PART 4
LOUIE IVAN RICCI POV:
"What the heck, Mom!" Sigaw niya ng itulak siya ng mga tauhan nito papasok sa loob ng van, ngunit parang wala lang narinig ang kanyang ina sa halip na magsalita ito ay umupo din ito sa tabi niya habang may kung anong binabasa sa cellphone nito.
"Seriously Mom. I can't let that slide what you did while ago!" Nauubos na ang kanyang pasensya. Hindi habang buhay na lang kinukontrol siya ng kanyang Ina. He already realize that he loves Janine hindi siya makakapayag na magpatali sa babaeng ni katiting hindi niya gusto. Mahinahon na ibinaba ng kanyang Ina ang cellphone at marahas na nilingon siya habang nakataas ang isa nitong kilay.
"What? Gusto mong balikan ang hitad na yun? Sige! Go! Bumalik ka! Tingnan natin kung anong mangyayari sa babaeng yun!" Napasambunot na lang siya sa sariling buhok dahil sa inis na naramdaman. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa kanyang Ina kahit sarili niya hindi niya din inaasahan na mahulog sa isang babae sa sandaling panahon. He doesn't know kung ano ang mayroon kay Janine na wala sa babaeng ipinagkasundo sa kanya ng kanyang Ina. Janine looks rich and he is sure that she can get what she want but despite of her being rich napakasimple niya hindi siya marunong magmayabang and he likes Janine characteristics even her flaws.
"Mommy, don't threaten me dahil sa sunod na marinig ko pa ulit na tinawag mong higad si Janine, i will not promise Mommy, dahil unti-unti nang nawawala ang respeto ko sayo." Seryuso niyang wika sa ina.
"How dare you!" Nanggigigil na sigaw ng kanyang Ina.
"She's not the woman as you think, she deserves the respect too, Mother." Hindi na siya nagsalita pa itinuon niya na lang sa daan ang tingin at hinayaan na lumipad ang kanyang isip noong mga panahon na masaya siya kasama ang dalaga.
Wala siyang imik hanggang sa nakarating sila sa kanilang bahay. Nang huminto ang van ay agad din siyang bumaba. "Honey!" Napahilot siya sa kanyang sintido ng marinig ang nakakarinding sigaw ni Kreiza habang tumatakbo papunta sa kanyang direksyon. Handa na sana siyang yakapin nito ngunit mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay dahilan upang mapatigil ito sa pagsalubong sa kanya ng yakap.
Seryuso niya itong tiningnan saka huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. "I'm tired, Kreiza," wika niya gamit ang malamig na boses kapagkuwan ay tinalikuran niya na ito. His too tired to deal with her specially with his mom.
Habang pa-akyat siya ng hagdan nakasalubong niya ang kanyang Ama na may dalang suitcase. Napahinto ito sa paghakbang saka tumingin sa kanya bago siya tinanguan sabay tapik ng kanyang balikat. "Let's talk later, son." Tumango siya dito bilang tugon at nagpatuloy na sa pag-akyat papunta sa kanyang silid.
Pagod siyang naupo sa sofa habang nakasandal ang ulo nito sa sandalan. Binuksan niya ang lata ng beer at lumagok ng alak. Napapikit siya ng maramdaman ang init na dumaloy sa kanyang lalamunan.
Naalala niyang hindi pala siya nakapag paalam sa kaibigan na nauna na siyang bumalik sa lungsod. Nang binuksan niya ang kanyang cellphone bumungad sa kanyang ang kanyang wallpaper na naging dahilan upang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Nang gabing may nangyari sa kanila ni Janine, nakatulog ang dalaga dahil sa pagod pero siya ay hindi makatulog dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari. Dahil wala siyang magawa ng mga oras na yun ay kinunan niya ang dalaga ng litrato at ginawang wallpaper sa kanyang telepono.
Binuksan niya ang kanyang messenger saka hinanap ang pangalan na Walton. Nang makita niya na online ito ay nagpadala agad siya ng mensahe na nakauwi na siya ng lungsod. Nang maseen ng binata ito ay agad na nagring ang kanyang telepono na sinagot niya naman agad ang tawag nito.
"Fuck You Ricci!" Sigaw ng binata ang bumungad sa kanya inopen niya ang camera at nakitang nakasalubong ang kilay nito kaya napangisi siya. Alam niyang walang paki alam sa kanya ang binata kung mauna man siyang umuwi o mahuli.
BINABASA MO ANG
VACATION 1:SUNSET (COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18 | MATURE CONTENT She is Janine Belen, the woman who is "I can get what i want". She is Workaholics woman, at kuntento na ito sa takbo ng kanyang buhay, sanay na ito sa araw-araw niyang routine bahay at trabaho, but everything changes...