CHAPTER 1

21 2 0
                                    

CHAPTER 1

Vera's POV

4 years ago...

"Ate Vera, bilisan mo raw kumilos sabi ni Kuya Niko." Isang hindi gaano katinis na boses ang narinig ko mula sa likod ko.

Agad na napalingon ako roon na may nakaipit pang tinapay sa bibig. Mula rito kitang kita ko ang suot ni Selene na pang junior high school uniform. Maikli ang buhok nito na aabot sa balikat niya.

Bumuntong hininga ako bago kinuha ang bag ko at nagsimulang maglakad papalabas ng bahay.

"Where's Kuya Niko and Felix?" Tanong ko rito habang inaayos ang buhok ko na hanggang dibdib pa lang.

"Nasa kotse na! Ikaw na lang kaya inaantay namin, ang tagal mo!" Reklamo nito sa akin. Humahaba pa ang nguso niya habang sinasambit iyon.

Nagkibit balikat na lamang ako at agad na nagtungo sa kotse na sasakyan namin papuntang eskwelahan.

"Sa wakas, nandito na rin ang senyorita natin." Rinig kong pang aasar ni Felix nang makalapit ako sa kaniya.

Binigyan ko naman ito ng pandidiring tingin, "Shut up, useless brat." Ani ko.

"That's enough, pumasok na kayo sa loob ng kotse." Utos ni Kuya Niko sa amin.

Walang umangal sa aming tatlo kaya naman agad na pumasok na kami roon.

Magkaiba ang pinapasukan naming eskwelahan ni Selene dahil isa pa lamang itong junior high at ako ay isa ng senior high. Kasing edad at baitang ko lang si Felix kaya naman pareho kami ng pinapasukan.

Hindi naman na bago iyon sa akin dahil kambal na ipinanganak kami ni Felix.

Habang si Kuya Niko naman ay malapit ng grumaduate sa kursong kinuha nito.

"Bye! Kitakits mamaya!" Masiglang sabi sa amin ni Selene bago ito bumaba ng kotse.

Ibinaba na kasi ni Kuya Niko ito sa tapat ng eskwelahan niya. Hindi naman ito ganoon kalayo sa eskwelahan namin kaya naman kampante kaming makakapasok kami sa eskwelahan na hindi na l-late sa klase kahit na unahin pa naming ihatid si Selene.

Nang maihatid kami ni Kuya Niko sa eksaktong oras, agad na naghiwalay kami ni Felix ng pupuntahan.

Iba ang strand na kinuha nito kaya naman magkaiba rin ang building na pinapasukan namin.

Habang naglalakad, pansin ko ang mga taong nakatingin sa amin. Unang araw pa lang naman ng klase kaya naman alam ko nang mangyayare ito. Hindi na rin ito bago pa sa akin.

"Vera!" Lumipat ang tingin ko sa gawi ng taong nakatingin sa akin habang kumakaway. Sinisigaw pa nito ang pangalan ko na animo'y ilang dekada na kaming hindi nagkikita.

"My gosh, you look so beautiful with that uniform!" Bati agad sa akin ni Nora Perez, ang kaibigan ko.

Isa rin itong bampira tulad ko at miyembro rin ng 6 Great Vampire Clans.

Saglit na lumingon ako sa paligid nang maramdaman kong mas marami pa ang tumitingin sa amin. Tumikhim ako.

"Lower your voice, Nora. I don't want to create an attention." Sabi ko bago nagsimula ng maglakad para lamang makaalis sa kinapupwestuhan namin.

"Why?" Tanong ni Nora bago ako sundan. Hindi ako sumagot at hinayaan lang itong nakasunod sa akin.

Napansin ko ang pag ngisi nito. Sigurado akong may kalokohan na namang pumasok sa isip niya.

"Are you shy because you have that kind of unrealistic beauty?" Pang aasar pa nito.

Umirap naman ako at saglit na tinapunan siya ng tingin, "Where's your fiancé?" Pag iiba ko ng tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Drowned Memories (Vampire Series# 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon