Charisma is the ability to influence without logic – Quentin CrispTHE LYING GAME | XM AGENCY SERIES
CHAPTER THREE – NEW INVESTIGATOR
ZOE
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakatingin lang ako sa mga taong tila walang pakialam sa akin na nakatayo sa pinto ng department na ito. Sa likod ay nakasukbit ang isang backpack tapos ay bitbit ko ang ilang mga folders na alam kong kakailanganin ko sa trabaho ko.
"De Leon!"
Napatingin ako tumawag na iyon sa akin at napangiti ako nang makita ko si Chief Jonathan Sierra na nakatayo sa nakabukas nitong opisina. Sinenyasan akong lumapit kaya nagmamadali ko namang ginawa. Hindi ko na pinansin ang tingin ng mga tao doon sa akin at dinaanan na lang sila para makapunta ako sa opisina ni Chief Sierra.
"Welcome." Nakangiti niyang bati sa akin at inilahad pa ang kamay niya. Yumakap naman ako at ganoon din ang ginawa niya. "Get inside." Nilakihan niya ang bukas ng pinto para makapasok ako at narinig kong sinabihan ang sekretarya niya na magdala ng maiinom namin. "Sit down, iha." Sabi pa niya at itinuro ang couch na naroon sa opisina niya.
Naupo naman ako at ibinaba ang mga gamit ko sa tabi ko.
"Are you ready for your first day?" Tanong niya at naupo sa harap ng mesa tapos ay may dinampot na folder at tiningnan iyon tapos ay tumingin sa akin at malungkot na napailing. "I am so sorry for what happened to your father."
Nagkibit lang ako ng balikat at napahinga ng malalim. Halos lahat naman ay hindi na matapos ang pakikiramay sa akin. A week ago, natagpuang patay ang tatay ko na si Gardo Magtanggol. Estranged father actually. I had never known about him 'til he died. Hindi ko naman alam na ex-Chief Superintendent pala ang totoong tatay ko. He was found dead inside his own house drowned in his clogged toilet bowl. Some were saying it was a suicide. But I knew, just one look at the photos that was sent to me, it was staged. My estranged father didn't take his own life.
He was murdered.
That was the reason I was here. I wanted to know what really happened to my father. The investigation was slow. Not moving. Even if I was born out of wed lock and I was abandoned by that man, just like my mother said, he was still my father and he didn't deserve to die like that. He needed closure. Justice for what happened to him.
"How's your mom?" Tanong pa ni Chief Sierra sa akin. Siya na ang pumalit sa estranged father ko magmula nang mag-retire ito ilang taon na ang nakakaraan. And Chief Sierra has been my mentor when I was starting in the academy. Kaibigan din kasi siya ni mommy.
"Mom is good. She is coping well." Ngumiti pa ako sa kanya.
Nakatingin lang sa akin si Chief Sierra tapos ay napangiti at napapailing.
"I cannot believe that you will become an Inspector. You were so young the last time I saw you. Naïve and innocent. But look at you now. Mukhang maso-solve mo ang patong-patong na mga cold cases namin dito."
Natawa ako. "I'll try my best."
Tumayo na si Chief Sierra kaya ganoon din ang ginawa ko. Inilahad niya ang kamay sa akin at nakipagkamay ako sa kanya.
"Welcome to my team." Sabi niya at nagpauna nang lumakad palabas ng opisina niya.
Binitbit ko ang backpack ko tapos ay sumunod sa kanya. Malakas na nagsalita si Chief Sierra para makuha ang atensyon ng buong department. Lahat ay tumingin sa gawi namin.
BINABASA MO ANG
THE LYING GAME (on-going)
Mystery / ThrillerATTORNEY JADEN ELIAS SUAREZ Lawyers were liars. That was people were telling my kind. As a defense lawyer, I am good with what I do. I had so many cases that I had won and people with problems with the law always sought for my service. People wou...