Ako si Rhealyn pero tawag ni sakin ay Rhea lang, isa lang akong simpleng babae. Mabait ako pag mabait sakin, madami akong bestfriends pero may isa akong boybestfriend na mahal na mahal.
"Riri" Napalingot ako sa nagsalita, isang tao lang kasi ang nagtatawag sakin ng pangalan na yan. At yaan siya Di ko nga alam kung bakit ganto nararamdaman ko sakanya, gusto ko siya pero hindi pwede bata pa kasi kami, at ayokong masira ang pinagsamahan namin dahil lang sa feelings ko.
Timungin ako kay Andre, parang malungkot siya. "Oh? Parang malungkot ka Rere" Riri tawag niya sakin, Rere naman tawag ko sakanya.
"Mahal mo ba ko?" He said.
*Shocked* This is it. Aamin ba ko? "A-ano yun R-rere?, m-mahal ba k-kita?" Nauutal na ko, di ako ready sa gantong tanungan noh.
Hinawakan niya yung kamay ko "Riri, makinig ka ah." Bumuntong hininga siya "Maglalakas loob na kong aminin sayo toh. Riri, mahal na mahal kita. Ewan ko kung bakit, alam kong bata pa tayo. Marami pang mangyayari sa buhay natin, pero naisip ko na ayokong palampasin tong araw na to na hindi ako umaamin sayo. Nagdadalawang isip ako na sabihin to sayo kasi baka masira pinagsamahan natin" Bumuntong hininga ulit siya. "Mahal na mahal kita Riri, mahal mo rin ba ko?"
Shemms ! Nangyayari ba talaga to? O dahil sa sobrang pagpapantasya ko sakanya eto na naiimagine ko. Wag ka na ngang magpantasya Rhea. I said to myself "M-mahal mo ko?" I said.
"Wag mo ng ipaulit sakin Riri, Oo o hindi lang. Mahal mo din ba ko?" He answered.
Tumango ako. "Oo" Papakipot pa ba ko? Taong mahal ko na ang nagsabing mahal niya din ako, at di lang mahal, mahal na mahal.
Niyakap niya ko "I'm so happy"
Niyakap ko din siya. "Totoo ba to?" I asked him.
Humarap siya sakin tumango siya at nagsmile. Pero yung smile na yun parang fake, may lungkot parin sa mata ni Andre.
"Ok ka lang ba?" I asked.
Yumuko siya "Kaya mo ba kong hintayin?"
H-hintayin? Bakit? "Anong kayang hintayin?"
"Aalis na kami dito sa Pilipinas, pupunta na kaming Korea. Kaya nga gustong gusto ko ng sabihin tong nararamdaman ko eh" He said.
Natulala ako? B-bakit? "Ang gulo mo naman Andre eh" Maluha-luha na ko habang nagsasalita "Pinadama mo sakin ang saya pero papalungkutin mo din pala ako" Tumulo na yung luha ko. Ayaw ko kasing malayo sakin tong Rere ko, mahal na mahal ko to eh.
Hinawakan niya yung pisngi ko at pinunasan yung luha ko "Riri, makinig ka. Hindi ako mawawala sayo, babalik ako pangako. Hinding hindi kita ipagpapalit. Pangakong mamahalin kita habang buhay"
Hinawakan ko mga kamay niya "Mamahalin kita habang buhay Rere, hihintayin ko ang pagbabalik mo. Pangako" I said in teary eyes.
Niyakap niya ulit ako.
ANDRE POV :
Nagawa ko nang umamin sa pinakamamahal ko, ayoko siyang iwan pero di ko naman kayang suwayin ang mama at papa ko. Sa Korea kasi ako pinanganak, nagdisisyon sila na bumalik doon.Hapon na kaya kailangan ko ng umuwi, pero bago ako umuwi hinatid ko muna si Rhea.
"San ka galing?" My mom said.
Nagmano ako sakanya "Jan lang po sa labas ma"
Tumango siya. "Mag-impake ka na, mapapaaga alis natin" She said.
"What? Di ba next month pa alis natin?" I said shockly.
"Kaya nga sabi kong mapapaaga alis natin eh" She answered.
"Kelan?" I asked.
"Next Next day" She answered quickly.
"What? Ma? Seriously?"
"Bakit ayaw mo ba umalis na?" She asked.
Yumuko ako at pumunta nalang sa kwarto ko. Napapaluha na ako, ayoko talagang umalis sa Pilipinas.
Tinext ko si Rhea
"I will miss you Riri. Tandaan mo yung promise natin ah"Sinabi ko na kay Rhea kanina na next month na ang alis namin pero di niya pa alam na mapapaaga ang alis namin ngayon.
"Wag ka munang magpaalam Rere, ayokong malungkot ng maaga. Matagal ka pa naman aalis di ba?" She reply.
"Hmm. Riri pwede ba kitang makasama bukas ng buong araw? Please" I asked. Ayoko pa munang sabihin sakanya na aalis na kami sa makalawa. Ayoko ng makikita siyang umiiyak ulit.
"Oo naman Andre. San tayo pupunta?"
"Basta. Sige bukas nalang. Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita" She reply.
Gusto ko siyang makasama bukas ng buong araw, last day ko na bukas sa Pilipinas at sa last day ko na yun siya ang gusto kong kasama.
KINABUKASAN : RHEA POV
Hihintayin ko si Andre dito sa bahay namin, di niya naman sinabi sakin kung anong oras at saan eh. Bakit kaya gusto niya kong makasama ng buong araw? Sana naman wala ibig-sabihin na kalungkutan yon.
Knockkk ! Knockk !
Ayan na ata siya. Pinagbuksan ko siya ng pinto tapos tumingin ako sa orasan. "Oh. Ang aga mo naman" 6:30 palang kasi eh.Ngumiti siya. "Gusto kitang makasama ng buong araw" He whispered.
Ngumiti din ako. "Oh sige. Hintayin mo nalang ako sa loob" Pinapasok ko siya at pinaupo sa sofa namin "Hinatayin mo nalang ako jan ah. Magbihis lang ako" Umakyat na ako kaagad para makaligo at makapagbihis agad. Sisiguraduhin kong magiging masaya siya ngayong araw, na babaunin niya habang buhay.
Pagtapos kong makapagbihis bumaba agad ako, tiningnan ako ni Andre at nakangiti siya. I smiled back. "Ok na po? Alis na ba tayo?" I asked.
Tumango siya at niyakap ako "Akin ka ngayong araw Riri"
Lumabas na kami at nagsimulang maglakad. Ayaw na niya sumakay kasi malapit lang naman daw ang pupuntahan namin.
Bigla niya kong hinila at tinakpan niya yung mata ko "Andito na tayo" He whispered.
Ngumiti ako "Ok. Tanggalin mo na yung pagkakatakip mo sa mata ko" Tinanggal niya na yung pagkakatakip sa mata ko "Wow!" I said.
Hinawakan niya yung kamay ko "Hahayaan mo ba kong angkinin ka ngayong araw na to?" He asked romanticly
Ngumiti ako, di ko na kasi mapigilan ang kilig. Di umabot sa ganto ang pag-iimagine ko, pero masaya na rin ako na nangyayari to saakin ng totoo. "I'm yours" I whispered.
He smiled back "I will love you forever"