dead.

Nakangisi ang grupo nila habang sinusuksok ni Sam ang isa niyang kamay sa loob ng bulsa ko. He found my wallet at kinuha 'yun. Ngumiti siya at binitawan ako para bilangin ang laman nito.

Inayos ko ang aking salamin. Kailangan ko nang lumayo dito. Dahan-dahan akong humakbang palayo nang may narinig akong boses.

"Erwan.."

Lumakas ang tibok ng puso ko at napatigil ako sa paglalakad. I stared at her. Shit! Ang ganda niya. Sumasabay ang kanyang buhok sa hangin. From her back, I saw group of people. Kilala ko ang mga 'yun. Minsan, nakikita ko silang may mga kinakaaway na mga babae. Pero kahit ganun, may nakita akong kakaiba sa mga mata ni Dianne. I know hindi siya 'yung tipong masama ang ugali. I know because I can feel it at napatunayan ko 'yun nang nilapitan niya ang isang tulad ko, kanina.

"Hi, Erwan", bati ni Soleen. Ang pagkakaalam ko, magkapatid sila. Napatunganga lang ako sa kanila. May mga tao talagang sadyang pinagpala ng kagandahan. Lintek! Sa akin, walang natira.

Lumapit si Erwan kay Dianne at akmang hahalikan ito kaya lang, tinulak siya ni Dianne.

"Wag mo akong mahalik-halikang manyak ka"

"Why Babe?"

"I-Babe mo 'yang mukha mo!"

Napangisi ako nang palihim. Ha! Bagay nga sa kanya. Ang yabang mo kase 'tol! Feeling mo, sayo lahat ng babae!

"Ayan", sabi ng isang bakla "Ikaw kase Erwan, I told you na sa akin ka na lang. Ililibre kita ng tuition. Ano? Deal?", tumawa ito. Tinignan ko ang ID niya, Jose Marie Viceral. Pero, Vice ata palayaw niyan.

Kumunot lang ang noo ni Erwan. Nilagpasan siya ni Dianne at nilapitan si Sam na tumatawa sa likod. Dianne opened her palm. Napatingin naman dito ang lalaki.

"What?", napawi ang tawa nito.

"Akin na. Ibigay mo sa akin yung wallet na kinuha mo"

Tama ba 'tong naririnig ko? Si Dianne, nilapitan si Sam para kunin ang wallet ko? Tinutulungan ako ng isang tulad niya?

"Sam, wallet daw, bingi lang?", singit naman ng isa pang maganda sa likod ni Dianne pero siyempre mas maganda si Dianne. Balita ko, nakasali na raw ito sa national singing contest. Wow!

Nakakunot parin ang noo ni Sam. "Ba't ko naman ibibigay? Sayo ba 'to?"

Humalukipkip si Dianne. "Then, sayo rin ba yan? Diba hindi? So akin na.."

Lumapit si Erwan sa kanila. "Just.. give it to her", untag niya kay Sam at kinuha mula sa kamay nito ang wallet. Tinitigan niya si Dianne at binigay dito ang wallet. May binulong siya pero hindi ko narinig.

"Here!", nakangiting lahad ni Dianne ng wallet ko sa akin. Natulala ako sa mga mata niya.. para kaseng nang-aakit, ang ganda.. 

"Shunga lang?"

Natauhan ako sa biglang nagsalita. Yung bakla ata at sinundan iyon ng mahinang tawa mula sa mga kaibigan. Mahinang gumalaw ang mga kamay ko at nanginginig na kinuha ang wallet mula sa kanya.

"S-s-s-alamat", stop the stuttering Nikolas! Nakakahiya.

"Salamat daw girl!"

She smiled. Nakakatunaw. Nanlambot na naman ang tuhod ko.

"Sige na! Alis ka na.. Ako na ang bahala dito", aniya. Medyo tinulak niya pa ako at yung mga kaibigan niya, tila sinesenyasan din ako na umalis na.

Habang naglalakad, I turned my head at nakita ko silang dalawa ni Erwan na naguusap.

I can hear my own heartbeat.

Tangna! Ano ba 'to? Parang may naghahabulan sa puso ko. Pero totoo, hindi talaga ako makapaniwalang nilapitan niya ako. She even helped me. Sobrang nakakahiya talaga. Dapat ako 'yung tumutulong sa kanya eh. Dapat ako 'yung lumalapit. Dapat ako 'yung gumagawa ng paraan para mapalapit kay Dianne. Kaya lang, bigla kong naisip. Hindi ko pala kaya.... Sa mukha kong 'to? Gugustuhin niya kayang lumapit pa ako? Baka naaawa lang siya sa akin kaya niya ako nilalapitan. Kase, wala naman akong kaibigan dito sa University. Wala, sarili ko lang.

Courting Mr. Panget (Vhong-Anne)-REVISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon