C1: ENCOUNTER

71 23 27
                                    


It's sunday today pupunta ako ngayon sa lugar kung saan pwede kung ibuhos lahat ng sama ng loob ko.Wearing black high boots,well yes i like high boots even in shoes matangkad naman talaga ako,suot ko rin ang black leggings,black sando na pinatungan ko ng black leather jacket and black face mask para siguradong walang makakakilala sa akin.

Nasa pinakataas ng building ang condo ko,pinili ko yun dahil sa ganda ng view at malapit sa rooftop.

Pagkatapos kung magbihis sumakay agad ako ng elevator.Halos lahat ng sasakay ay tumitingin sa akin mula ulo hanggang paa aisssh I hate attention buti na lang napunta agad ako sa bandang likuran.Hindi ko na namalayan ang paglagpas ng elevator sa ibang floor at pagbukas sara nito ng biglang tumunog ulit ito hudyat na nasa pinaka-ilalim na palapag na kung nasaan ang basement na may mga nakapark na kotse,van at motor.

Paglabas ko ng elevator pumunta agad ako sa direksyon ng sasakyan ko, tanging ilaw lamang ang nagsilbing liwanag dito.Dinig na dinig ang tunog ng takong ko sa bawat hakbang ko,halos lahat ng nakapark na sasakyan dito ay mamahalin kagaya na lamang ng Lamborghini,Ferrari,Porsche,Ford at marami pang naggagandahang sasakyan.

Natural lang ang mga bagay na ganito dito,na sa bawat taong nasa loob ng condo ay million ang pera na may mga sikat na taong nakatira.Kaya naman mahigpit ang security dito at 'di basta nakakapasok.

Agad kung inalis ang takip ng motor ko at pinagmasdan saglit ito,Wala paring pinagbago mukha paring bago.Sumakay ako at binuhay ang makina pinihit ko ng ilang beses ang manibela kasabay ng malakas na tunog nito, alam kung kahit saang sulok dito sa baba ay rinig na rinig ito.

"Hmmm.sound so good,exciting."bulong ko at mabilis na pinaharurot ang motor.

Habang nasa gitna ng kalsada may mga iilang bumubusina dahil sa ginagawa kung pag-overtake,kahit makipot ang dinadaanan ko 'di ko ito pinapalampas.Gawain ko talaga ito may traffic man o wala.

After 7 minutes

Nakarating na ako sa FOB.Pagtapat pa lang sa gate ay bumukas na ito,Hindi na ako hinarang ng guwardya dahil kilala na nila ako at madalas rin akong tumambay dito.Dire-diretso kung pinasok ang motor at pinark sa nakahilerang sasakyan.

Inalis ko yung helmet at bumaba,mukhang kaunti na lang ang tao dito.Pumunta muna ako sa counter desk para kunin ang number.

"Miss Goldevar,"Bati sa akin ng isang babae sabay ngiti "Ito po yung number 505 A1."

Tinanguan ko lang siya sabay kuha ng number.Naglakad ako patungo sa hilera ng mga baril,kitang-kita kung gaano kamahal ang bawat calibre ng mga baril dito.Tumapat ako sa A1 nasa loob ito ng salamin dinikit ko yung numero sa salamin at kusang bumukas ito.Kinuha ko ang isang Glock 43 ultra compact handgun chambered in 9mm,maliit lang siya kaya saktong-sakto sa kamay ko.

Naglakad na ako patungong field kita ko na ang apat na target,malawak dito may mga upuang nakapalibot sa gilid at open field siya kapansin pansin din ang green grass na siyang nagpapatingkad ng kulay.

Nung nasa gitna na ako hindi na ako nagdalawang iisip pa na iputok ang baril gamit ang isang kamay..

90° banggg!

60° bangggg!

45° banggggg!

35° bangggggg!

Umalingaw ngaw ang bawat putok ko ng baril sa huling target kung binitawan inusog ko ng unti ang kamay ko pakanan,kitang kita ko ang pagkamangha ng isang lalaki ngunit nabigla ito ng itapat ko sa kanya ang baril bahagya itong namutla samantalang yung isang lalaki ay wala man lang reaksyon sa mukha.

Hindi ko sila napansin kanina aishhh buti na lang di ko inalis yung face mask kanina,kaya dali-dali kung binaba ang baril at pumihit patalikod narinig ko pang may pumalakpak pero hindi ko na yun inintindi at umalis na.

6:30pm ng maka-uwi ako sa condo kung hindi lang sana dahil sa traffic naka-uwi ako ng masmaaga halos di ako makasingit sa mga sasakyan kaya natagalan ako, ayoko namang ipahamak yung mahal kung sasakyan.

Pagpasok ko sa loob ng condo napansin ko kaagad ang sampong paper bag,tiningnan ko ang laman nito uniform,heels,boots,shoes,dress at mga bagong damit?Mukhang si mommy ang may gawa nito at kailangan ko narin palitan ang password ng condo ko.

Oo nga pala di niya rin mabubuksan yung kwarto ko kaya siguro dito niya na lang nilagay.Ipinasok ko na lang yung mga paper bag sa kwarto at nilagay sa cabinet pagkatapos ay naligo saglit.

Pagkatapos kung maligo ay nakaramdam na ako ng gutom kaya pumunta ako ng kusina para sana magluto ng makakain pero napansin ko sa lamesa ang mga natatakpang plato,binuksan ko ito isa-isa may adobo,kaldereta,chicken,hotdog at sinigang talagang di niya ako nakalimutang dalhan ng mga niluto niya.

That's my best mother pero di ko sasabihin sa kanya baka lumaki rin ulo.

Natakam ako bigla tska medyo mainit pa yung mga ulam kaya kumuha agad ako ng kanin.

Pagkatapos ko kumain hinugasan ko na ang lahat na pinagkainan ko.

Nang natapos na ako maghugas naisipan kung manood muna ng movie pangpaantok.

Nagsearch ako sa YouTube ng action movie.Masgusto ko talaga yung action or mystery kesa sa mga romance gaya ng ibang babae.

Bago ko plinay nagtimpla muna ako ng malamig na gatas at kumuha ng titserya.

Nasa kalagitnaan na yung pinapanood ko ng biglang tumunog ang cellphone ko aishhh istorbo.

Kinuha ko ito kahit nasa pinapanood ko ang tingin sabay patay ng tawag,bahala siya kung sino man yun ayoko ng istorbo.Kakatapos pa lang ng tawag ng biglang tumunog na naman ulit ito sinagot ko kahit di pa man nakikita ang caller.

"Sino ka ba?nanonood ako istorbo ka!" Inis na sabi ko

"Oh chill lang bhe ang hot mo naman masyado."Sagot niya sa kabilang linya.

"Aishhh i know."walang alinlangan kung sagot.

"Edi wow ikaw na by the way bukas ha wag mong kakalimutan yung sinabi ko sayo hehehe."tuwang tuwa niyang sabi.

"At talagang tumawag ka para lang dyan?!"irita kung sabi sino ba namang di maiinis kung pinagkakatuwaan niya ako.

"Syempre baka makalimutan mo at gusto ko ring makita ang reaksyon nilang lahat hahaha!"sabay tawa niya sa kabilang linya.

Pinutol ko na ang tawag at least pinatapos ko siya diba.Hintayin niya gagantihan ko talaga siya.

Matatapos na tuloy yung pinapanood ko kainis.

Alas diyes na ng natapos yung movie.Bago ako pumasok sa kwarto binuksan ko muna yung sliding door merong maliit na space lumabas ako at tumayo dun naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin kitang kita ang palapag ng bawat condo units.Tumingin ako sa nagkikislapang bituin sa langit masyadong mapayapa ang gabi sana ganito na lang palagi pero hindi naman pwede.

Matagal akong tumitig dun para sulitin ang mga naggagandahan at kumikislap na bituin pagkatapos tumingin ako sa katapat na condo medyo malayo ang distansya pero nagtaka ako ng bukas ang ilaw dito at may nakatitig sa aking lalaki kung hindi ako nagkakamali,ibigsabihin merong bago kasi nung pagdating ko dalawa na lang yung available dito at yung pinili ko ay sa left side.Kung ganun tama nga ako pero nakatitig parin siya di ko man maaninag ang mukha niya sigurado akong lalaki siya.Tumalikod na ako at pumasok,sinarado ko narin yung sliding door agad na hinawi ang kurtina.Pumasok narin ako sa kwarto para matulog.

That guy infront of my condo unitWhere stories live. Discover now